Kabanata 15.

50.7K 1.2K 35
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

Matapos kong makausap ang Heneral ay nagpaalam na ako. Hindi ko din matagalan ang pagkakatitig ng anak nito sa'kin. Mabait si Heneral Gregorio. May edad man ay mababakas parin ang amo ng mukha nito.

Nagtungo na ako sa malawakang bukid. Bago kasi makapasok sa hacienda ng mga Acosta ay may malawak na bukirin ito kung saan nagtatrabaho si Fabio.

"Mahal!" Tawag ko.

Lumingon naman ito at alam kong bumakas ang pagkagulat. Sa dalawang buwan kasi naming nanirahan sa bayang ito ay ngayon lang ako nakatapak sa hacienda na pagmamay ari ng mga Acosta.

Itinaas ko ang dala dalang supot at masayang tinignan si Fabio. Nakita ko din si Angelo ang asawa ni Mirna na tinapik ito sa balikat at malaki ang pagkakangiti.

Seryoso ang mukha ni Fabio. Para bang hindi nito gusto ang ideyang pag punta ko para hatiran siya ng makakain. Tagaktak ang sariling pawis nito na nakakadagdag sa kagandahang pisikal na anyo. Nagdala na rin ako ng tuwalya at damit para may pamalit ito.

Nang makalapit ay inabot ko na ang tuwalya. Kaagad naman niya itong tinanggap at inipahid sa pawis. Namumula ang magkabilang pisngi at pati narin ang tainga dahil sa pagka mestizo nito.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi mo ba nagustuhan? Dinalhan kita ng tanghalian mo at pamalit. Alam kong gutom kana eh." Napalabi ako. Para bang natatakot ang mga mata nito na nakikiramdam lang sa paligid.

Napalingon naman ako nang magsidatingan ang mga armadong lalaki na nagtatawanan pa. Marami ang mga ito.

"Fabio bakit may mga baril sila?" Tanong ko. Itinago naman kaagad ako nito sa kanyang likuran at pasimpleng lumingon.

"Alena sakop ng Black Estate ang pamilya ng mga Acosta. They are here for the General's protection." Paglilinaw nito sa'kin. Kahit na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong klaseng kumpanya ang Black Estate.

"May alam ba ang papa dito?" Tanong ko. Parte ng Black Estate ang pamilya namin. May sinusunod silang mas nakakataas at alam kong kabilang na roon si Fabio at ang papa.

"Wala siyang alam dito." Ani niya.

Nalalapit na pala ang eleksiyon kaya't todo ingat ang mga Acosta dahil tatakbo ang anak ng heneral na si Damian.

Hinawakan ni Fabio ang dala kong supot saka kami naupo sa pahingahan. Nasa ilalim lang kami ng puno habang nag mamasidmasid parin ito.

"Hindi ba masarap?" Tanong ko. Hindi ko alam kung masarap ang papaitan dahil wala dito ang atensiyon niya. Lumingon siya sa'kin at sumubo. Hindi niya ata ako narinig kaya't napabuntong hininga na lamang ako.

"Fabio!" May ilan sa mga kasamahan nito ang kumaway sa gawi namin. Tila inaanyayahan kaming sumama sa kanila at sumalo sa pagkain. Tinanguan lang ito ni Fabio. Kilala ko siya, hindi niya ugali ang makihalobilo sa maraming tao.

"Kumain kana?" Tanong nito. Tumango naman ako at ngumiti. Ang totoo niyan ay hindi pa ako kumakain dahil nagmamadali akong pumunta dito.

Tinitigan niya ako. Sinusuri kung nag sasabi ba ako ng totoo.

"Kumain ka." Sinubuan niya ako. Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag. Alam na alam talaga niya kapag hindi ako nag sasabi ng totoo.

Matapos naming kumain ay nagpahinga saglit.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon