Chapter 26

3.1K 67 0
                                    

I'm sitting still on the bench looking at my teammates' faces fighting the battle without me.

"Stupid", I told myself and frowned.

The game ended right after the 4th set. UST is celebrating too much that it looked like a championship.
Ate Sisi immediately got near me and patted my back.

"Hey, nice game. Minsan talaga may minamalas at sineswerte. Sinwerte ako ngayon pero darating din ang time mo okay?", she told me while kneeling dahil nakayuko na ako ngayon at pinipilit na hindi umiyak dahil sa sama ng loob. My teammates also hurried to check on me together with the staffs kaya nagpaalam na si Sisi saken.

"I'm sorry", Fhen said while hugging me and then she let go. I just looked at Ate Lyn to summon her.

"Okay lang yun, Je. Hindi lang talaga para satin ang game na 'to. Bawi tayo sa susunod! Diba girls?", pangchicheer niya pero wala yata talagang makakapagpagaan ng loob ko ngayon.

"Je, it's okay. We did our best. Nice try. We still have more games. All you have to do is get better", Coach Air told me while messing up my hair.

"Coach, I'm sorry to bother you but I think it's much better if we bring Jema to the hospital to take a look at her foot", our coach assistant told Coach and he gasped when he saw my foot getting more swollen.

"Hala shit, Je. M-masakit b-ba?", tanong niya sakin at halatang kinakabahan siya.

I looked at my foot at doon na ako napaiyak. By the looks of it, parang ilang buwan yata ang kailangan kong ilagi sa hospital.

"F-fucking i-injury", I murmured. I tried to stand up but my body failed me. Lahat na sila pinipigilan ako pero right now I feel pathetic and useless.

"Jema ano ba?! Can't you see that you can't? Bakit mo pa ba pinipilit? Pinapahirapan mo lang ang mga tao sa paligid mo. Grow up!", Deanna shouted controllably.

Humagulhol na lang ako sa mga sinabi niya pero nag-sorry naman siya dahil nabigla lang.

"It's your first playing year. It's okay", Captain L comforted me.

There, she said it. It's my first playing year at wala akong kakwenta-kwenta para sa team namin. This is just the 2nd game of the season pero wala na, baldado na ako. I expected this thing to happen for an athlete but why does it have to happen right now? Nagsisimula pa lang ako oh!

The last thing I knew is that I'm here in the hospital barely talking to anybody except for Ate Mylene. She just sat there beside me habang nagpi-peel ng prutas.

"Tapos ka na bang umiyak o meron pang ilalala yan? Ubusin mo na", kalmado niyang utos.

"I'm sorry for being useless, Ate. Gustung-gusto kong tulungan ang team pero heto ako, pabig-", unti-unti na namang umaagos ang luha ko pero napahinto na lang ako sa pagsasalita ng yakapin ako ni Ate.

"Ssssssh. Hindi ka useless. Hindi ka pabigat. Sa tingin mo kung wala kang kwenta andito kaming lahat naghihintay ng update tungkol sayo? Siraulo ka", at bumitiw na siya sa pagkakayakap "We'll win the next game for you", dagdag pa niya.

Marahang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Fhen na halos namamaga na rin ang mata. Tumingin lang sa akin si ate at tumango naman ako, hudyat na makikipag-usap ako sa bagong dating.

"I'm sorry/I'm sorry Je"

Sabay naming bigkas.

"Ikaw na/Una ka na"

Sabay ulit naming bigkas kaya napangisi na lang ako.

"I'm sorry, Fhen. Naexcite lang ako sa game kanina kaya nasigawan kita. Pasensya ka na sa mga nasabi ko, I did not mean it", panimula ko.

"No, I'm sorry. Alam ko namang kasalanan ko lahat ng 'to eh. Okay lang matalo pero nagkalat ako sa court at sa harap ng maraming tao. Dahil sakin nandiyan ka. Nadala lang ako sa sinabi mo kahapon at kanina nung sinigawan moko, don lang ako natauhan. I'm sorry dahil wala akong nagawa para sayo at sa team", humihikbi na siya.

"Oh? Tahan na. Wala na tayong magagawa, andito na 'to eh", ngumisi na lang ako para mabawasan ang tensyon.

"Don't fake that smile, obvious masyado eh. Alam kong disappointed ka, huwag mo ng pagaanin ang loob ko ngayon. We'll beat Ateneo next week if it's the last thing I'll ever do", she told me at umalis na siya sa kwarto. Nagpaalam na rin ang iba na uuwi na for the training kaya nag-iisa ako ngayon.

8 PM

I heard a knock at the door.

"Come in", I said out loud.

"Hi", Deanna Wong greeted.

She sat at the vacant seat beside me at nilibot ang tingin sa kwarto.

"Nagpunta ka para tingnan ang room ko?", sarcastic kong tanong pero mukhang malalim ang iniisip niya.

"I was worried about you", she uttered and looked away.

"Everyone is", I replied.

"I'm sorry kung nasigawan kita kanina, nagpanic lang talaga ako", nakayuko niyang sabi habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa lap.

"Okay lang. Salamat sa pagbisita. Kumusta ang game?", tanong ko sa kanya.

"Talo. Nagrelax yata kami masyado kanina but it was good", malungkot niyang tugon.

"Bilog ang bola. It's everyone's game. Masakit pero at least may chance ka pang bumawi unlike me", I said while looking at the ceiling.

Napabuntong-hininga naman siya.

"I will wait for you to come back. We will all do", her voice became alive.

Bumangon ako ng konti at umupo tapos sumandal sa balikat niya.

"Just wait for me", then I feel asleep.

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now