46: STUCK WITH YOU

129 10 0
                                    

Aaron Chess' P.O.V

Nakita ko si Sam na mag-isa sa tabi  ng dagat. Nakaupo siya at nakaharap sa dagat, parang may malalim na iniisip. Kahit nasasaktan akong layuan siya ay kinaya ko para makapag-isip siya. Ganyan ko siya kamahal. Dahan-dahan ko siyang nilapitan, hindi niya ito namalayan dahil tahimik akong lumapit sa kanya.

"I really like you!" Rinig kong bulyaw ni Sam mag-isa.

Is she talking to me? Naramdaman ba niyang may tao sa likod niya?

Pagkatapos niyang sabihin yun, dahan-dahan siyang tumayo kaya pa simple akong naglalakad palayo para hindi niya mahalatang nakikinig ako at minamasdan siya. Hindi nagtagal ay nilingon ko siya, malayo-layo na siya sa akin. Hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko kay Sammuel, pinangunahan talaga ako. Hindi ako handang masaktan, ganyan ako kahina pagdating sa pag-ibig.

Sana nakapag-isip ka na Sam!

Pinatawag lahat ng estudyante. Nasa mini gym kami ngayon, katabi ko si Lyster. Medyo malayo sa kinaroroonan nila ni Samantha. Magkatabi sina Sam at Sammuel pero halatang naiinis si Sam sa katabi niya dahil nakakunot ang noo nito.

"Nag-aaway ba sina Sam at Sammuel?" Curious na tanong ko kay Lyster.

"Kanina pa naiinis si Samantha kay Sammuel, akala kasi ni Sam na siya ang pipiliin maging partner kanina sa activity hindi pala." Kwento sa akin ni Lyster.

"Talaga?" Tanong ko at tumango lang siya.

"Lately, napapansin ko ang paglayo ni Sammuel kay Sam pero nung nakita niya naman kaming masaya kanina ay nagalit siya. Ewan ko nalang diyan sa kaibigan natin, hindi ko na siya maintindihan. Ano ang gusto niya? Dalawang babae sa buhay niya? Ano siya Datu?" Saad ni Lyster pero nakatuon ang atensyon sa harap.

Magsasalita na sana ako nang tinignan niya ako, "Eto payo ko lang... Yung iniisip mong aalis ka pagkatapos nito, please wag mo nang ituloy. Mahal ka ni Sam, ikaw lang yung sumuko. Kasi sa oras na nasasaktan siya ni Sammuel, walang dadamay sa kanya." Sabi nito. "So please tol, wag mong gawin ang plano mo." Dagdag pa nito.

Napabuntong hininga ako at hindi na nagsalita. May lumabas na isang babae, matangkad, morena ang balat, chubby pero maganda ang hubog ng katawan.

"Good Evening Rizalians," bati niya at ganun rin ang ginawa namin sa kanya.

"I am Akisha, the owner of Casa de Daminar. I just want you to inform about our policy inside our Casa. First, your trash. I myself, don't want to see any trashes around my Casa. Makikita niyo naman sa paligid, walang mga kalat. Be responsible enough sa mga kalat niyo, itapon niyo ito sa tamang lalagyan dahil malalaki na rin naman kayo. Second, cleanliness inside your cottages. Since malaki na kayo, you are also responsible for the cleanliness inside of it. Walang service sa trip na ito at nag-request rin kasi si Sister na kung pwede kayo ang maglilinis ng cottages niyo. Ito ay isa sa activity ninyo habang kayo nasa sa Casa. Lastly, as minor. Mini bar is not for you, bawal kayo sa mga alak. And according to sister, kung sino ang makikitang umiinom ay may kaparusahang haharapin. And sana ma-enjoy niyo ang lugar namin. Thank you and once again, good evening." Paliwanag ni Ma'am Akisha at nakukuha naman naming lahat.

Pagkatapos nun ay si Sister naman, hindi ko na siya pinakinggan at tinignan ko ulit si Sam. Laking gulat ko, tinignan rin pala ako ni Sam. Hindi ko winala ang paningin ko sa kanya, nauna siyang kumawala sa tinginan namin. Matapos iyon, binigyan kami ng isang oras para gumawa sa gusto naming gawin. Nasa cottage kami ni Lyster ngayon, ito yung napili niya kanina nang nahanap nila ang red shell.

"Tol, anong plano mo?" Biglang tanong ni Lyster sa'kin.

"Plano?" Nagkunwari akong hindi siya ma-gets.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now