Chapter 14

10.6K 294 30
                                    

"Anong ginagawa mo sa condo ko? Why are you hugging my Yana?" masungit na tanong ni Ryker sa lalaking kaharap niya. Nasa may sala sila ngayon.

Lumingon si William kay Yana, "Hindi mo siya nakwento sa akin, bestfriend mo ako." nagtatampong sabi nito.

"Ryker, this is William Davis. Kaibigan ko na iniwan ako para maging isang Doctor" pagpapakilala nito. Mukhang wala sa sarili si Ryker dahil nanghihina pa ito at dahil na rin sa gamot na ininom niya.

Bumaling muli si Yana sa kaibigan, "Anong meron at nagbalik ka ulit rito?" takang tanong niya. Alam niyang isang successful doctor na ito sa abroad. Umirap ang binata, "Hindi ko alam na ikakasal ka kung hindi ko lang nakita sa balita pati na din sa social media. Ni hindi ko nga alam na may boyfriend kana." Malungkot nitong sabi pagkatapos ay lumingon kay Ryker, "Mukhang wala naman ito sa sarili niya siguradong hindi na niya matatandaan ito. Pero mahal mo ba siya?" tanong nito. He's hoping. He's hoping that she would say the other way around.

"He's a womanizer, Yana. What made you love him? Baka niloloko kalang niya." Bumuntong hininga ang dalaga "William" may diing pagtawag nito.

"Dali dali akong nagpunta rito ng malaman ko ang balita" anito. Yana faced him "Sa tingin ko nawalan ka na ng karapatan sa akin simula ng nagdesisyon kang umalis" malamig nitong sabi. Nagtatampo ito sa binata dahil mas pinili nito ang iwan siya kaysa sa manatili kasama siya.

"So totoo lahat ng ito? Ikakasal ka na talaga sakaniya?" Biglang naduwal si Ryker kaya agad na inilalayan siya ni Yana "Magusap nalang tayo sa susunod. Magdidinner tayong tatlo kapag ayos na si Ryker" anito at dinala na sa banyo ang nanghihinang binata.

"You fcked up this time, William" bulong nito sa kaniyang sarili.

Apat na taon na ang nakalipas ng umalis ito upang magaral ng medisina sa abroad. Pangarap talaga ni William ang maging isang Doctor kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon upang magaral roon ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang scholarship na ibinigay sakaniya. Mas pinili nito ang pangarap kaysa sa babaeng nagpapasaya sa kaniya.

Yana has a crush on him, para sa kaniya ito ang kaniyang knight in shining armor. Ito ang sumagip sa kaniya noong nalulunod siya sa dagat. Kung hindi ito dumating, paniguradong wala na siya sa mundong ito. Malaki ang utang na loob niya sa binata dahil sakaniya ay buhay pa siya. Hindi mahirap mahalin ang lalaki kaya't hindi naglaon ay nahulog na rin ang loob nito sa kaniya. Aamin na dapat ito sa binata noong nasa airport sila ngunit hindi niya nagawa. Siguro'y hindi iyon ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. And maybe they're too young back then.

Malungkot na pinagmasdan ni Yana ang malaking aquarium na nakadisplay sa sala habang inaalala ang nagdaang panahon. Everybody leaves bulong nito.

Umakyat ito sa ikalawang palapag ng condo at sinilip ang binata. Mukhang kakagising lang nito dahil mapungay pa ang mga mata nito. "Hm may nagpunta bang lalaki kanina rito?" tanong nito. Hindi siya sigurado.

This is the first time that he felt miserable. Ngayon niya palang naramdaman ang ganitong sakit and for petes sake hinding hindi na niya hahayaang mangyari ito ulit.

"Pasensya na talaga, Ryker. Nawala sa isip ko na hindi ka pala sanay na kumain sa ganoong lugar." Anito pagkatapos ay umupo sa tabi ng binata. Buong araw itong pabalik balik sa banyo upang sumuka at buong araw din siyang inalagaan ni Yana. Hindi niya ito iniwan kahit pa may trabaho itong naiwan. She's taking the responsibility.

Kinabukasan ay maagang gumising si Yana upang bumuli sana nang makakain. Naramdaman niyang wala na si Ryker sa kanilang higaan.  Saan naman kaya nagpunta iyon? Sa banyo ba? Napahawak siya sa kaniyang ulo, hindi pa ito ayos.

Dali dali itong tumayo upang silipin ang binata roon ngunit laking gulat niya ng makitang wala itong saplot ni isa at mukhang kakagaling lang nitong nagshower dahil basang basa pa ang buong katawan nito. Nanlaki ang mga mata ni Yana ay napasigaw paalis sa lugar na iyon. Her virgin eyes! Mygoodness!

"Namiss kitang suot mo yung gray na hoodie" ani Yana habang sumisimsim ng kape. Nasa isang coffee shop sila ngayon para mag almusal. Late na silang dalawa sa trabaho. Marami rami din ang pipirmahan ni Ryker dahil absent siya kahapon. "Sigurado ka ba? Baka naman namiss mo ako na walang suot?" malokong litanya ni Ryker habang tumatawa. Bigla namang namula si Yana ng maalala iyon. Nagbalik na ang nakakabwiset na Ryker. Umirap ito.

Lumapit ito sa dalaga at masuyong dinampi ang kaniyang labi sa noo nito. "Salamat sa pagaalaga mo kahapon sa akin." Their eyes meet. "Oo nga pala. Dinner tayo mamaya kasama si William."

Kumunot ang noo ni Yana, "N-natatandaan mo yung nangyari kahapon?" takang tanong nito.

Ryker smirked, "Yes, I remember everything."

"Masaya ako at pumayag ka sa dinner na ito, Ryker" masayang wika ni William. He seemed friendly but Ryker is not. Nakataas ang kilay nito at matalim ang titig sakaniya.

"My name is William Davis" nakangiti paring pagpapakilala nito. Ryker just rolled his eyes. Kung pageant ito hinding hindi makukuha ng binata ang Congeniality Award. "Nasabi mong umuwi ka galing abroad. Are you staying here for good?" walang emosyong tanong nito.

Napaisip ito, "Hm hindi ko pa alam. Let's see, but I'm staying for now. May kailangan pa kasi akong balikan." Anito habang nakatingin kay Yana na seryosong nakikinig sa usapan ng dalawa. Biglang namula ang dalaga sa sinabi nito, siya ba ang tinutukoy nito? O nagaasume lang siya?

"Paano kayo nagkakilala?" biglang tanong ni Ryker. He wants to know, kung paano sila nagkakilala at kung gaano na katagal. Para siyang naiisecure na ewan. Wala siyang ganon sa katawan  pero pagdating sa dalaga pati itsura niya ay kinuquestion niya.

"Hindi mo ba nasabi sakaniya?" takang tanong ni William kay  Yana "Fiance mo siya, he should know that." Dumako ang mga mata niya ulit kay Ryker "Nagkakilala kami sa beach." Anito.

Lumingon si Yana kay Ryker "A-ahm hindi ko pa nasabi sayo to pero, m-muntik na akong malunod sa dagat noon. K-kaya takot na takot ako sa tubig. Lalong lalo na sa dagat." Huminga ito ng malalim at nakipagtitigan sa binata "William saved me that day." Namilog ang mga mata ni Ryker. Impossible

—🎀

HAPPY 1K READS MARRYING THE WOMANIZER! THANK YOU FOR READING AND SUPPORTING THIS STORY. 🤗

A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤

K B L U E S C R I P T


Marrying The Womanizer(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora