Kabanata 16.

48.3K 1.1K 82
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

"Fabio?"

"Fabio?"

May tumatawag sa labas.

"Fabio sino 'yon?" Tanong ko. Isang lalaki ito at hindi pamilyar ang kanyang mukha.

Hindi sumagot si Fabio at sa halip ay tumayo ito at dinampot ang hawak na baril. Napalunok ako dahil sa kanyang ginawa. Itinago nito ang baril sa likuran ng pantalon kung saan tago at hindi mahahalata.

Bumaba siya ng hagdan at ako nama'y sumilip ng bintana.

Namukhaan ko ang lalaki. Isa itong tauhan ng heneral. Noong dinalhan ko ng makakain si Fabio sa hacienda ng mga Acosta, nakita ko ang lalaking ito na kasama ng mga armado.

"Sino ka?" Kunot noong tanong ni Fabio at handang hugutin ang baril anumang oras.

Pinatay ng lalaki ang hawak na sigarilyo sa lupa. Inayos nito ang kwelyo ng damit at umayos ng tindig.

"Pinapatawag ka ng heneral." Pinag pawisan naman ako ng malamig. Anong kailangan ng heneral kay Fabio? Alam na kaya nila na isa ito sa mga Montague?

"Bakit?" Kunot noong tanong nito. Napangisi naman ang lalaki. Nakakaasiwang tignan ang pagmumukha nito.

"Pumunta ka na lang ng hacienda. Hindi magandang pinag aantay ang mga Acosta." Pag bitaw ng salita'y tumalikod na ito. Sumakay sa motorsiklo at pinaharurot ng mabilis. Natigilan lang si Fabio. Nakatayo lang ito sa ilabas ng aming munting kubo at tila malalim ang iniisip.

Kaagad akong bumaba ng hagdan. Pagtapak ko ng lupa ay siya namang pag harap sa'kin ni Fabio. Seryoso ang mukha at hindi na bago sa'kin ang bagay na 'yon.

"Bakit ka naman nila ipapatawag? Dahil ba ito sa nangyare kanina?" Nag aalalang tanong ko. Maraming napatay si Fabio. Punong puno ng bahid ng dugo at sariwa pa ang lahat sa aking gunita.

"Hindi ko alam." Napahinga ako ng malalim. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan. Nakadama ako bigla ng takot. Paano na lang kung bumalik ang mga rebelde?

Third person's POV:

"Masaya ako at nakarating ka Fabio." Bungad ng heneral. Naka benda ang kanang braso nito dala ng tama ng baril. Hindi nag salita si Fabio at tahimik lamang na nakikinig.

"Damian, iwan mo muna kaming dalawa." Utos ng heneral sa anak nitong lalaki. Ayaw pa sanang pumayag ngunit wala siyang magagawa dahil ang heneral ang masusunod.

Nang makaalis si Damian ay tumikhim ang heneral. Maayos ang pagkakaupo nito sa kanyang swivel chair at pinaikot ang upuan hanggang sa tumapat sa gawi ng binatang si Fabio.

"Gusto kong personal na magpasalamat sayo dahil sa pagligtas mo ng buhay ko." Bungad nito. Si Fabio ang nag ligtas ng buhay ng heneral sa parada. Kamuntikan itong mamatay dahil ang bala dapat na tatama dito ay para sa kanyang ulo.

Mabuti nalang at dumating si Fabio at iniligtas ang buhay nito na nasa panganib.

Tumango lang si Fabio bilang pag tanggap ng pasasalamat ng heneral. "Balita ko ay may asawa ka?" Bungad muli nito. Napataas ng tingin si Fabio dito.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon