Chapter 30

3.4K 71 0
                                    

Days turned to weeks and weeks turned to months yet no Fhen ever bothered to contact us. She deactivated her account the day after she left the party but some times she talks to Coach Air if she's available.

Nandito kami ngayon sa Batangas to unwind because we've been really preoccupied the past few days. Nasa dagat na ang iba para naman sulitin ang stay while andito kami sa shore ni Ate Lyn dahil pareho pa kaming hindi ready maligo.

"Kumusta na kaya siya?", biglang tanong sa akin ni Ate Lyn.

Siguro dahil natahimik ako nang matagal. Matic ng si Fhen ang iniisip ko kapag gano'n o di kaya nagkatampuhan na naman kami ni Deanna.

"Ewan ko nga eh. Sana okay siya. Sabi naman ni Coach that she's fine right?", I replied blankly.

"Oo nga pero iba pa rin sana kung tayo mismo makakausap niya. 6 months na rin eh", dagdag niya.

"You know Fhen. She's good at hiding things except for her feelings", I replied.

We both laughed at the memory. We really miss Fhen kaya in everything we do naaalala namin siya. She's not just a setter or a playmaker, she's a missing piece na bigla na lang nawala sa picture.

"So, tell me kumusta panliligaw sayo ni Deanna?", tanong niya matapos akong makita na nagtatype sa phone.

"Okay naman, Ate. Minsan nagkakatampuhan pero naaayos naman agad", pag-eexplain ko.

"Kailan mo siya balak sagutin?", seryoso niyang tanong.

"N-naku naman, Ate! Huwag na muna noh. Di ko pa alam", kinakabahan kong sagot sa kaniya.

"Hoy babae, may balak ka ba talagang sagutin siya? Ikaw ha. Minsan pa naman di ko mabasa nasa isip mo", malungkot niyang tugon sakin.

Tumingin lang ako sa kaniya ng masama at itinago ang phone ko sa bag.

"Ate, may balak akong sagutin yung tao. Hindi ako nagpapaligaw sa hindi ko mahal, remember? Hinihintay lang namin yung mommy niya na bumalik ng Pinas", sagot ko sa kaniya.

Ngumiti-ngiti lang si Ate matapos hablutin ang phone ko.

"B, ingat kayo dyan! I miss you so much!", she smirked habang binabasa ang text ni Wong.

Binato ko siya ng maliit na bato pero hindi naman siya natamaan at tuluy-tuloy lang siya sa pambibwiset.

"B naman pala eh 😂", hirit niya.

"Tse! Akin na nga yan", saktong hablot ko sa phone niya ay tumawag na si future. Agad-agad naman akong sumagot.

"B?", I said.

On my peripheral vision nakita ko na naman ang mapang-asar na si Ate Lyn now joined by Ate Pau and Captain.

"Hindi ka na nagreply. Okay ka lang, B?", the other line responsed.

"Opo. I'm sorry", I whispered.

"Bakit mahina boses mo? May kasama kang iba noh?", nagtatampo niyang tanong.

"B! Hindi ah! Nandito kasi sina Ate Lyn, inaasar ako oh", I bit my lower lip para maiwasang kiligin.

"Ay! Deanna! Nagbablush na jowa mo!", pambubuko ni Ate Pau.

"A-anong b-blush! S-sira!", sagot ko habang natataranta na.

Tumawa naman siya sa kabilang linya at dumagdag sa pang-aasar ng teammates ko.

"Hahaha! I love you, B! Ikaw ha. Wala pa akong ginagawa kinikilig ka na", dugtong niya.

"Tigilan moko, Wong! Maliligo na ako sa dagat. Tse!", sigaw ko sa kaniya.

"Suot mo?", seryoso niyang tanong.

"One-piece", sagot ko.

"Maraming tao?", tanong niya na naman.

"Nah. Kami lang", matamlay kong sagot.

"Okay. Basta pag dumami na ang tao, ahon na ha? Baka mabastos ka pa ng iba eh. Ang hot pa naman ng Bb ko. I love you. Huwag ka ng mainis sakin. I miss you so much!", panlalambing niya.

Natunaw na naman yata ang puso at dumoble ang pamumula ng mukha.

"Hays. Why so galing magpakilig po? I love you too! Pauwi na rin naman ako eh. I'll see you mylove! Ingat ka din dyan babye", I ended the call while smiling kaya mukha na naman akong siraulo.

"Sinagot mo na?", mausisang tanong ni Ate Pau.

"Secret!", sabay takbo sa dagat para makaligo na. Sumunod naman sila sa akin and we enjoyed the rest of the day.

Kinabukasan

"That vacation was one of the most memorable one!", sigaw ni Captain habang nasa van kami.

One week kaming nasa  Batangas at ngayon, kailangan na naming umuwi sa Manila to catch up with our personal lives.

"Let's do that again!", dagdag naman ni Ate Pau na nakikipagkulitan sa mga rookie.

Tuluy-tuloy lang ang chikahan sa biyahe kaya naman hindi na alintana ang pagod at pagkabagot.

Pagkauwi namin ng Manila, bumalik na kami sa gym-school-dorm na routine at paminsan-minsan lumalabas kami ni Deanna para mag unwind. We are constantly contented with what we have and I can't wait to make "us" official.

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now