32: STUCK WITH YOU

137 16 0
                                    

Diana Paraiso Alegre P.O.V

Nasa canteen kami ngayon kasama ang Knights para mag lunch. Wala si Sam kasi may lunch meeting daw sila together with Paraiso Family. Wala rin sina Aaron at Lyster, ang sabi lang ni Lanze ay may nangyari raw sa Lola ni Aaron. Kumain nalang kami kahit lima nalang kami, I know may nangyari sa kanila kahit hindi ito sinasabi ni Lanze.

Dahil nga kami lang dalawa ni Zaza magkasama kanina, na kwento niya ang nangyari kahapon kay Allysa. Pinadala siya sa US at doon ipagamot dahil ang finding ng doctor nila ay may DID daw si Allysa. Kaya pala ganun nalang siyang umasta, nakakatakot naman. Nabigla rin ang parents ni Zaza dahil nga nakita nila si Allysa dito sa Pilipinas, ang alam kasi nila nasa US siya at doon nag-aaral.

Ang tagal na ni Allysa kaya dito!

"Babe, saan nga pala si Sam?" Tanong ni Lanze.

"May lunch meeting daw sila, pero babalik din yun." Sagot ko.

"E-ehh si Aaron at Lyster saan?" Tanong naman ni Zaza.

"Na hospital kasi ang Lola ni Aaron, nandun din si Lyster." Sagot ni Lanze.

"Si Lola Nice ba?" Tanong ulit ni Zaza.

"Bakit mo kilala si Lola Nice?" Biglaang tanong ni Sammuel.

Bakit nga ba?

Halatang nabigla rin si Zaza sa kanyang sinasabi kaya hindi siya naka-sagot agad. Siguro nag-iisip pa siya sa palusot. Isa pa lang, sasabihin ko na talaga na siya at ang Zaza na namatay ay iisa.

"K-kasi... A-ayy sinabi ko ba talaga?" -Zaza

WHAT?! ANO BA YANG SINASABI MO? SIYA NGA!

"Oo, diba rinig nating lahat?" Tanong ni Sammuel sa amin.

Isa-isa kaming tumango at ako ay napatingin kay Zaza. Kinakabahan siya, may parang tinatago si Zaza. Nang tumingin ako kay Sammuel, nakatutok lang siya kay Zaza at naghihintay ng tanong.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Biglaang tanong ni Edrian na kanina ay busy sa cellphone niya.

"Lyxa Margaretta!" Sagot ni Zaza.

Zaza nalang! Sabi ko sa isipan ko.

Dahil sa sagot niya ay tumahimik kaming lahat sa mesa, bakit parang pag kami lang dito ay may tensyon na nangyayari? Simula nang dumating si Zaza sa amin ay parang lahat kami ay may tinatago, Bakit?

Nakabalik na kami sa room namin, hindi ko kinakausap si Zaza nang hindi ko alam ang rason. Hindi ko alam kung galit ako sa kanya, kung galit man ako ay bakit naman? Hanggang sa pumasok na ang subject teacher namin, wala pa rin ako sa sarili ko. I really want to talk to Samantha, gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat.

"Hoy, okay ka lang ba?" Tanong ni Zaza.

"Hindi." Diretsong sagot ko.

Medyo nabigla siya sa pagkasabi ko agad. Nakatitig siya sa akin.

"H-ha? Bakit naman?" Tanong niya ulit.

"Zaza, total we're friends naman... Pwede ka bang maging tapat ka sa akin?" Sabi ko at parang tumaas ang kilay niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa'kin

"Zaza, I know ikaw yung Zaza na akala nilang patay na." -Ako

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now