54: STUCK WITH YOU

149 13 0
                                    

Kinabukasan ay nagdesisyon akong lumipat sa ibang lugar kung saan ay komportable rin ako. Ayokong makita si Aaron na kasama si Marga na masaya, mas lalo akong maging bitter sa kanila. Naligo muna ako sa dagat, mag-isa akong nakabadbad dun dahil maaga pa naman. I'm wearing plain two piece na color pink, mas nagiging hiyang ang katawan ko pag naka-pink ako. For me!

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, simple lang ang suot ko dahil ayokong maglakad ng naka-skirt. Simula nung nalaman na nila ang totoo ay bumalik na ako sa pagsusuot ng skirt. Mahilig talaga akong mag-skirt, ayoko ng pants dahil naiinitan ako. Paglabas ko sa cottage ko ay nilibot ko muna paningin ko sa buong Casa, napakaganda talaga sa lugar na 'to. Siguro babalik ako kapag wala na sila dito, sa buong taon dito lang pala sila makikita.

Bumuntong hininga ako at naglalakad na. Kagabi ko pa inayos ang pag check out ko, nakausap ko rin si Ms. Akisha, ang may-ari sa Casa na ito. Naalala niya raw ako dahil nga napatawag kami noon, nabalitaan niya rin daw ang nangyari at masaya siyang makita ako muli na buhay. Lol!

Palabas na ako nang may narinig akong pamilyar na tumawag sa akin. Napahinto ako at tinignan ko siya, ngumiti ako sa kanya.

Bakit ka pa nagpapakita sa akin? Masungit na bulaslas ko sa isipan ko.

"Sam!" Tawag niya.

"Hmm?"

"Aalis ka na?" Tanong nito.

"Obvious ba?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Rinig ko ang buntong hininga niya, hindi na ba malinaw sa kanya ang mga sinasabi ko kahapon. Mahal ko siya, pero ayoko namang masira ang relasyon nila ng pinsan ko.

"Saan na si Marga?" Tanong ko.

"Umalis na, b-bakit?"

"Bakit hindi kayo sabay na umalis ng pinsan ko? Para naman hindi na ako aalis dito!" Pagtataray ko.

"Pina-una ko lang siya, aalis din naman ako." Sabi nito.

Bakit parang nasasaktan ako?

"G-good to hear that," sabi ko at tumalikod na sa kanya.

"Sam, totoo bang tinakwil mo si Sammuel para sa'kin?"

Napatigil ako sa tanong niya, kailangan pa ba yang itanong ulit? Hindi ba obvious?

"Kahit naman totoo yun ay wala na rin naman akong magagawa." Sabi ko pero nakatalikod pa rin.

Hinawakan niya ang balikat ko, humarap ako sa kanya at ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya sa'kin.

"Sam, h-hindi ko girlfriend si Marga. Sa katunayan nga, tinulungan niya akong ma-realize kung gaano kita ka mahal. Mali ang iniisip mo!" Pagpapaliwanag nito.

"Maging masaya ba ako sa sinabi mo?"

"Sam! Mahal mo pa ba ako?" Desperado na tanong niya.

"Oo naman, mahal ki---

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako bigla. Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ako agad naka-react.

"Aaron, mali 'to." Sabi ko at halatang naguguluhan siya.

"Mahal mo ako diba? Mahal din kita, paanong naging mali?" Naguguluhan tanong nito.

"Paano ang fiance mo?" Tanong ko at kumunot ang noo niya.

"Fiancee?"

Tumango ako. "Aaron, engage ka na... Sinabi iyon ng mommy mo sakin, hindi niya sinabi kung sino ang babaeng papakasalan mo in the future p-pero alam kong nice siyang babae dahil napili ito ng mommy mo," sabi ko at hindi siya makapagsalita.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now