Chapter 18

3K 51 0
                                    

I'm here at the mall para i-meet sina Mama at Papa. It's been a while since nakita ko sila eh, 6 months to be exact. Hindi naman kami nakakapag-usap nang maayos sa phone dahil medyo lumayo ang loob ko sa kanila since the time na grumaduate ako ng high school and because mas gusto kong nakakausap sa personal ang mga tao. It's not that I don't appreciate and welcome modernity pero minsan makalumang tao lang talaga ako 😂

Few minutes had passed nang may lumapit na sa aking couple. I hugged the both of them and offered them a seat.

"Anak, nangangayayat ka. Baka hindi ka kumakain nang maayos ha. Tell me, nagkasakit ka ba?", bungad ni mama saken.

"Ma, okay lang po ako. Marami lang kaming ginagawa sa school kaya napupuyat po", assuring her that I'm really fine.

"Just do your best, Nak. Whatever the outcome is, we're already proud of you", my dad said at inakbayan niya si Mama.

"Pa, di ako sanay. Dati-rati you're that, you have to be the best Jema!", hindi ko napigilan ang sobrang saya ko while mimicking his monotonous voice.

Napakamot naman si Papa sa ulo niya and then he patted me on the shoulder.

"Anak, everything I did was for you. I just wanted you to reach your goals. I'm sorry I have set standards so high na hindi ko namamalayang those standards became walls. I just did that to protect you anak", his voice sincere and I can see him in pain.

"Ma, si papa po ang weird",I said as I sipped the milktea. Medyo naweweirduhan na kasi ako kay papa dahil malayong-malayo siya sa nakasanayan ko.

"Anak, we have something to tell you", my mom looked at dad before letting those words out. "Pa, ikaw na ang magkwento. Alam kong kailangan nyo 'to", then they both nodded.

"Ma, Pa ano po ba 'to? Please don't tell me may sakit ang isa sa inyo oh! Kinakabahan na ako kanina pa", mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila.

My parents just smiled at me and Dad sat beside me. Kanina kasi nakaharap sila sakin ni Mama.

"Anak, I know dapat matagal na naming sinabi sayo 'to pero I'm sorry kasi medyo natagalan pa but now I will tell everything to you. I promise", his voice nearly cracking this time.

Hindi na ako nagsalita pa, my curiousity is killing me para palagpasin pa 'to.

"Since elementary honor student ka na kaya nadala mo yun nong high school pero naiba nung 3rd year ka na. You fell in love with someone and you told me and your mom that you're very happy. Hindi ka namin pinagbawalan kasi nakikita naming masaya ka talaga sa kanya at pinakilala mo pa siya samin ng mama mo pero one day, you came home crying. Basang-basa ka no'n dahil na rin sa ulan. Hindi namin alam ang gagawin para tumahan ka, all I know is sobrang nasasaktan ka na and it's my first time to see you that way", he gave a deep sigh and looked at me.

I am clueless. Hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling ang kwentong 'to because I can't remember having an affair with someone... in real life. Akala ko nasa dream ko lang siya.

"Anak, makinig ka lang ha? Pag may tanong ka, sasagutin namin", he continued.

"Ayon nga, you came home crying. Nagpanic kami ng mama mo. Hindi namin alam ang gagawin. After non hindi ka kumakain ng maayos, di ka makausap, nagkukulong ka lang palagi sa kwarto. We had a psychiatrist to check on you after a week dahil lagi ka lang tulala. You were diagnosed with schizophrenia for 5 months. Minsan kinakausap mo kami pero madalas nagsasalita ka lang mag-isa. We did everything to make you come back, Anak", this time umiiyak na si Papa at si Mama.

"Schizophrenia? Now I'm a crazy person studying psychology? Haha", umiiyak na rin ako.

Ang dami kong tanong.

Ang dami dami kong tanong pero parang wala na akong gustong malaman pa.Nandon na eh, kaya pala ganon na lang ka-strict sina Papa sa mga nakakasama ko kasi baka ex ko na yon o kaya maulit na naman ang nangyari years ago.

"Anak, Je, we just wanted you to be happy. Gusto naming makalimutan mo na ang nakaraan", tugon ni Mama na pilit akong pinakakalma.

"T-tell me M-ma, b-bakit niya r-raw a-ako i-iniwan? S-sino ba s-siya", I managed to ask her kahit halos di na ako makahinga sa pag iyak ko.

"She said na hindi ka niya kayang ipaglaban sa parents niya. She said that you're better off without her. Umalis sila no'n papunta dito sa Manila at wala na akong balita sa kanila since then. Never na siyang bumalik. Kinalimutan ka na nya", tugon ni papa na may halong lungkot at galit sa boses niya.

"E-eh gago p-pala yon eh. I-iniwan a-ako n-nang g-ganon l-lang? Pa, tell me sino ba siya? A-anong pangalan nya?", medyo kalmado na ako ngayon pero nangungusap pa rin ang mga mata kong sabihin nya.

"D-Deanna Wong", nag aalangang sagot ni Papa.

Parang lahat ng sakit na naramdaman ko kanina ay dumoble pa nang malaman ko kung sino siya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig tapos pinilipit ang puso ko.
Ang sakit. Ang sakit sakit.

"All these times sya pala. Ang kapal ng mukha!", madiin kong sagot kay papa na ikinagulat niya.

"Nagkita na ba kayo?", natatarantang tanong ni Mama.

"Sa Ateneo po siya nag-aaral. Volleyball player din siya don", cold kong sagot.

"A-anak...", mom looks so worried now.

"Ma, i-it's fine. Now I know kung bakit ganon na lang kayo ka-strict sakin. Napatawad ko na po kayo pero siya... I hate her", tumayo ako at pinunasan ang mukha kong basang-basa na ng luha. Tumalikod ako kena papa para sana makapaglakad lakad pero nahihilo ako, medyo dumidilim na rin ang paningin ko hanggang sa...

BLAAAAAAAAAAAGGGGG

The Missing Piece Of MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz