Chapter 45

7K 111 78
                                    

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?

Nandito tayo ngayon sa bar kung saan huli tayong nag-usap ng makalawa.

Sinundo kita sa inyo at agad na pumayag ang mga magulang mo pati na rin si Fhen.

Siguro hindi ako ang inaasahan mo ng mga panahong iyon kaya malungkot ka pero sabi mo nabigla ka lang sa pagsulpot ko.

Kung hindi ikaw ay hindi nalang

Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa

Nakangiti ako habang inaalalayan kang bumaba sa kotse.

Kani-kanina lang ng magtanong ka kung ano ang okasyon at kailangan mo pang mag-dress samantalang ako ay naka-tuxedo. Gasgas na ang porma.

Ang ganda mo.

Paulit-ulit kong sinasabi pero panay lang ang tawag mo sa akin ng bolera.

Walang halong biro,

Ang ganda mo, sobra. Lalo na pala kapag nakaayos ka.

Mukha kang reyna, hari na lang ang kulang.

Flashback

Pinuntahan ako ni Rex sa bar makalipas ang isang Linggo na encounter naming tatlo kasama si Jema.

Rex, what's up? Kumusta si Jema?
tanong ko habang nagpupunas ng mga hinugasang baso


She's fine now. She's doing great. Babalik na rin siya ng Adamson soon enough para mag-aral and mag training para sa UAAP
sagot niyang magiliw. Hindi na halos makakita dahil kinakain ang mata kapag nakangiti.

What brought you here?
ngayon ay nakatingin na ako sa kaniya.

I have a favor to ask
kinabahan ako. Alam ko na yata ang sasabihin niya pero pinilit ko pa ring makinig kahit na ang totoo parang ilang milyong saksak na ang nararanasan ng puso ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now