Chapter 48

8.5K 122 36
                                    

"A-anong ginawa mo s-sakanila?" nauutal na tanong ni Ryker kay Helena.

Itinaas ni Helena ang kaniyang kaliwang kilay pagkatapos ay tumitig siya kay Ryker. "Simple lang, pinabagsak ko lang naman yung kompanya nila."

Umawang ang bibig ni Ryker. "Y-yun lang?" takang tanong niya.

Kumunot ang noo ni Helena saka niya pinagkrus ang kaniyang mga braso. "Anong yun lang? Hindi pa ba sapat iyong ginawa ko?" tanong nito. Muli niyang tinitigan ng masama si Ryker. "Kaya kung ako sayo iingatan ko na ang sarili ko. Ikaw na ang isusunod ko!" babala ni Helena.

Bumaba ang tingin ni Ryker sa sahig. Helena must really hate him.

"Ryker, I'll be honest with you." pagkuha ni Helena sa pansin ng binata. "Ayaw ko yung mga lumalabas na issue tungkol sayo at sa pamilya. Ayaw ko din iyong ginawa mo kay Nayana, muntik na siyang mamatay noong malunod siya. You broke her heart, and it really hurts her. Hindi ako santo hijo, at gagawin ko lahat para sa aking anak."

"Nakikita ko sa mga mata ni Yana kung gaano ka niya kamahal. At nakikita ko din iyon sa mga tingin mo sakaniya. Alam ko na may matindi kang rason kung bakit mo iyon ginawa Ryker." huminga ng malalim si Helena at matiim niyang tinignan sa mata ang binata.

"Hindi ako yung tipo ng tao na nanghihingi ng pabor. But please, pwede niyo bang ayusin niyo ni Yana kung ano mang problemang meron kayo? Pag usapan niyo.  I can't let my daughter live like this. She's miserable without you." may pagmamakaawa sa mga mata ni Helena habang sinasabi iyon. Noong araw na pumunta siya sa hospital at umiyak si Yana sa kaniya, parang nararamdaman niya ang sakit ng anak... kung kaya lang niyang kunin iyong sakit ay ginawa na niya pero hindi e.

"Wala na po kayong dapat ipag alala Lady Berkshire. Sinisigurado ko po sa inyo na mahal ko ang inyong anak, at sa pagkakataong ito'y hindi ko na siya bibiguhin at papakawalan pa. Ginawa ko lang po iyon para protektahan siya." pahayag ni Ryker.

Tumango si Helena at ngumiti siya kay Ryker. Buti naman, ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag. "Salamat, Ryker."




Masaya si Ryker at nakausap na niya si Lady Berkshire tungkol kay Nayana, ngayon ay panatag na siya. At kung tama nga ang hinala niya'y wala sa kaniya si Rylie. Walang signs na nasa kaniya si Rylie. Tama nga si Yana hindi nga kayang gawin ng kaniyang ina iyon. Lady Astina Helena Irvine Berkshire is innocent.






Nang tuluyang makalabas si Ryker sa building ng Berkshire Empire ay dali dali niyang dinial ang numero ng kaniyang sekretarya. Wala pang tatlong ring ay sinagot na iyon ni Daniel.

"Kamusta kayo diyan?" tanong ni Ryker.

"Kanina'y napapaligiran kami ng mahigit anim na lalaki, mukhang natunugan ni Marsha na sinusundan namin siya." pahayag ni Daniel. Mabilis na nangunot ang noo ni Ryker.

"Ano?! Kamusta kayo? Anong nangyari?" may pag-aalalang tanong ni Ryker.

"So ayun nga, kinausap kami ni Marsha kung bakit namin siya sinusundan. Syempre sa una hindi namin sinabi yung dahilan. Pero satingin namin ay inosente siya. May mga body guard siyang nakaalalay at nagmamasid din sakaniya dahil pinagbabantaan din daw ang buhay niya. May pinakita rin siyang mensahe sa amin na pinagbabantaan siya at nagreport na din siya sa police. Marsha Guzman is innocent."

Namilog ang mga mata ni Ryker. "Teka... hindi rin si Lady Berkshire ang kumidnap." natigilan siya. "So ibig sabihin—





Yana Pov

Niyaya ako ni Julia sa kaniyang tea room upang mas makapag usap daw kami. Wala namang kakaiba sa mga ikinikilos niya kaya't sumama ako.

"Here, drink this tea para gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam mo." ani Julia. Nilagyan niya ng tsa-a yung isang maliit na tea cup at inabot niya iyon sa akin. Ngumiti ako sakaniya bago ko iyon ininom.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin