36: STUCK WITH YOU

140 12 0
                                    

Hindi ako mapakali dahil sa nabasa kong mensahe. Medyo hindi ako naka-kasabay sa mga sinasabi nila kakaisip. Nahalata nila ako kaya na patanong sila sa akin.

"Hoy, okay ka lang?" Pag-aalalang tanong ni Yana sa'kin.

"A-ahh, oo, okay lang ako." Nauutal kong sagot.

"Panigurado si Sammuel or Aaron na naman ang dahilan niyan no?" Tanong ni Yana ulit.

"Char, sana all pinag-aagawan." Pang-aasar ni Zaza.

Tumawa lang ako ng peke at binaling sa pagkain ang atensyon. Inuyog ako ni Yana dahil kanina pa pala sila naghihintay ng sagot ko.

"Si A-aroon yun, nangangamusta lang." Pagsisinungaling ko.

"Sezzz, patawarin mo na kasi!" Sabi ni Yana at lumamon na ng pagkain.

Haytsss! Hindi muna ngayon!

Tumahimik na kaming tatlo at nagpatuloy na kumain. Nakita kong kinuha ni Zaza ang phone niya at may ginawa. Napansin iyon ni Zaza kaya dali-dali niya itong binalik sa bag niya. Medyo praning talaga nitong babaeng 'to!

"Okay ka lang?" Tanong ko ni Zaza.

Tumango lang siya. Nabigla ako sa lakas ng kabog sa mesa namin at nabaling ang atensyon ko kay Yana. Problema nito?

"Ano bang nangyari sa inyo? Bakit parang naramdaman kong may tinatago kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Yana.

Speechless ako kaya hindi agad ako nakasagot sa kanya, pati si Zaza ay walang nasabi.

"B-bakit? Ano ba ang pwede naming itago sayo?" Tanong ko pabalik ni Yana.

"Feel ko kasi parang na-outcast ako sa inyong dalawa." -Yana

Ang OA naman nito!

"Grabe ka naman Yana... Simula pagkabata, kasama mo na 'tong si Samantha." -Zaza

"Hindi eh, iba kasi ang nararamdaman ko!" Medyo naging seryoso na si Yana sa sinasabi niya at kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

"Ano ba kasi? Sabihin mo na," sabi ko.

"Ganito kasi yun... Feel ko, may hindi na ako nalalaman tungkol sa inyo lalo ka na Sam." Napatigil siya na parang may iniisip. "Alam kong may tinatago ka sa'kin na hindi mo sinasabi. Gusto ko itong malaman kasi, best friends tayo diba?"

Seryoso ba siya? Talaga ba?

Napatingin ako kay Yana at walang pagbibiro ang makikita sa mga mata niya. Tumikhim muna ako, tumingin kay Zaza at binalik kay Yana.

"A-anong sekreto ba ang meron ako?" Panimula ko. "M-meron ba? Ano ba kasi ang gusto mong malaman?" Tanong ko kay Yana.

Na tahimik si Yana, parang may iniisip siya. Hindi siya makatingin sa akin. Mayamaya ay narinig ko nalang ang malakas na tawa niya kaya napatingin kaming pareho ni Zaza sa kanya. Napano siya?

"It's a prank!" Sigaw niya at malakas siyang tumawa.

Sh*t! Muntik na akong magsalita dun ah!

"Alam mo Yana? G*go ka!" Pagsusungit ko. "Kinabahan ako sa mga pinagsasabi mo."

Patuloy pa ring tumatawa si Yana kaya nahawaan si Zaza. Mabuti nalang at hindi nagsalita si Yana kanina, honest pa naman 'tong babaeng 'to.

"Eh, kasi naman pareho kayong may nakukuhang message. Tapos, ako wala!" Nagmamaktol na sabi nito.

Napatawa ako sa iniisip ko. Siguro nag-aaway 'tong dalawang 'to.

"Nag-aaway kayo ni Lanze no?" Tanong ko.

STUCK WITH YOUOnde histórias criam vida. Descubra agora