Kabanata 1.

189K 3.1K 369
                                    

A/N: Please take note that I'm not a professional writer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Please take note that I'm not a professional writer. The story contains graphic material, grammatical errors and wrong spelling.

Pronunciation: Montague - Mon-ta-gyu

Warning: Mature Content. Read at your own risk!

All rights reserved 2019

___________________________________________

SIMULA

Ipinagbili ni Krusita ang sariling anak na sanggol sa mga Montague kapalit ng kalayaan ng asawa. Nakulong ang asawa nito sa salang pagnanakaw ng salapi sa nasabing pamilya. Bilang kapalit ng kalayaan nito, napilitan si Krusita sa alok ni Don Zalazar Montague na bilhin ang anak na babae.

Naging mahirap para kay Krusita ang desisyon niyang 'yon ngunit naisip nitong mapapabuti ang buhay ng kanyang anak sa mga kamay ng pamilya Montague. Tulong narin niya ito sa mag asawa na kanyang pinag sisilbihan sapagkat hindi mabiyayaan ng anak na babae ang dalawa.
May dalawang anak ang mag asawa at puros lalaki ang mga ito. Isang pitong taong gulang na si Senyorito Fabio at tatlong taong gulang na si Senyorito Matias Montague. Nasa Amerika ang panganay na si Fabio para sa pagaaral at naiwan sa Pilipinas si Matias.

"Umalis na kayo." Ani ni Senyora Dayana ng makuha ang sanggol sa mga bisig ni Krusita. Malungkot ang mga mata at bagsak ang balikat ni Krusita nang iwan ang anak dito. Mayroon na rin silang sapat na salapi ng kinakasama para makapag simula ng bagong buhay sa probinsiya.

Kinuha na ni Krusita ang mga maleta't lumabas ng hacienda. Nag aantay naman ang asawa nito na halatang walang pakialam sa anak nang makakuha ng pera.

Tuwang tuwa naman si Senyora Dayana sa munting anghel. Hulog ito ng langit sakanya at mabilis na nahulog rin ang loob niya para rito. "Anong ipapangalan natin sa bata?" Tanong ni Don Zalazar.

"Alena, Alena ang ipapangalan ko sakanya. Alena Montague." Ani ng Senyora at hinalikan sa noo ang munting anghel.

Ilang taon ang lumipas...

"Kaloy! Dalian mo wag kang kukupadkupad!" Mabilis kong pinadyak ang bisekleta papalayo sa hacienda.

"Hoy Alena ang bilis mo naman. Baka masugatan ka malalagot talaga ako kay Senyora Dayana." Napailing ako at napairap. Si mama ang tinutukoy nito.

Kababata ko si Kaloy. Trabahador namin ang kanyang mga magulang.

"Hindi yan bilisan mo lang at baka mahuli na tayo!" Sigaw ko. Maganda kasi ang panahon sapat para mangisda. Nagpaalam naman ako kay Manang Peri at pumayag ito basta hindi ako magtatagal.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon