Kabanata 9.

61K 1.4K 93
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

"Tama na!" Isang malakas na suntok ang iginanti ng Kuya Matias at tumama ito sa gilid ng labi ng Kuya Fabio. Nadagdagan pa ng sunod sunod ito. Napaluhod naman ang Kuya Matias ng sipa sipain siya sa tiyan ng Kuya Fabio. Punit na ang kanang kilay at tumutulo ang dugo sa pisngi. Kailangan kong pigilan ito kundi makakapatay ang Kuya Fabio!

"Kuya Fabio itigil mo na iyan maawa ka sa Kuya Matias! Wala naman siyang kasalanan sayo!" Nagsisisigaw ako sa labas ng mansion. Pero nabigo ako. Parang hangin ang kausap ko at bingi na sa realidad ang Kuya Fabio. Mapapatay niya sa galit ang Kuya Matias kapag hindi kaagad ako nakagawa ng paraan!

Nanginginig na ang dalawang kamay ko at nanlalamig. Hindi ako sanay makita silang nag babasagan ng mukha. Hindi dapat sila nag aaway na dalawa dahil magkapatid sila. Magkapatid kami!

Isang malakas na tadyak ang iginanti ng Kuya Matias at nakabawi ito. Napahiga naman sa damuhan ang Kuya Fabio at pumutok na ang ibabang labi. May mga bahid na rin ng dugo ang kanilang mga suot gawa ng pakikipag suntukan.

Tumakbo ako at niyakap ang Kuya Matias dahil susuntukin pa nito ang Kuya Fabio.

"Tama na please kuya!" Nagkatitigan kaming dalawa. Nagsusumamo ako na sanay makinig ito sa'kin. Pero hindi dahil itinabi lang niya ako at kiwelyuhan ang Kuya Fabio. Susuntok pa sana ito ng maunahan ng Kuya Fabio kung kaya't napahiga na ang Kuya Matias sa damuhan.
Ayaw mag paawat ng dalawa. Mabuti na lamang at dumating si Lolo Tonio at tumulong sa pag awat. Nagsilabasan na rin ang mga gwardiya ng mansion.

Sawakas ay nag hiwalay rin ang mga ito.

"Nako Senyorito tama na ho. Tiyak na malalagot kami kapag nalaman ito ni Don Zalazar." Ani ng isa sa mga mayordoma.

Dumura ng dugo si Kuya Fabio at masamang tinitigan si Kuya Matias. Hindi ko alam ang puno't dulo ng lahat. Bakit sila nag away?

Pasa sa kanang pisngi at sugat sa ilong maging sa gilid ng labi. Ilan ang mga iyan sa natamo nilang dalawa. Pinahiran naman ni Kuya Matias ang dugo sa gilid ng labi. Sugat sugat ang kanilang mga kamao.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ng Kuya Matias sa Kuya Fabio.

Sinamaan lang ito ng tingin ng Kuya Fabio.

"Ano sumagot ka! Anong problema mo!" Galit na galit na ang Kuya Matias. Kitang kita ang ugat nito sa leeg at pamumula ng magkabilang pisngi. Nakahawak ang dalawang gwardiya sa magkabilang braso nilang dalawa.

"Let go of me!" Sigaw ng Kuya Fabio at malakas na hinawi ang dalawang braso sa dalawang gwardiyang nakahawak dito. Ganoon din ang Kuya Matias. Nagkatitigan na lamang ang dalawa.

Pabalang na inayos ng Kuya Fabio ang suot na damit tsaka napasuklay ng buhok gamit ang mga kamay. Pulang pula ang magkabilang tainga nito na para bang nag iinit at gusto ng sumabog.

"Get out!" Sigaw nito sa mga nakaharang at walang lingon lingong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan at pinaharurot palabas ng mansion. Pinanood na lamang namin ito habang papalayo na.

Napahawak sa sentido ang Kuya Matias. Halatang sumakit ang ulo dahil sa nangyare. Hindi ko din maintindihan ang Kuya Fabio kung bakit niya biglang sinimulan ang paghahanap ng gulo.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon