Kabanata 13.

56.5K 1.3K 89
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

Mainit ang tensiyon sa loob ng mansion sa mga oras na ito. Mahigpit ang pagkakakapit ni Don Zalazar sa baril na tutok na tutok sa direksyon ni Fabio.

Walang hupa ang pag lagasa ng mga luha ni Alena sa pag aalala at takot. Hindi rin makagalaw si Matias sa kanyang kinatatayuan dahil sa mga nangyayare.

Samantala, labis parin ang panghihina ni Senyora Dayana sa mga rebelasiyong unti unting nauungkat.

"Paano niyo nagawa ito?" May gigil ang tono ng boses ni Don Zalazar. Buong buhay niya'y malaki ang kompiyansang hindi mangyayare ang ganito sa kanyang binuong pamilya. Ngunit nag kamali siya. Maling desisyon ang pag kupkop sa anak ni Krusita. Maling desisyon na hinayaan niya ang kagustuhan ng asawang ampunin ang nag iisang babaeng anak ng kanilang dating katiwala.

Hindi mapakali si Alena. Nanlalamig ang kalamnan nito maging ang mga palad ngunit tagaktak ang malamig na pawis dahil sa tensiyon. Si Fabio, si Fabio ay nanatiling masama ang tingin sa kanyang amang si Zalazar. Tila ba'y hindi ito nasisindak ngayon sa amang kulang nalang ay kalabitin ang baril na kanina pang init na init sa kanya.

"Tumabi ka Alena!" Galit na ani ni Don Zalazar.

"Zalazar mag hunos dili ka!" Pigil ng kanyang asawang kanina pang hindi mapanatag.

"Papa tama na." Nakayukong ani ni Matias na hindi makatingin ng tuwid sa sariling ama. Huminga ng malalim si Zalazar. Impit ito sa galit. Hindi nito magawang ibaba ang hawak na baril na kanina pa nakatutok sa dakilang anak.

"Nagsisisi akong binuhay pa kita." Ani nito sa kanyang anak na si Fabio na isang hamak na suwail.

Ibinaba nito ang baril sawakas, ngunit hindi maipipinta sa mukha ang basbas sa relasiyon ng dalawa.

"Lumayas ka." Pagtatakwil nito kay Fabio.

"Sasama ako." Kaagad na nag salita si Alena.

"Hindi ka sasama. Naiintindihan mo! Mananatili ka dito sa puder kung saan ka nabibilang! Mananatili ka sa pamilyang ito!" Umiling iling ang babaeng si Alena. Labis na ang pagkamuhing nadarama para sa pansariling kagustuhan ng ama.

"Hindi! Hindi ako papayag. Hindi ikaw ang mag tuturo sa'kin ng dapat gawin papa." Walang habas itong umiyak.

Napahilamos si Don Zalazar sa labis na galit. Sumigaw ito ng malakas na umalingawngaw sa buong mansion ng pamilyang Montague.

"Hibang!"

Dinuro ang isang hintuturo sa direksyon ni Alena.

"Isa kang hibang! Lango sa pag ibig! Mali ang ginagawa mo!" Nanatiling matibay ang paninindigan ni Fabio na hindi isuko ang babaeng iniibig. Masakit man ang tagiliran dahil sa malakas na pagkakasuntok ay hindi iyon naging hadlang upang panghinaan siya ng loob.

"I don't plan on giving up on her. Sasama siya sa'kin." Pinag diinan nito sa ama.

"Wala kang utang na loob sa'kin Fabio. Kung hindi kita inaruga saan ka pupulutin! Binihisan kita! Pinag mukha kitang tao pero anong ginawa mo? Ito pa ang igaganti mo sa'kin! Walang hiya ka!"

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon