Kabanata 25.

46.6K 943 75
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

SUNOD SUNOD na putok ng baril ang kanyang pinakawalan. Kaagad na bumulagta ang mga kalalakihan sa sahig habang umaagos ang maraming dugo. Hinila ni Fabio si Alyana palabas mismo ng fire exit. Sa lumang parking lot sila dinala ng mga paa bahang tumatakbo.

"Stay here." Ani ni Fabio at naghanap ng pwedeng madaanan. Sinunod naman ito ni Alyana habang akap akap ang sarili. Nanginginig pa rin sa takot.

"Fabio!" Sigaw nito. Nang lumingon sa gawi niya si Fabio ay hawak hawak na ito ng asawang si Lazaro. Nakasabunot sa mismong buhok ni Alyana at nakangisi.

"Nasasaktan ako!" Maiyak iyak na ani nito.

"Where's the code my wife?" Bulong nito sa asawa habang nakatutok ang baril sa ulo. Pinalilibutan sila ng mga tauhan ni Lazaro kabilang na si Big boy na nanlilisik ang mga kay Fabio. Hindi nito makakalimutan ang ginawang panunugod nito at pagpaslang sa mga tauhan niya.

Napalunok si Alyana. Hindi niya alam kung sisikatan pa ba nv araw dahil hawak hawak na siya ng demonyong asawa. Pawis na pawis ito na nanlalamig. Nangangatog ang buong katawan sa takot.

"Mag salita ka!" Sigaw ni Lazaro. Bumunot naman bigla ng baril si Fabio nang tutukan siya ng mga tauhan ni Lazaro sa pamumuno ni Big boy.

"Tarantado ka, ako ang kalabanin mo!" Sigaw ni Big boy dito dahil hanggang ngayon ay nag babaga pa rin ang galit nito. Hindi naman nakagalaw si Fabio habang si Lazaro ay kaunti na lang ang pasensiya sa asawa.

"Mag sasalita ka ba o tutuluyan kita!" Sigaw ni Lazaro.

Natawa naman ng malakas si Alyana.

"Sige, tuluyan mo ako. Pero sisiguraduhin ko sayong hinding hindi mo makukuha ang code." Isang malakas na sampal ang iginanti ni Lazaro dito na siyang nagpatumba sa sahig kay Alyana. Pumutok ang ibabang bahagi ng labi nito at namaga ng bahagya.

Nag tiim bagang si Fabio. Ayaw na ayaw niyang makakita ng babaeng sinasaktan. Hindi niya mapapatawad si Lazaro sa kahayupan nito. Wala na siyang nagawa kundi ituloy ang plano. Habang hindi nakatingin dito si Big boy ay malakas niya itong sinuntok ng baril sa ulo. Nahilo ang malaking lalaki at napaupo sa sahig. Alerto naman ang mga tauhan at magpapaputok na sana ng baril ngunit naunahan na sila. Sa tulin ng takbo ni Fabio ay hindi nila ito mapuruhan.

Pinaulanan sila isa isa nito ng bala at sabay sabay natumba. Nangingisay na at sumusuka pa ng dugo. Natulala si Lazaro maging si Big boy.

Madilim na ang mukha ni Fabio at wala na itong kontrol sa sarili.

"Sige lumapit ka at pasasabugin ko ang bungo mo!" Sigaw ni Big boy nang bumunot na ng armalite. Nagmamatapang ito kahit na sa likod ng kanyang tapang ay pangangamba. Sinipa ni Alyana ang ibabang parte ni Big boy kung kaya't napaluhod ito at pagkakataon na ni Fabio. Hinila naman ni Lazaro ang mahabang buhok ng asawa at isang malakas muli na sampal ang inabot nito.

Napapikit ng mariin si Big boy dahil sa sobrang sakit ng kanyang pang ibaba. Walang sinayang na oras si Fabio at kaagad na ini angat ang hawak na baril. Bago ito kalabitin ay isang bala ang bumaon sa bandang tagiliran nito na siyang ikinalumpasay niya sa lupa.

"Fabio!" Pagsisisigaw ni Alyana. Tumawa ng malakas si Lazaro.

"Hindi lang 'yan ang aabutin ng lalaki mo kapag hindi mo binigay ang gusto ko! Asan ang code ng Black Estate" sigaw nito.

"Patayin mo man ako ngayon Lazaro, wala kang makukuhang impormasiyon sa akin!" Talaga nga namang sakim si Lazaro at hindi nagdalawang isip na suntukin ng sunod sunod si Alyana.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon