31: STUCK WITH YOU

133 16 0
                                    

Nasa bukid na kami na sinasabi ni Nani kanina ngunit lutang parin ako. Hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Sixth sakin kanina. I really can't get it, kanina parang ang saya niya na kasama si Zaza. Hindi naman sa ayaw ko, sa katunayan gusto ko nga. Way back when I was a kid, crush ko na si Sixth. Si Sixth lang lage ang nasa isip ko noon, ang crush ko at inspiration ko na walang nakakaalam maliban sa journal ko. Naging masaya rin ako nang naging kaibigan ko siya, kaya nung sinabi niyang He want me, ang saya ng naramdaman ko kanina kaya napatango lang ako.

Bumalik ako sa realidad nang uyugin ako ni Nani. Nasa mesa kami ngayon, kumakain habang nag-uusap sina mommy at daddy about sa lupang ito, ako naman ay tahimik lang na kumakain. Talaga namang maganda ang lugar na ito.

"Sam, ano sa palagay mo ang ipapatayo dito?" Tanong sa akin ni Dad.

"Ahmm, maybe a house. Para anytime na pupunta tayo dito ay may matutuluyan tayo." Sagot ko at tumango si Dad.

"Ang ganda lang talaga dito, overlooking." Sabi ni Mom.

"Pwede rin po lagyan natin ng strawberry farm diba? Malamig naman dito, pwede ang mga strawberries. So, pwede nating ibenta." Dagdag ko.

"That's a nice idea Sam!" Hangang sabi ni Dad.

"Naku, itong anak niyo ay napakatalino talaga. Sa murang edad ay may naiisip na siyang ganyan." Komento ni Nani.

Tumawa kaming lahat at nagpasyang umuwi na dahil tapos na rin kaming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan nang may gusto akong i-tanong. Huminga muna ako ng malalim.

"Mom, may nakakaalam ba sa lupa natin maliban sa atin?" Tanong ko.

"Actually, wala pa. Mamaya sasabihan ko ang kapatid ng daddy mo." -Mommy

"M-mas mabuti pa mom if secret muna natin. P-para ma-surprise sila diba?" Sabi ko.

Tumahimik si mommy at napaisip, hindi nagtagal ay tumango rin siya. Nakarating kami sa bahay at pagtingin ko sa orasan ay may oras pa ako bago mag ala una. Nagbihis ako ulit sa uniform ko at nagpaalam na sa parents ko. May nag beep sa bag ko kaya kinuha ko agad ang phone ko. Sixth!

Sixth:

Where are you?!

Ako:

Going!

Dahil sa sinabi kanina ni Sixth ay medyo hindi na ako nabigla nang nag-message siya. Ano ba ang tawag sa ganito? As usual hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi niya, pero may part sa sarili ko na sana totoo at seryoso siya.

Sixth:

Okay! May sasabihin rin ako sayo.

Ako:

Okay.

Malapit na kami sa school kaya hindi na ako nagreply pa. May nakikita pa akong mga estudyante sa labas kaya napahinga ako ng maluwag. Nang huminto na ang sasakyan ay tumunog na naman ang phone ko, this time tawag na.

THIRDY CALLING!!!

"Hello?"

"S-sam!"

"B-bakit? Teka, umiiyak ka ba?"

"Can you come?"

"Saan? Sa hospital?"

"Yes please!"

"O-okay! Wait for me."

CALL ENDED!!!

Binaba ko agad ang phone ko at nagmakaawa kay manong Kolas na pumunta sa hospital. Pumayag naman si Manong kaya agad na pinaandar niya ang kotse. Bukas nalang siguro ako magtatanong ni Sixth kung ano ang sasabihin niya sa'kin.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now