Chapter 13

3.5K 61 0
                                    

"BREAKFAST IN BED!", nakakabinging bungad ni Captain sa akin. Nilagay niya ang kamay niya sa noo ko and murmured.
Heto naman ako still puzzled kung anong oras na at bakit tinitreat niya akong reyna.

"A-ate?", I started.

"Kwento ko sayo mamaya. Right now, kain ka na kasi may klase pa tayo and besides, wala ka ng masyadong time", she kissed my cheek after niyang magsalita and I smiled at her.

I ate my breakfast, took a bath, fixed my self and went outside to be with them. Sabay-sabay kaming pupunta sa school as usual eh. Ako na lang pala hinihintay. We're already inside the van and ready to go. Medyo nag-iingay na rin ang iba. Guess it's normal.

"So Jema? Ateneo pala ha! Iba talaga! Hahaha", bungad sa akin ni Ate Mylene.

"Mukhang nag-enjoy nang sobra kaya nag-init last night eh", dagdag na asar ni Ate L.

"Tama na nga yan", Fhen answered, sounding irritated with all the teasing.

"If you like someone, tell her right away", Ate L said while typing something in her phone.

Lahat kami ay napalingon sa kanya.

"Ehem ehem, Captain. May pinariringgan ba tayo dyan? Haha", panunukso ni Ate Mylene.

"Status to sa IG, gaga. Oh well, haha *tumingin kay Fhen* baka kailangan ng isa dyan yung advice na yon. Sana masunod niya", she had the usual up here with Ate Mylene and I know, they're teasing Fhen.

"Jema? Do you like someone?", Ate Mylene asked while looking outside. Nagsitaasan naman ang balahibo ko sa sinabi niya. There's an image from the back of my mind na matagal-tagal nang nagpaparamdam. Dati, panaka-naka lang pero lately medyo twice a week na nagfaflash. At ngayon, heto ginagambala niya ako lalo pa sa ganitong interrogation.

"I like someone pero hindi siya totoo. Ewan. Di ko rin maintindihan. Lagi ko siyang napapanaginipan. Sabi nina mama baka sa sobrang movies lang 'to kaya hinayaan ko na. Nawala na siya sa isip ko pero ngayon parang bumabalik na naman", I told them.

Everyone looked amazed and curious at the same. It was my first time to share something personal eh. Ako kasi yong sinasarili lang ang issues sa buhay.

"Too much wattpad yata yan eh haha", pabirong sagot ni Ate Mylene.

"Siguro nga", I responded shortly.

"Is that person a she or a he?", curious na tanong ni Ate My.

"I don't know. But I hope I know", I bit my lower lip.





After a few minutes

SCREEEEEEEEEEEEEEECHED

"Nandito na pala tayo. Jema, sabay na tayo ha? Curious ako don sa fiction mong crush eh", I just nooded at Ate Mylene at tumambay kami sa isang corner after the announcement na walang klase dahil nga raw may urgent meeting.

"Girls! Shooooh shoooooh muna! Kami muna ni Jema dito", everyone agreed at naghiwala-hiwalay maliban samin ni Ate.


"Soooooo?", halatang excited si ateng

"Anong so?", sagot ko.

"Kwento na. Tayong dalawa na lang dito eh", sagot nya.



Inhale. Exhale.


"I lied", i said.

Her gesture told me that I should continue and that she's listening kaya wala na talaga akong choice.

"It's in my dreams, every night. I don't know what happened, I can't remember, basta ang alam ko lang after waking up from the hospital bed lagi ko na lang siyang napapanaginipan. Alam kong straight ako eh pero di ko magets kung bakit sa panaginip ko I was with a girl. Sure akong babae siya sa boses niya. May times na sobrang happy tas sobrang lungkot. I am so hooked up yata sa dream na yon na pag masaya yung happenings, babangon akong masaya. Nalilito ako ate. Litong-lito na ako. Para kasing..."

"Totoo", siya na ang nagtuloy. She faced me at hinawakan ang dalawang shoulders ko.

"Je. Napansin ko na yon. Napansin ko na ang mood swings mo. Hinayaan ko lang kasi sanay na ako... Akala ko sanay na ako. Nung una tayong nagkasama alam ko nang there's something weird about you. Minsan nag s-sleep talk ka pa pero di ko na sinasabi sayo kasi baka madistract ka lang.

The thing is, kung nasa panaginip mo lang siya baka naman talagang hindi totoo. Kung totoo man siya, wala na yata siya. Wala ka namang binabanggit sakin eh. Ni pangalan niya di mo alam diba?"

Tumango na lang ako. Tama naman kasi sya. Baka pinaglalaruan lang ako ng isip ko. Siguro sobrang lonely ko at hindi pa ako nagkakajowa kaya kung sinu-sino napapanaginipan ko. Pero kung sino man sya, ang totoo nagpapasalamat ako kasi kung wala sya, lahat yata ng nanligaw sakin pinatulan ko na out of curiousity.

"Je", pangigising ni Ate sa diwa ko.

"Ate, ano bang dapat kong gawin?"

"Ask your family. Baka may alam sila"

Oo nga. Sino pa bang mas nakakakilala sakin kung hindi ang family ko? At that moment I decided to meet my mom. Sakto namang naalala kong they're going to Manila next week kasi after the quick talk with mom during the welcome party, she said they wanted to see me. Yeah, her and dad.

Matapos naming mag-usap ni Ate, we decided to go the gym na rin. May training kasi kami pero I requested na pumunta kami agad para makapagpalit na at para mafamiliarize ang court although pareho lang nama ang measurement nito sa court ng Adamson.

We headed for the bench after those long hours. Minsan nagbibiro si ate at ipapaspas pa ang basa niyang buuok sakin pero most of the time tahimik lang kami tapos mapapayakap na lang ako sa kanya.

"Jema/Lyn!"

Napalingon kami sa mga tumawag.

"Hi girls", I approached them and gave them a tight hug

"Hey, okay ka lang?", Fhen asked with a worried voice

"Oo nga Je, okay ka lang ba?", dagdag ni Ate L.

"I'm okay. Pft! Naglalambing lang ako eh" I pouted at them kaya naman niyakap nila akong lahat.

"Siraulo", binatukan ako ni Captain

"Aray! Hays", kinamot ko yung spot na masakit at umalis na sa yakap nila. Tumakbo ako sa court at doon naglumpisay na para lang baliw. Pano ba hindi mabaliw? Kainis!

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now