Kabanata 20.

45.3K 990 89
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

ISANG BUWAN ang lumipas at dumating na ang araw ng eleksyon. Maraming mga politiko ang dumalo kabilang na ang mga pulis na siyang escort ng mga ito. Kasama na si Fabio na siyang nagbabantay sa heneral. Maraming tao ang nanonood sa entablado, kung saan ay i aanunsiyo na kung sino ang nanalo sa pagiging mayor. Bilangan ng boto ang labanan. Napag desisyunan din ng pulisya na putulin muna ang signal ng kahit anong network para maiwasan ang bomb threat.

Tahimik lamang si Damian habang nakikinig sa paninimula. Nasa likuran ng binata si Fabio habang panay ang tingin sa paligid. Nasa kalagitnaan na ng seremonya at kinuha na ang malaking machine na pinag tulungang buhatin ng apat na katao. Sa machine mismo nakapaloob ang bilang ng boto.

Sampung kandidato ang nakahilera at nag hihintay ng resulta. Bakas ang kaba sa mga ito kabilang na si Damian. Nakaupo naman ang heneral sa kanang bahagi ng anak kung saan ang harapan ni Fabio. Dahil na rin sa katandaan ay mas minabuti ng heneral ang maupo habang nag hihintay ng resulta.

Sinimulan na ang pag bibilang gamit ang malaking machine. Hindi nagtagal ay inanunsiyo na ang nanalo bilang mayor.

"Congrats Mayor Damian Acosta." Sigaw ng nakararami ng si Damian ang mag wagi. Tumayo na ito para kamayan ang isa sa mga pulis na nag deklara ng pagpapakapanalo niya nang bigla na lamang may sumigaw.

Isang napaka lakas na sigaw.

"Bomba!" Alertong napatayo si Fabio at lumapit agad sa heneral. Alam na nitong pupuntiryahin ng kung sino mang kalaban ang pagkakataong sumalakay sa oras ng eleksyon. Napahawak sa tungkod ang matandang heneral at pilit na tumayo.

Nagsimula ng mabahala ang mga tao nang makadinig muli ng sunod sunod na pag putok ng bala. Nagsipag takbuhan na ang mga ito at nagkagulo sa plaza. Kaagad na binunot ni Fabio ang hawak na baril at hinarangan ang heneral bilang proteksyon.

Pilit na hinahanap ng mga mata kung saan ba nanggagaling ang nagpapaputok. Maswerte na lamang at walang napuruhan sa sunod sunod na putok nito. Napayuko na si Damian kasama ang ama habaang si Fabio ay nakatayo at nakaharang sa dalawa.

Katulong nito ang mga pulisya na naroon na naging backup niya. Kaagad na nagpatawag ng sasakyan upang makapasok na ang mayor at heneral. Kailangan nilang mailayo sa plaza dahil sila ang pinupuntirya ng kalaban.

Walang kahit anong idea si Fabio kung sino ang nasa likod ng lahat. Ngunit malaki ang kanyang kutob na may kinalaman ang lahat sa Black Estate. Pumasok siya sa malaking van at isa sa mga hepe ng pulis ang nagmaneho. Wala ng kasunod ang pag sabog ng bomba na itinanim mismo malapit sa abandonadong gusali. Nagpatawag naman ng back up ang kapitan ng mga pulis upang humingi ng tulong at mag imbestiga.

"Kami ng bahala, maaari mo ng iuwi ang heneral at mayor." Ani ng kapitan ng sila'y makarating. Sinunod naman ni Fabio ang bilin nito. Hindi mawala sa kanyang isipan ang asawa. Kailangan na ba niyang isuko si Alena sa pamilya nito? Malaki ang kanyang kutob na maaaring sila talaga ang pakay ng kalaban.

ALENA:

Abala ako sa pag titiklop ng mga malinis na damit. Nakapag luto na rin ako para sa pag uwi ni Fabio. Napabuntong hininga na lang ako. Nabalitaan ko kasing may bombang sumabog sa plaza at mabuti nalang ay walang nasaktan. Hindi na rin ako mapakali. Mag aalas otso na kasi ng gabi at hindi pa umuuwi si Fabio. Matapos kong ilagay ang mga tinuping malilinis na damit sa loob ang aparador ay nagtungo ako sa ilabas ng rancho.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon