40: STUCK WITH YOU

128 16 0
                                    

Nang pumasok ako kinabukasan ay marami nang mga estudyante na handa na para sa tour trip. Iba-iba ang kanilang dala, may mga gitara, may bola at kung ano-ano pa. Nakita ko sina Zaza at Yana sa hindi kalayuan, nagtatawanan na sila. Pinuntahan ko sila at ngumiti sila sa akin.

"Ang aga ng tawanan niyo ah?" Tanong ko.

"Heto kasi si Yana, kinuwento niya ang panaginip niya." Sagot ni Zaza.

Sa hindi kalayuan, may nag agaw ng atensyon ko. Napa-white t-shirt siya, naka-black pants at white shoes. Sh*t! Ang gwapo naman!

Sinundan ko siya ng tingin, parang galing siya sa office ng dean namin. Sasama kaya siya? Parang Oo dahil nakabihis siya! Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pupunta, mayamaya ay sumakay siya sa kotse niya.

Hindi siya sasama? Tanong ko sa kaloob-looban ko.

Nang binalik ko ang tingin sa kotse ay wala na ito, umalis na. Itinuon ko pabalik sa kanila ang atensyon ko at laking gulat ko ay kanina pa pala sila nakatingin sa akin, nakapamewang.

"Alam mo Sam, hindi namin halata na miss mo na si Aaron," pangungulit ni Yana.

"Hindi naman!" Sabi ko sabay irap.

"Talaga?!" Sabi ni Zaza at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Okay fine, I miss them." Pag-amin ko.

"Them talaga?" -Yana

"Oo! Syempre, friends natin sila. Ilang araw din naman na kasama natin sila diba?" Tanong ko naman kay Yana.

"Yun lang talaga?!" Medyo naiinis na ako sa mga sirang tanong ni Yana. Si Zaza ay tumatawa sa gilid.

Itong mga kaibigan ko, may mga topak!

"Ewan ko sayo, Yana!" Sabi ko at umalis sa harap nila.

May narinig akong beep galing sa cellphone ko kaya tinignan ko iyon. Parang nabuhayan ang pakiramdam ko nang si Aaron ito.

Aaron:

Good morning pretty!

Kinilig ako sa message niya, siguro nakita niya ako kanina. Magta-type na sana ako ng bawiin ni Yana ang cellphone ko at binasa nila Zaza.

"Ahhh pretty pala!" -Yana

"Totoo naman kasi friend, pretty naman talaga siya." Pagsang-ayon ni Zaza.

"Akala ko ba nag-aaway sila?" Tanong ni Yana kay Zaza pero para sa akin iyon.

Huminga ako ng malalim, bakit big deal ito para sa kanila? Anong masama nito? Wala naman diba?

"Fine! Pumunta ng bahay si Aaron kagabi para isauli ang journal ko. Tapos." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko kay Yana.

Nilapitan nila akong dalawa at parang may gusto pang marinig galing sa akin. Inirapan ko lang sila, mga hayop!

"Wala bang hugs and kisses?" Tanong ni Yana in magical tone.

"Wala." Diretsong sagot ko.

"Weee?" Hindi pagsang-ayon ni Zaza.

"Hug lang!" Sabi ko.

Dahil ang dami pa nilang walang kwentang tanong ay diretso na ako sa classroom. Kami nalang pala tatlo ang natira sa ground, ang ibang estudyante pala dun ay sasama sa tour trip. Nakakainis!

Pagdating dun, walang tao sa classroom. Saan na ba sila? Bakit parang out of place kami ngayon? Nakita kong palapit na sila Yana at Zaza, hinarap ko sila at tinuro ang loob. Nabigla rin silang nakita na walang tao ang classroom namin.

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon