Kabanata 18.

43.6K 1.1K 74
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

Gabi ng makauwi si Fabio. Alalang alala ito nang kanyang makita ang sugat ko sa tuhod. Kaagad siyang napaluhod habang ako naman ay nakaupo sa sofa.

Hinaplos nito ang aking balat.

"Anong nangyare?" Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong nito. Alam kong magagalit siya kapag sinabi kong nag punta ako sa hacienda ng mga Acosta para dalhan siya ng makakain. Hindi ba't 'yon naman talaga ang balak ko?

"Ah ano—" Hindi ako makapag salita. Napapangunahan muli ng pagdadalawang isip na baka magalit ito.

"Alena?" Seryoso ang kanyang mga titig sa akin. Napalunok ako nang makitang nag salubong na ang kilay nito at nakasimangot. Alam na marahil na sinaway ko ang kanyang bilin.

"Hindi ka naman kasi umuwi kanina. Dadalhan sana kita ng pagkain." Hindi ko naituloy ang sasabihin nang maalala ko ang nangyare. Kailangan ko pa bang banggitin dito ang kamuntikan ng pag kaladkad sa akin ng Senyorita Margarita gamit ang sarili nitong kabayo?

Kung tutuusin ay kasalanan ko. Daanan naman kasi ito at pahara hara ako sa gitna.
Huminga ito ng malalim at tumabi sa akin. Hinawakan ang magkabilang balikat ko at tinignan ng masinsinan.

"Anong nangyare kanina?" Tanong nito. Isang lunok muli ang ginawa ko. Napabuntong hininga ako bago magpasyang ibuka ang aking bibig at mag salita.

"Oo galing nga ako sa hacienda kanina." Kitang kita sa mga mata ni Fabio ang pagkadismaya dahil sa hindi ko pag tupad sa aming napag usapan.

"Nag aalala kasi ako sayo. Hindi ka umuwi para kumain kaya dinalhan kita ng makakain mo dapat." Nangunot noo muli ito. Alam ko ng itatanong nito ang lahat lahat ng nangyare. Wala na akong takas, hindi ako pwedeng mag sinungaling dahil kilala niya ako.

"Nasa daan ako kanina hinahanap kita para sana dalhan ng makakain, kaya lang…" Naudlot muli ang aking sasabihin. Bakas sa mukha nito ang pagkabitin.

"Kaya lang ano?" Ani niya.

"Kaya lang kamuntikan akong masagasaan ng kabayo." Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak nito sa magkabilang balikat ko. Halata ang pagka inis sa kanyang reaksyon kahit hindi pa ako pinapatapos.

"Sinong gagong gumawa nito sayo?" Nandilim ang kanyang mukha. Hindi ko na dapat ikinuwento pa dahil kilala ko si Fabio. Wala siyang sinasanto kahit na sino pa man iyan.

"Fabio kumalma ka patapusin mo muna ako." Pakiusap ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili.

"Nasa gitna kasi ako ng daan. Hindi ko naman alam na may paparating na kabayo kaya kamuntikan na akong masagasaan. Mabuti nalang at nakaiwas ako kaya lang natapon lahat ng pagkain." Napanguso ako. Naalala ko muli ang pinag hirapan kong lutuin.

"Sino ang may gawa niyan?" Seryoso niyang tanong.

"Fabio naman tama na hindi mo gugustuhing malaman."

"Tsk bakit ang tarantadong si Damian ba?" Halata ang pagkagigil nito.

Hinawakan ko naman siya sa kanyang braso gamit ang dalawa kong mga kamay. Umiling iling ako dahil hindi naman talaga si Damian ang nakasakay sa kabayo.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon