Special Chapter

53.6K 1.1K 70
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

DIA:

"TULOG NA BABY, TULOG NA BABY lalalala lalaaaa." Pinag hehele ko pa si baby Elijah. Hindi pa kasi ito natutulog samantalang ang baby Ezerhim na ma'y kanina pa nahihimbing.

Bumukas ang pinto at napaangat ako ng tingin. Iniluwa nito si Matias na mukhang kakagising lamang.

"Oh gising kapa. Matulog kana ako ng bahala kay baby Elijah." Nag presinta na ito.

"Kuya ako ng bahala sa kanya. Wala naman akong pasok bukas dahil Sabado. Kamusta na pala si Ate Olive? Masama pa rin ba ang pakiramdam niya?" Tanong ko. May jetlag kasi ito simula pa nung isang araw. Ang galing nga e, hindi nawala ang jetlag at buong araw lang nagkulong sa kwarto.

"She's fine. Sakitin kasi si Olive kaya hindi pwede sa kanya ang magpagod." Napatango na lang ako.

"Ahhh buti naman at okay na siya." Nakatutok lamang ako kay baby Elijah nang maramdaman ko ang pag upo ni Matias sa aking tabi. Napalingon naman ako dito, nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Elijah.

"He's like your sister. Kamukhang kamukha." Totoo naman kasi at si Ezerhim naman ay kamukha ng asawa ni ate.

"Ang galing nga noh parehas nilang kamukha sila ate at kuya." Naaaliw talaga ako sa kambal. Minsan nga gusto ko silang iguhit.

"Yeah sana nga lang ang katigasan ng ulo ay hindi mamana sa Kuya Fabio." At napakamot naman si Matias sa kanyang ulo.

"Mukha namang mabait ang Kuya Fabio. Mahal na mahal nga niya ang ate eh."

"Sino bang taong hindi mamahalin ang katulad ni Alena?" Napapangiti na lang ito bigla.

"Sandali at tulog na ang baby ilalagay ko lang sa crib." Dahan-dahan kong inilagay ito sa kuna. Bumalik muli ang tingin ko kay Matias.

"May gusto ka sa ate ano?" Napakunot noo ito nang kilatisin ko siya.

"Aaminin ko noon oo. Pero may asawa na ako at mahal ko si Olive."

"Osiya walang poreber!" Natutunan ko kasi kay bakla ang salitang 'yon. Si Pami ay bago kong kaibigan at isa nga siyang binabae.

"At saan mo natutunan 'yan?" Kunot noong tanong niya.

"Wala ho, matutulog na ako at baka magising pa ang mga bulilit." Iniwan ko na ito sa loob. Mukha namang willing siyang pumalit sa'kin at mag alaga sa dalawang kambal. Nasa bakasiyon kasi si ate at kuya, mas mabuti na rin iyon para makapag relax naman ang ate.

WALONG TAON pa ang lumipas…

"Senyorito Ezerhim! Nako ikaw talagang bata ka malilintikan ako sa ama mo." Kinakabahan ang isang katulong. Nasa itaas lang naman ng puno ang Senyorito Ezerhim.

"Get out!" Sigaw nito habang tumatawa. Pinagtitripan nanaman ang bagong katulong.

"Ezerhim?" Dumating ang ina nitong si Alena.

"Mom what are you doing here?"

"Ezerhim you missed your class again." Si Fabio ang nag salita na kararating lang.

"School are boring."

"Anak." Hinawakan naman ni Fabio si Alena sa balikat nito.

"Kuya let's play." Kararating lamang ni Elijah na kagagaling sa pag aaral.

"I don't want to play with you, weak." Pagkakasabi ni Ezerhim nang makababa ito ng puno.

"What did you say anak?"

"Nothing mom." Lumaking suplado si Ezerhim. Si Elijah nama'y lumaking palakaibigan at masayahin. Magkakambal ngunit magkasalungat ang ugali.

"Ako ng bahala."

