Kabanata 23.

43.3K 1.2K 57
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

BUMUKAS ang kanyang mga mata. Gising ito, gising si Fabio. Hinawakan niya ang mukha ko. Ramdam ko ang init ng kanyang palad na para bang apoy, kaya't nag taka na ako at hinawakan ang kanyang noo.

"Nilalagnat ka." Unang beses sa buong buhay naming magkasama ay nagkasakit ito. Likas na malakas ang pisikal na pangangatawan ni Fabio ngunit hindi sa ganitong pagkakataon. Ngumiti lang ito at hinila ako para yakapin kaya't mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan nito.

"I love you Alena, I love you." Paulit ulit niyang ibinulong sa akin habang namamaos ang boses. Kumabog ng husto ang aking puso. Hindi ganito si Fabio noon kaya't hindi ko mapigilang hindi manibago.

"Fabio"

"Mahal mo parin ba ako?" Tanong nito.

"Stupid!" Hindi ko maiwasang hindi mapamura paano ko ba siya hindi mamahalin kung sa araw araw ay tanging siya lang ang hinahanap hanap ko.

Tumawa naman ito na akala mo'y walang dinaramdam na sakit. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at nagsalita.

"Pupunasan kita hintayin mo ako." Kaagad akong tumayo at kumuha ng maligamgam na tubig at maliit na tuwalya. Nakasalubong ko naman si Alyana habang hawak ko ang maliit na planggana at patungo na sa silid ni Fabio.

"Ahm hi, how is he?" Bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting inis ngunit alam kong sa sarili ko na hindi ko dapat kainisan ang isang taong wala namang ginagawang masama sa akin.

"He's doing okay. Pupunasan ko lang siya dahil nilalagnat ito."

"What?" Nabigla ito sasagot na sana ako para mag paalam nang bigla siyang umalis at nagdali dali sa silid kung nasaan si Fabio. Naiwan naman akong tulala dahil sa pagkabigla.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa planggana. Nakaramdam ng kirot sa puso ko na hindi ko alam kung bakit. Nag iba ng ganoon na lamang kadali ang timpla ng pag uugali ko kahit na hindi naman talaga ako ganito. Nang makabawi ay naglakad na ako patungo sa silid kung nasaan sila. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan dahil nakayakap si Alyana sa kanya at nakasandal ang ulo nito sa dibdib ni Fabio.

Nakita ko ang pag higpit ng hawak ni Fabio sa magkabilang braso nito at pilit na inilalayo ang sarili.

"Nag aalala ako sayo." Bungad ni Alyana. Hindi nila ako napansin sa aking pag dating.

Samantala, nanatili lamang tahimik si Fabio.

"Bakit mo sinugod si Lazaro? Dahil ba sa akin Fabio? Gusto mo ba akong kumawala sa kanya? Andito na ako, sayong sayo."

Kumirot ang puso ko, ano itong mga nasasaksihan ko?

Nanatiling tahimik parin si Fabio.

"Fabio, mahal parin kita. Mahal mo parin ba ako? Mag sama na tayo." Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Nag simulang mang gilid ang mga luha sa pagtatapat ni Alyana.

"Fabio, mahal mo pa rin ako hindi ba?"

Ang mga mata nito'y nakatingin sa mga mata ni Fabio na walang emosiyon. Hinawakan nito ang magkabilang mukha ni Fabio at nag balak na halikan nang pigilan siya nito ng marahas at sumigaw.

"Hibang kana Alyana!"

Naguluhan ako sa tagpong nakita kaya naman ay umiwas ako. Hindi ko na itinuloy ang balak na pagpasok nang makasalubong ko naman ang Kuya Matias. Nakatingin ito sa mga dala dala ko at kumunot ang noo.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Where stories live. Discover now