Chapter 14

3.2K 69 0
                                    

Kanina pa ako palinga-linga sa campus. Asan ka na ba kasi Jessica Margarett Galanza?! Tanong ng utak ko. Walang klase ngayon dahil may meeting kaya nga ang boring na. Dumiretso na lang ako sa canteen para bumili ng makakain. Buti na lang, wala masyadong tao.

"Deans!", Ate Mads greeted me. She's with Ate Bea and Ponggay.

"Hmm?", I raised my head but still munching the food.

Nakiupo na rin sila at pangisi-ngisi lang.

"So tell me. Anong ganap sa inyo ni Ateng Ma-Appeal?", pangungulit ni Ponggay.


"Wala. Gininaw eh kaso pagbalik ko andon na si Fhen kaya pinagtulungan na lang naming dalhin sa kwarto si Jema.", kalmado kong sagot.

"YUN LANG?!", sagot ni Ponggay.

"Ano bang ineexpect mo, Pongs? i told you, medyo terror yung galanza tyaka mahiyain eh", singit ni Ate Bea.


"Mabait siya ha. I bumped with her one time sa isang cafe and she helped a beggar na binabato ng mga bata sa labas. Terror lang yun sa court, nung nirereceive ko nga yong spike niya parang binato ako ng tv set eh" pabirong sagot ni Ate Mads.

"Baliw. Haha nga pala speaking of spike, tara na sa gym. Nagtext na sakin sina Dan eh", tumayo na kaming lahat at nagproceed sa locker room. Nagpalit na kami at didiretso na sana  sa court when we heard na nagkukulitan ang Falcons.

"Teka? Si Ms. Appeal ba yun?", turo ni Ponggay sa may court.

"Bat ba siya nakalumpasay?", tanong ko sa kanya habang iniiwasang ngumisi. Ang cute niya kasi eh, parang batang inagawan ng lollipop.

"Labi mo baka mapunit", at hinawakan ni Ate Bea ang bunganga ko.

"Ate naman", napayuko na lang ako.

Maya-maya naman dumating na ang teammates ko at sabay-sabay na kaming lumapit.

Natahimik tuloy ang Falcons.


"ATE LYNNNNNN!", biglang sumigaw si Jema kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Leshe ka! Ano ba yun?!", natatawang sumagot si Ate Mylene at nilapitan siya.

May binulong si Jema sa teammate niya at nagtawanan naman silang dalawa. Nakucurious na naman tuloy ako. Tumayo na rin sya at inalalayan pabalik ng bench.

"May injury ba siya?" tanong ko sa sarili pero mukhang napalakas yata.

"Walang injury pero may sakit sa utak haha!", sagot nung Captain nila at nakipagtinginan pa sa ibang Falcons. Maya-maya tinawag kaming lahat ng coach ng Adamson and got instructed.

"...Remember, this is just a friendly game, okay? Do your best.", the final words she said.

"Jema, are you okay?", napalingon na naman kaming lahat sa kanya.

"Yes coach, I'm sorry. I just had an epic fail few minutes ago but it's no biggie.", she fluently replied.

"And I... Thank you!", dagdag ni Ate Mylene.

Tawanan kaming lahat.

"Sure you don't want a doctor to take a look at your foot?", tanong ulit ng coach nila.

"No, Coach! I want to play today. You know, I don't want being stuck up on the bench...", she pouted again and boy she looks so cute.

"Okay then. Do your jobs nicely", and she had an exit.

"Okay Ateneo, good luck!", sabi ng Captain nila.

"Good luck, Adamson", sagot naman ni Captain Maddie.

Nagkatinginan lang kami ni Jema saglit at nagkangitian. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa court at...

Ibang-iba talaga siya. Nakakatakot ang aura niya. Parang di sya yung babaeng sobrang kulit at cute kani-kanina lang.

Set 1

11-6

Humahataw yata si Jema Galanza ah.

"Jema Galanza, down the line!"

"Jema Galanza destroying the walls of Ateneo!"

"Jema Galanza on the quick"

20-17

We're giving our best around here pero san kaya nanggagaling ang lakas ng babaeng 'to? May galit ba siya samin?

Natapos na ang first set na 25-21 ang score. Panalo ang Adamson. Na-hold naman na ang laro after non kasi raw may urgent meeting naman ang coaches at referees. Naupo na lang kaming lahat sa bench after the cool down.

"Mareng Jema iba ka talaga, high five muna jan!", bungad ng kapitan nila.

Akala ko maghahigh five si Jema sa kanya pero... Tinabunan niya ang ulo niya sabay sigaw ng

"Duck, cover, hold! Wattta!", nag last pose pa siyang karate kid tyaka kinuha ang mga water bottle ng ibang teammates niya.

"Siraulo!", reaction ni Ate L.

Tumakbo naman si Jema. Teka? Bat papalapit yata sa akin? Nagtago pa siya sa likod ko.

"Hoy babae!", sigaw nina Fhen at Ate L.

"Deans! Thank you sa pansamantalang taguan. Teka lang ha?", inubos nya yung laman ng water bottles atyaka tumakbo.

"Jema Galanza! Patay ka talaga samin!", sigaw nina Fhen.

Naghabulan sila sa court na parang mga baliw.

"Nakatakbo na yung tao pero mukha yatang may iniwan sayo ah", pang aasar ni Ponggay.

"May hawak ba akong iniwan nya?", mataray kong sagot.

"Yang ngiti mo oh", tumawa siya ng malakas.

I checked my lips at shit, naisahan ako ni Ponggay haha! Epic.

You swine!

Got u Wong! Haha iba na tama mo.

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now