"Ezerhim say sorry to your brother." Utos ni Fabio.

"And why would I dad?"

"I'ts okay dad." Pinigilan ito ni Elijah.

"Tsk." Inis na tumakbo palayo si Ezerhim. Mahilig itong tumakbo palayo kapag siya ay naiinis. Susundan pa sana ito ni Alena ngunit pinigilan lamang ni Fabio.

"Mukhang nakuha niya ang ugali mo." Natatawang sabi ni Alena na nagpakunot ng noo ni Fabio. Hindi lamang sila mukhang pinag biyak na bunga dahil pati sa pag uugali ay parehas ang dalawa.

Hindi naman gan'on ka salbahe si Ezerhim, ayaw lang nitong dumikit sa ibang tao maging sa kapatid. May mga kaibigan naman ito ngunit sadyang hindi sila magkasundo ni Elijah.

"Ate." Dumating si Dia para salubungin ang kapatid. Nagtapos na ito sa kursong kanyang gusto ang fine arts habang si Alena naman ay ngayon pa lang ipagpapatuloy ang kolehiyo. Naging abala rin kasi ito para matutukan ang mga anak.

"Oh kamusta ang trabaho?"

"Okay lang, medyo masungit si boss." Masungit naman kasi talaga ang boss ni Dia. Walang iba kundi si Hennesy Devonscott na may ari ng isang sikat na Art Gallery.

"Magpalamig kana muna nag handa ako ng maiinom sa loob para kumalma ang isip mo." Pumasok na ang mga ito sa loob ngunit naiwan lamang si Fabio. Nilapitan nito ang kapatid na si Matias na naninigarilyo malapit sa mga halaman ni Alena.

"What the?" Nagulat si Matias nang kunin ni Fabio ang isang stick ng sigarilyo nito at pinatay.

"Magagalit ang asawa ko kapag may usok ng sigarilyo dito." Napakamot na lamang sa ulo si Matias.

"Hijo kamusta?" Napalingon ang dalawa dahil sa taong dumating. Walang iba kundi si Arman Devonscott kasama ang kanilang ina na si Dayana. Matagal ng nakalaya si Arman at isa na ngayon sa may pinaka mayaman sa buong Asia.

Nakipag kamayan si Fabio maging si Matias.

"Dadalaw po pala kayo. Hindi kayo nagpasabi." Ani ni Matias na mataas pa rin ang pag galang sa ginoo, ang ama ni Fabio.

"Binibisita ko lang kayo at gusto ko rin ipakilala sayo Fabio ang tito mo." Isang lalaking nakapamulsa sa likuran nito ang kanyang nakita. Hindi agad nila iyon napansin nung una dahil sa labis nitong tahimik.

"Siya ang kapatid ko ang tito mo si Fabian Devonscott." Isang makisig, gwapo at ma appeal ito. Nagkamayan naman ang dalawa nang magkakilala.

"Boss anong ginagawa niyo dito?" Gulat na gulat naman si Dia nang makita ang kanyang boss na ubod ng suplado at sungit. Si Hennesy. Bumakas din ang pagkagulat sa mukhang binata nang makita ito.

"Hennesy Devonscott?" Tanong ni Alena.

"Yeah?" Minsan na kasing nabanggit ni Dia ang pangalan nito sa kanya. Napaisip siya kung ano ang ginagawa nito kasama ang ama ni Fabio.

"Hennesy nandiyan ka lang pala." Pumasok na sa loob ang mga tao sa labas na sila Arman. Si Fabio naman ay nagpunta sa gawi ng asawa at umakbay.

"Ako ang panganay, si Fabian ang sumunod sa akin at itong si Hennesy naman ang bunso." Pagpapakilala ng ama ni Fabio.

Naging maayos at pormal naman ang pagpapakilala ng mga Devonscott sa Montague. Maliit nga talaga ang mundo at totoong bilog ito.

WAKAS….

🎉 Tapos mo nang basahin ang Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔ 🎉
Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon