Chapter 35

2.8K 52 1
                                    

"Happy 2nd monthsary, Myloves!", bungad ko sa babaeng kausap sa video call. Halatang puyat siya at kakagising lang kaya naman mejo na-guilty ako sa ginawa kong pambubulabog.

Kinamot niya ang palibot ng mga mata niya na parang bata at nag-pout sa screen kaya naman ang aga-aga eh nag-iinit ang pakiramdam ko.

"Happy 2nd, Myloves! I'm sorry mukha akong nasapian, sobrang puyat lang talaga. Kumusta ka?", tanong niya habang nakangiti at lubog ang mga mata.

"I'm fineeee, Love! Semi-finals na this week. I'll start the first week with positivity para naman mahawa teammates ko", alive kong sagot sa kaniya.

"Congratulations, Love. Nanonood ako ng replays pag may time ako, you're great", puri niya.

"I'm inspired eh", at kumindat ako sa screen.

"Bolera. Galingan mo lagi ha? Remember that I'll be cheering you from here. Go for gold, my playmaker!", cheer niya sa akin na siya namang ikinatuwa ko ng sobra.

Mahirap pala talaga ang LDR pero trust and communication ang naging puhunan namin. Not so much w/ communication dahil busy ako sa training at siya naman busy sa pagbabantay sa Dad niya.

W/ the thought, naisipan ko na ring itanong yon sa kaniya although panaka-naka ko naman yung itinatanong.

"Love, kumusta si papa?", mahina kong tanong para iexamine ang mukha niya. Baka kasi wrong move pa 'tong plano ko.

She smiled sweetly kaya naman kumalma na ako.

"Recovering abruptly, Love. He'll be ok in no time", magaan niyang sagot.

"Mabuti naman kung gano'n. Ingat lagi ha? Love, gotta go. May training na kasi. I love you so much!", pagmamadali ko.

"I love you too", maikli niyang sagot at inend ko na.

Agad-agad na akong bumaba para makisabay sa team sa pagpunta sa training area.

"Kumusta raw sina Ate Jema?", bungad sakin ni Pongs.

"Okay naman daw. Recovery stage na", sagot ko habang nag-aayos ng mga gamit sa bag.

"Kayo? Kumusta?", tanong niya naman.

"Stable naman. Okay kami kahit twice or thrice a week lang nag-uusap. Busy pareho eh pero kinakaya", sagot ko habang nag-aayos pa rin.

"Semis na. Alam kong pressured kayong lahat kaya after ng training natin unwind tayo ha? Bar lang. Walang heavy drinks", singit ni Captain.

"Walang problema, Cap!", agad na sagot ni Bea and she smirked at me.

"What?", I asked.

"Sasama ka ha? Puro ka pass eh. It's for everybody here", sagot niya habang nakaakbay sakin.

"Walang chix na dadalhin", sagot ni Ate Jo.

"Haha chix talaga ha? Ay nako yan na nga ba eh. Sige basta walang kalokohan about girls I'm in", I confidently told them and gave everyone a high five.

We had our pamatay na drills as usual kaya naman halos paluhod na kaming umuwi ng dorm 3 hours after.

"Wooh!", sigaw ni Pongs.

"Tuloy pa ba mamaya? Mamamatay na yata ako", dagdag naman ni Ate Bea.

"Tuloy!", sagot naman ni Ate Maddie at Ate Jho kaya naging mejo awkward.

"Ate Bei... Don't back out. Baka may kalagyan ka haha!", I tapped her back and whispered "May pasabog yata mamaya kaya be there. It's Ate Mads or Ate Jho, choose haha", I ran fast as I could away from her para di ako masapak at nagpahinga na muna sa kwarto. I set my alarm at nang magising ay nag-ayos na ng casual kong pormahan.

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now