Kabanata 22.

44.9K 1.1K 65
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

LABIS ang paghihinagpis ng pamilyang Montague dahil sa pagkawala ni Zalazar. Dumating sa huling hantungan si Alena at Fabio ilang araw matapos nasawi ang ama. Hindi naman magkamayaw ang mga luha ng asawang si Dayana.

Tahimik lamang si Fabio habang pinagmamasdan ang kinikilalang ama sa huli nitong hantungan. Nag kuyom at nanaig ang galit sa kanyang puso. Hindi niya mapapatawad si Lazaro De Vega, ang baliw na lalaking sumugod sa kanilang puder. Napaluhod naman si Alena dahil sa labis na panghihina.

Nakatayo lamang si Alyana at yakap yakap ang sarili habang pinag mamasdan ang isang pamilya na nag durusa. Sinisisi niya ang sarili dahil sa pagkasawi ng ama ni Fabio. Kung hindi siya nag pumilit na sumama dito ay hindi sana mapapahamak si Don Zalazar.

"Bakit ka pa bumalik Alyana?" Inis na tanong ni Matias.

Lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaroon ng relasiyon noon ni Alyana at Fabio. Maling pag iibigan dahil nakatali mismo si Alyana sa asawang si Lazaro. Isang makapangyarihang sindikato na isa rin sa nagtaguyod upang mabuo ang samahan ng Black Organization.

"Hindi ko na kayang pakisamahan pa si Lazaro." Ani nito. Tumalim ang titig ni Matias sa kanya.

"Damn!" Mura ni Matias kay Alyana.

"Ito ba ang gusto mo? Ito ang kapalit ng kalokohan mo." Gigil na ani nito. Nalungkot ang mukha ni Alyana. Masisisi ba siya ni Matias kung si Fabio na kapatid nito ang totoong minamahal niya?

"Umuwi kana." Pagtataboy sa kanya ni Matias.

"Matias!" Saway ng kanilang ina na si Dayana. Hindi man maintindihan ng ginang kung sino nga ba si Alyana ay wala na itong oras pa para isipin. Ayaw niya ng gulo sa mismong libing ng kanyang asawa.

Samantala, wala paring imik si Fabio na nakatitig lamang sa walang buhay na ama. Hindi niya mapapatawad si Lazaro sa kahayupang ginawa nito. Nandilim ang kanyang paningin at gustong pumatay ng tao.

Isang plano ang nabuo sa kanyang isipan.

KASABAY ng malakas na pag buhos ng ulan ang galit na kinikimkim nito. Kasalukuyan siyang nakatayo sa itaas ng puno kung saan nakatapat mismo sa mansion na kanyang papasukin. Umaagos lamang ang malamig na tubig sa maamo at galit nitong mukha. Pinagmamasdan ang mga tauhan na nakapaligid at nagbabantay sa labas. Bawat kilos at galaw ay matalim niyang pinagmamasdan.

Lumakas pa ang pag buhos ng ulan na sinamahan na ng kidlat. Malakas na kidlat at kulog na sumasabay sa bagsik ng kanyang galit. Nanginginig ang kanyang kamao at nakakuyom ito. Ilang ulit itong huminga ng malalim at itinaas ang itim na hood ng suot na jacket. Matapos nito ay kaagad siyang tumalon sa bakuran ng mansion at mabilis na tumakbo. Kaagad na binunot sa tagiliran ang isang matalim na bagay at itinarak sa ulo ng nagbabantay. Sumirit pa ang dugo at pumatak sa kanyang pisngi. Nangingisay itong bumulagta sa madamong lupa.

Kaagad niyang kinuha ang armas nito at itinago sa likuran ng kupas na pantalon habang sa di kalayuan naman ay may dalawang armadong lalaki na naglalaro pa ng baraha. Halatang lasing ang dalawa base pa lang sa tawanan at kung paano mag salita. Kinuha nito sa tagiliran ang maliit at matulis na bagay habang dahan dahang papalapit sa dalawang lalaki.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon