Kabanata 21.

42.4K 919 146
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

NAGBAGO ang takbo ng buhay ko ilang buwan matapos ang hindi magandang nangyare. Normal man sa mata ng lahat ay hindi para sa akin. Bumalik ako sa pag aaral sa pinapasukan kong unibersidad. Itinuloy ang ilang taon sa kolehiyo na para bang walang nangyare.

Biyernes ng gabi, matapos ang klase ay sinundo agad ako ng driver namin. Halos ganito na ang araw araw na routine ko simula ng makabalik. Paglabas ko ng sasakyan ay napaisip ako, may bisita ba kami? Marami kasing mga katulong ang nag hahanda ng mga pagkain sa may garden.

"Manong anong meron?" Naitanong ko sa katiwala naming driver.

"Senyorita hindi niyo po ba alam? Ngayon po ang dating ni Senyorito Fabio. Nagpahanda po ng malaki si Senyora Dayana." Biglang kumabog ang puso ko sa nalaman. Mag kukrus pa rin pala ang landas naming dalawa ni Fabio matapos ang hindi magandang pag hihiwalay.

Huminga ako ng malalim at inayos ang suot na uniporme. Umakto ng tama at tinibayan ang loob. Hanggang ngayon pa rin ba Alena? Hanggang ngayon pa rin ba ay na aapektuhan ka pa rin ng nakaraan? Pilit na sumasagi sa traydor kong isip.

Sumalubong bigla sa akin ang mama nang makatapak ako sa harapan ng mansion.

"Hija mabuti at narito kana." Hinalikan sa pisngi at niyakap. Ngumiti na lamang ako ng peke at sinikap maging kalmado kahit na ang mga mata ko ay hinahanap ang rebulto ng lalaking gusto kong makita, si Fabio.

Nakita ko pa ang Kuya Matias na nakatayo sa harapan ng pintuan habang nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin. Simula ng umuwi ako ay hindi pa kami nakakapag usap ng maayos. Kaswal lamang na para bang walang nangyare ngunit naging mailap na ito.

Ngumiti ako sa kuya ngunit tinalikuran lamang niya ako. Napatingin na lamang ako sa mama at alam ko na kung ano ang iniisip nito.

"Pagod lang ang Kuya Matias mo. Siya na kasi ang pumalit sa Kuya Fabio mo sa kumpanya." Pumalit? Nag aaral ang Kuya Matias. Paano niya nagagawang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aaral? Kaya ba halos buong araw na lang itong nasa opisina niya at palagi pang mainit ang ulo? Hindi ko alam kung paano niya nakakayanan ang responsibilidad na iniwan ni Fabio.

Nag tuloy tuloy na kami ng mama sa loob. Nakita ko na rin ang papa na kausap ang Kuya Matias. Nakaayos ng pormal ang mga ito, dahil ba sa pag dating ni Fabio? Ang daming gumugulo sa isipan ko.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ay biglang tumigil ang mundo ko. Nakuha ng lalaking nakatalikod ang atensiyon ko. Kaagad na kumabog ang puso ko na parang nag wawala. Napalunok ako, hindi ako maaaring mag kamali. Si Fabio nga ang lalaking nakatalikod. Marupok at traydor ang puso ko. Bakit sa kabila ng lahat ay gusto ko siyang mahalikan at yakapin ng mahigpit.

"Anak." Tawag sa akin ng mama dahil sa pagkatulala ko. Dahan dahan namang humarap si Fabio sa gawi namin at laking gulat ko. Laking gulat kong may kasama itong babae. Pero papaano? Papaanong nangyare na malaki ang pagkakahawig sa akin nito?

Simple at maganda ang babae. Simple rin ang kasuotan at maaliwalas ang mukha. Nakangiti itong tumingin sa akin ngunit galit ang namuo sa puso ko. Lumipat ang masamang tingin ko kay Fabio na para bang walang nangyare. Bumalik ang malamig niyang mga tingin at ang mas malala pa ay hindi man lang ako tinapunan ng kahit anong pansin.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon