Kabanata 19.

42.1K 1.1K 58
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

THIRD PERSON'S POV

Hindi makapaniwala si Alena sa agarang pag alok sa kanya ni Fabio ng kasal. Saglit itong natahimik dahil sa pagkagulat.

Hinawakan naman ni Fabio ang kanyang magkabilang balikat at nakitaan ito ng pagka seryoso. Gusto niyang makasigurong ang babaeng pakakasalan ay walang iba kundi si Alena. Ang babaeng matagal na niyang minamahal.

Pumatak ang mga luha ng dalaga dahil sa galak.

"Oo Fabio, magpapakasal ako sayo." Kaagad na isinagot ni Alena.

TATLONG ARAW ang lumupas...

Naidaos ng matiwasay ang lihim na pagpapakasal ng dalawa. Walang pag lagyan ang tuwa ni Alena dahil ang lalaking noon pa man ay pinapangarap niya ay abot kamay na niya ngayon.

ALENA:

Masigla akong nag lalaba sa ilalim ng puno ng niyog. Ilang araw mula ng ikasal kami ng lihim ni Fabio sa tulong na rin ng judge na kaibigan nito.

"Hija kakaiba ang ngiti mo ngayon parang may kakaiba sayo." Ani ni Ka Tonyang ang nakatatanda dito sa rancho. Nginitian ko ang matanda, hindi ko din alam pero ang gaan lang ng pakiramdam ko at maaliwalas.

"Masaya lang po ako Ka Tonyang. Tignan niyo ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Tiyak na matutuyo ang lahat ng labahan natin nito." Malaki ang pagkakaguhit ng ngiti ko sa labi. Ngumiti at sumang ayon naman ang matanda sa akin.

"Eh matanong ko lang hija, gaano na ba kayo katagal na nagsasama ng asawa mo?" Nag angat ako dito ng tingin. Hindi din kasi ako pala kwento ng tungkol sa amin ni Fabio.

"Halos bago pa lang ho Ka Tonyang." Lingid sa kanilang kaalaman na talagang bago pa lang kaming mag asawa ni Fabio. Hindi naman na ito nag usisa pa. Matapos kong mag sampay ay gumawi na ako sa bahay at gumayak. Nakapag usap na rin kami ni Fabio na maaari akong bumalik sa hacienda kung gugustuhin ko. Nakakahiya naman kasi sa heneral dahil ito na mismo ang nag alok sa amin ng trabaho.

Maaga palang ay naglakad na ako. Mas gugustuhin ko pa kasi ang mag lakad kesa sumakay ng bisekleta. Hindi naman ganoon kalayo ang hacienda ng mga Acosta.

Kaagad akong pinapasok ng dalawang gwardiya sa malaking gate. Nang makapasok na ay kaagad akong nag tungo sa kuwadra. Nakita ko naman ang mga kabayo na naroon kung kaya ay inihanda ko na ang kanilang makakain.

"Maganda ang panahon ngayon. Gusto niyo bang mamasyal sa bukid?" Kinakausap ko ang mga ito. Dalawa silang nasa loob. Isang puti at kulay itim ang mismong kabayo ni Damian. Kahit hayop ay hindi ganoon ang turing ko sa kanila.

Kinuha ko na ang brush at sinuklay ang balahibo ng mga ito habang sila naman ay abala sa pag kain. Napangiti akong makitang nasa mabuting kalagayan ang mga ito. Saglit ko silang iniwan dahil kailangan ko ring pakainin ang mga kabayo sa kabilang kuwadra.

Pagkalabas ko ay may nakita akong babae. Pamilyar ito sa aking paningin. Hindi maganda ang tingin na ipinupukol nito ngayon sa akin habang sakay ng kabayo.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung sino ito. Walang iba kundi ang Senyorita Margarita. Kaagad akong tumabi upang makadaan ito. Naramdaman ko naman ang kanyang pag baba sa kabayo suot suot pa ang damit pangkabayo na huhubog sa ganda ng pangangatawan nito.

Lumapit siya sa akin kaya't napaangat ako ng tingin. May katangkaran ito na para bang isang modelo. Kahit balangkinitan ang pangangatawan ay kapansin pansin ang hubog at alindog nito. Morena ang kanyang balat at makinis. Maliit ang mukha at may pagka singkit na mga mata. Maliit din at matangos ang kanyang ilong at manipis na mga labi. Masasabi kong isa siyang buhay na manika.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Where stories live. Discover now