11: STUCK WITH YOU

231 34 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito? Dilikado ka ngayon baka may makakilala sayong Ekis or Dark Solomons?" sabi ko sa kanya pero tinititigan lang niya ako. Nakayukom naman ang kamay niya.

" Hoy ano ba? Nakakatakot kana?" dagdag ko.

Ngunit wala pa ring nangyayari. Ganun pa rin siya, tinititigan niya lang ako at hindi umimik. Nang akma akong umalis ay hinawakan naman niya ang kamay ko kaso hindi pa rin siya nagsasalita.

"Ano ba Aaron? Umuwi kana dahil dilikado, baka may masama pang mangyari sayo?" sabay bawi sa kamay ko.

Bumuntong siya hininga, "Bakit ka concern sa'kin? Eh ano ngayon kung may masamang mangyari sa'kin?" galit tonong sabi niya sa'kin.

Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya, "T-teka ba't nagagalit ka? Concern lang naman ako... Kasi kabilang kana sa mga k-kaibigan ko" yumuko ako.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Seryoso niya akong tinignan. "Ibig sabihin.... Mahalaga ako sayo?"

Hindi ko mapaliwanag na pakiramdam. Tumango lang ako sa tanong niya, unti-unting nawala ang galit sa kanyang mga mata.

"Kaso..." binitiwan niya ang mga braso ko at tumalikod sa akin, "Kaibigan lang ako para sayo."

"Syempre! Mahalaga ang kaibigan para sa'kin.... K-kaya mahalaga ka din" medyo utal kong sabi.

Maya-maya tumahimik siya. Siguro may iniisip siya importante kaya hinayaan ko lang muna.

"Saan ka pupunta at aalis ka sa bahay niyo na mag-isa?" seryoso niyang sabi.

"Ahhm, Dito lang... Maglalakad-lakad kasi napakain ako ng marami."

"Samahan na kita!" aniya.

Hindi ko siya maiintindihan, kanina ang galit siya ngayon naman ay mabait na siya. May sakit ba sa pag-iisip ang mga tao ngayon?

Naglalakad-lakad kami. Napagkwentuhan namin ang graduation nila at kung saan siya mag-cocollege. Kahit pala Gang man, may paki alam sa future nila. Dito lang daw siya mag-aaral sa college dahil ayaw niyang mawalay sa pamilya niya. Hindi raw siya sanay. Nagtanong din ako tungkol sa mga naging girlfriend niya. Syempre! NGSB kaya walang masagot kaya nagtanong nalang ako about sa gusto niyang mga babae.

"Sa mga babae yung gusto ko ay yung family oriented, matalino, taga tenga ko, morena 'tsaka maingay para may gigising sa akin" sabay tawa niya.

"Wow! Hindi naman alarm clock ang mga babae no? Bumili ka nalang kaysa mag-gigirlfriend ka ng babae pero gagawin mo lang naman ng alarm clock." Sabi ko.

"Uyy, hindi naman sa ganun! Ibig ko lang sabihin na pag nahuli ako ng gising ay may gigising sa akin..." sabi niya.

"Parihas din yun! Gagawin mo na ng alarm clock" giit ko.

"Pataposin mo kaya ako no?" aniya.

Parang napikon na siya kaya tumahimik nalang ako at itinaas ko ang mga kamay ko na ibig sabihin ay susuko na ako.

"Gusto ko kasi ang girlfriend ko ang gigising sa'kin para good agad ang morning ko. Syempre! Babatiin ko siya at ganun din siya sa akin. O diba?" paliwanag niya na may halong papikit-pikit pa.

Hindi ko na napigilan at tumawa na ako ng tumawa. May ganung side pala 'tong gwapong 'to? May side pala siyang corny? Tawa ako ng tawa kaya tinanong niya ako kung bakit pero hindi ko masagot dahil sa kakatawa ko. Maya-maya huminahon ako.

"Ang gwapo gwapo mo Thirdy, kaso ang corny-corny mo pala?" pigil tawa kong sabi.

"Ewan ko sayo. Diba nga nagtatanong ka? Edi sinagot ko agad!" Sabi niya.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now