Kabanata 4.

80.7K 1.9K 341
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

Umaga ng Lunes.

Tulala ako habang nagsasalo salo kami sa hapagkainan. Hindi maiwasan ng utak kong maalala ang naganap sa pagitan namin ng Kuya Fabio kagabi.

"Hija nakikinig ka ba?" Tanong ng mama.

"Huh ano po ulit 'yon?" Gulat na tanong ko nang bumalik mismo sa katinuan. "Anak sabi ko ihahatid ka ng Kuya Fabio mo sa school. Tutal naman iisa lang ang way niyo bakit hindi kana sumabay?"

Hindi ko sinasadyang mabulunan sa sinabi ng mama. Kaagad ko namang kinuha ang isang baso ng juice at uminom bilang panulak.

"Hija dahan dahan. Ayos ka lang?" Tanong ng mama. Si Kuya Fabio naman ay tahimik lang. Ang papa ay abala sa kumpanya at maagang umalis. Ang kuya Matias ay lumuwas kaninang madaling araw dahil may klase na ito.

"Ayos lang mama." Napangiti ako kahit pilit.

"O'siya tapusin mo na ang kinakain mo at sasabay ka sa Kuya mo. Naka day off si Manong Jose ngayon kaya walang driver." Wala naman akong nagawa kundi ang tumango tango. Dumako ang paningin ko sa Kuya pero hindi niya ako tinapunan ng tingin at seryosong nagbabasa ng diyaryo habang umiinom na ng kape. Napansin kong hindi talaga ito kumakain sa umaga at nagkakape lang.

Matapos ng umagahan ay nauna na ito sa labas at hindi man lang ako kinakausap. Nagpaalam na ako sa mama at kinuha ang bag saka lumabas. Suot ang uniform ko na kulay puting long sleeves at may neck tie na kulay itim habang ang pang ibaba nama'y kulay gray na palda. Nag aaral ako sa Stella Maris University. Isa sa pinaka sikat na eskwelahan dito sa Cebu.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. 30minutes halos ang tagal ng biyahe papunta sa University.

"Does it still hurt?" Napalingon ako kay Kuya Fabio ng tanungin niya ako.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong. Bigla bigla naman itong napapreno at napahinto kami sa gilid ng kalsada. Hinagpas niya ang manibela at alam kong galit ito.

"Alena lilinawin ko ang lahat sayo. Nadala lang ako ng kalasingan. Forget about it. Walang nangyare satin. This didn't happened. Wala lang 'yon do you understand?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya.

Kung masakit pa ba ang ibabang parte ko? Oo masakit na masakit. We did it first at dog style. Hindi niya alam na siya ang nakauna sa'kin. Wala siyang pag iingat at tuluyan akong winasak ng may gigil.

Pero ang marinig mula sakanya na kalimutan namin ang lahat ay mas doble pa pala ang sakit na naidulot sa'kin. Hindi ko agad nagawang sagutin ito. Nanatili akong tahimik.

"It won't happen again." 'Yon lang sinabi nito tsaka pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Nakarating kami ng mabilis sa University. Pagkababa ko'y kaagad naman itong umalis na wala man lang kahit anong sinabi. Ni tignan ako at lingunin kahit sa side mirror man lang ay hindi niya ginawa.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Ala-sais na ng gabi. Palabas na ako ng University nang makita ko ang sasakyan ng Kuya Matias. Nakaparada ito mismo sa tapat at nakita ko siyang nakasandal habang nag aantay.

"Kuya Matias!" Tawag ko dito. Napatingin naman agad siya at isang malaki ang pinakawalang ngiti.

"Kuya anong ginagawa mo dito? Akala ko sa Manila ka muna mag i-stay? Diba may pasok ka?" Ang dami dami kong tanong. Ngumiti ito bago magsalita.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Where stories live. Discover now