8: STUCK WITH YOU

280 35 0
                                    

"I'm gonna miss you Ritz"
.
.
.
.
.
.

Uminit ang katawan ko saglit. Sumisigaw ang kaloob-looban ko dahil sa tuwa.

"Ang cute mong magblush!"

"Che! Umalis kana... Shooo!"

Lalaking 'to, ang pilingero naman. Pero totoong kinilig ako... Slight lang naman! Ang sarap lumandi, ano raw?

Sasabihin ko na ba sa inyo?

Nang umalis na ang sasakyan niya ay lumakad na din ako. Hinanap ko si Yana para sabihin ang lahat ng nangyari sa buhay ko ngayong araw. At magsosorry rin ako sa kanya. At tamang-tama magkaklase kami ni Yana ngayon, ikukwento ko ang nangyari kanina... Nakakakilabot pero gusto ko.

Nang nakarating na ako sa Classroom ay hinanap ko agad si Yana. Nakita ko siyang natutulog.

"Yanaaaaaaaaaa!" sigaw ko. "Yanaaaaa! My goddd, gising Yana"

Nagsorry ako sa kanya at pinatawad niya rin naman ako. Naghintay lang daw siya na ako ang lalapit sa kanya. Ang high pride niya talaga, ewan ko nalang.

"Yanaaaa!" Sigaw ko ulit.

"Ano ba Sam?" Tamad niyang utal.

"Guess what?"

"Ano? Naka hanap kana ng iibigin?"-Yana

"Ewan ko sayo... Nakakainis ka na ha?" sabay facepalm.

"Ano nga?"

"Pumunta ako sa bahay ni Sammuel" pabulong kong sabi sa kanya..

"Ahhhhhhhhh" sumigaw siya at niyugyog ako. "Talaga? Tapos, anong nangyari?" Excited niyang tanong. Parang nagspark yung mga mata niya at naghihintay sa sagot ko.

"Secret!"

Nagpout siya kaya napatawa ako. Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko napaka moody.

"Wag ka ngang tumatawa, naiinis ako sayo. Ano nga ang nangyari?" Tanong niya.

Sasagutin ko na sana siya kaso pumasok na ang math teacher namin.. Kaya natahimik ako.

"Good Afternoon sir Slowly" banggit naming lahat.

Nagdiscuss na si Sir about ng probability. Syempre nakinig ako, good girl ako pag nasa room na ehh.

"Get your drawing book and manual book and please answer activity 8.2 on page 118" maangas na sabi ni sir Slowly.

Napakaangas niya talaga, sobra!

Medyo mahirap 'tong probability para sa akin. Hindi ko kasi naseryoso ang permutation at combination sa mga nagdaang araw dahil sa mga nangyari. Hindi mo kasi mas naiintindihan ang probability pag hindi mo kabisado ang permutation 'tsaka combination.

"Sam, ilan nga ang sample space ng dice?" Nakakunot na tanong ni yana sa'kin..

Medyo ayaw niya kasi ang Mathematics, lalo na yung sir namin.. Nakakatakot nga raw, ewan ko ba sa kanya.. Nakakatakot lang naman si Sir dahil sa mukha niya pero pag nagtuturo ay maganda naman.

"6 by 6 Yana, edi 36" sabi ko pero hindi nakatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Pag pares-paresin mo nga ang mga numbers simula 0,0 to 6,6"

"Ay oo nga pala" -Yana

Nagpatuloy nalang ako sa pag sagot dahil hindi na nangungulit pa ang pangit kong kaibigan. Nang natapos ay pinasa ko na at hinintay ko na si Yana para sabay kaming lalabas sa school.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now