55: STUCK WITH YOU

445 19 2
                                    

Ritz Samantha Paraiso's P.O.V

Mahigit isang linggo na ako sa Baguio, kahit maganda dito ay hindi ako lumalabas. Gusto ko kasing makapag-isip ng maayos, gusto kong linawin ang sarili ko. Simula nung nagising ako ay nakadepende na ang buhay ko kay Aaron, parati nalang siya. Bukas ay kaarawan ko na at wala pa akong plano na umuwi dahil hindi pa ako handang makita sila. Marami na ang missed calls ni Yana sa'kin, siguro nag-alala rin ang babaeng 'to. Hindi kasi ako nag so-social media kaya wala silang balita sa akin.

Iniisip kong ikakasal si Aaron sa ibang babae ay parang sumakit na ang utak ko, hindi ko alam kung anong ire-react ko.

Sana ako nalang kasi ang fiancè niya, Kung bakit ba kasi tulog ka sa isang taon, Sam?! Kaya wala kang alam eh!

Mayamaya ay dumating ang pina-handa kong pagkain, wala akong pakialam kung tataba ako dito. Basta makalayo lang ako sa kanila ay okay na ako.

MOMMY CALLING...

"Hello, M-mom?"

"Anak? Sabi mo isang linggo lang? Anong araw na ba ngayon?"

"Mom, uuwi rin naman ako!"

"Naku, bukas na ang birthday mo... Plano kasi ng daddy mo, mag-celebrate tayo bilang kapalit ng debut mo. Umuwi ka na, Anak!"

"Mom, wag na po... M-mas okay po akong mag-isa dito."

"Anak, hindi ka namin kasama sa 18th birthday mo kaya umuwi kana. Pagbigyan mo na si Mommy, nak!"

CALL ENDED...

Napabuntong hininga ako nang binaba ko ang phone. Uuwi nalang siguro ako bukas ng maaga, gusto kong puntahan ang mga lugar dito sa baguio kung saan hindi ko pa napuntahan. Nag beep ang phone ko na tinapon ko kanina matapos kong ibaba ang tawag namin kanina ni Mommy.

Yana:

Sam, nasaan ka? Pupuntahan ka namin diyan.

Ako:

No, I'm fine.

Yana:

May maganda akong balita.

Ako:

Uuwi rin naman ako bukas, bukas mo nalang sabihin.

Yana:

Okay kung yan ang gusto mo.

Matapos kong kumain ay nag handa na ako para sa last day ko dito sa baguio. First destination ko ay Burnham Park, isa raw ito sa pinaka maganda na tourist spot dito sa baguio. Burnham Park is an open green park at the heart of Baguio, the park's lush greeneries and blooming flowers make you forget that you are in the middle of a highly urbanized city.

Nabasa ko ito kanina sa hawak kong mapa sa baguio. Nilibot ko ang paningin ko at nakikita ko ang masasayang tao na nakasakay sa bangka na ang porma ay isang goose. Napangiti lang ako sa batang nakatampisaw ang paa sa dagat.

Pagkatapos kong pumunta sa burnham park ay dumayo naman ako sa strawberry farm. Kilala rin kasi ang Baguio sa mga strawberries dahil na rin sa maganda nilang klima. Isa itong strawberry farm sa bucket list ko na gusto kong puntahan, at nandito na nga ako.

"Miss... Do you want me to take your picture?" Tanong ng isang extranghero.

Okay naman siya kaya sumang-ayon nalang ako. Parang mas matanda pa ako sa kanya, matangkad nga lang siya sa'kin.

"Thank you, ha?" Sabi ko sabay ngiti.

"I'm CJ and you are?"

"L-lyxa!" Sabi ko at nag-shake hands kami.

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon