24: STUCK WITH YOU

163 19 0
                                    

Hindi pa ako inaantok kaya naghanap ako ng paraan para maka-reply kay Sixth. Tinignan ko ang balance ko pero zero na kaya wala akong choice kundi manghiram ng load.

SIXTH CALLING!!!

Kinabahan ako sa tawag ni Sixth, nagdalawang isip pa akong sagutin ito dahil nanginginig ang kamay ko and I don't freaking know why. Nag enhale at exhale muna ako bako ko sinagot ang tawag.

"H-hello?"

"Did I awake you?"

"No, gising pa ako. Wala akong load kaya hindi ako naka-reply."

"Ahh okay,"

"Anong sadya mo Sixth?"

"Just nothing. I just want to check you if you are okay."

"I'm very fine,"

"Good!"

"A-ahh by the way, I need to sleep, I'm tired B-bye!"

"Okay bye, Good night Ritz."

CALL ENDED!!!

I lied. Hindi talaga ako inaantok, hindi ko lang alam kung ano pa ang sasabihin ko. It's very awkward talking to Sixth, I must prefer talking to Aaron.

Naalala ko na naman si Aaron, bakit hindi siya nagpaparamdam. Parang ang cold ng treatment niya sa'kin, sa mga nakaraang araw naman ay masaya kaming nagkukwentuhan. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Aaron or sadyang nasanay lang akong kausap siya? Nagpasya na akong matulog dahil lumalalim na rin ang gabi.

Nagising ako sa sariling alarm ko at wala sa sarili akong tumayo para sa morning exercise ko. Tinignan ko muna ang phone ko kung may message ba si Aaron kaso wala.

Habang nag-eexercise ako ay iniisip ko si Aaron, bakit hindi ko mawala sa isipan ko si Aaron? Am I in love with him?

Sam please, 'wag mo na siyang isipin. Kung ayaw niyang magparamdam edi wag! May Yana ka tsaka may bago kang kaibigan kaya 'wag mo na siyang isipin.

6:30 AM

Nagpasya na akong maligo, habang nasa bath tab ako sinusubukan kong hindi isipin si Aaron. Hindi nagtagal natapos ako at nagbihis na. Bumaba ako nang wala pa sina daddy at mommy sa table kaya kumain akong mag-isa. Nasasanay na rin akong ganito, yung tipong mag-isa akong kakain. Dahil alam kong pagod na sina mommy at daddy katrabaho.

6:55 AM

Nag pahatid na ako kay Manong Kolas sa school. Habang nasa kotse ako ay nakikinig ako ng music gamit ang earphones ko. I really like the songs of Moira, her voice is really cold. Sapat na para mafeel mo talaga ang music. Pagdating ko sa school ay nakita ko agad si Yana at nilapitan ko siya.

"Hey, are you okay?" Tanong ko sa kanya sabay beso-beso.

"Yes okay na okay na ako," sagot niya.

"By the way, later may ipakilala akong babae sayo. She's so nice and I know magugustuhan mo siya." Kwento ko sa kanya at nagmamasid-masid sa paligid.

"Who's that girl?" -Yana

"Her name is Zaza," sabi ko at kinagulat niya.

"Wait, what? Zaza?! New student ba?" Sunod-sunod na tanong ni Yana.

Ngumiti lang ako sa kanya habang nagmamasid sa paligid, speaking of Zaza lumapit siya sa direksyon namin ni Yana.

"Hi, good morning!" Bati ni Zaza.

"Good morning din," sabi ko. "By the way, Zaza this is Yana my bestfriend and Yana this is Zaza my new friend" -Ako

Sabay silang nag-hi at tumawa rin sila. Ang ganda ni Zaza sa suot niyang uniform, sakto lang ang fit nito. I'm really looking forward for the three of us. Mayamaya ay nakisali na rin ako sa tawanan nila, maraming masasayang kwento si Yana kay Zaza which is involve ako. Nasa room na kami at wala pa ring mga teacher na pumapasok sa amin ngayon, Rizal Olympus University is fun of surprises. Hindi namin alam kung anong upcoming activity meron ang Rizal. Halos lahat ng students dito ay nagtatawanan lang, nagpaalam ako sa kanilang mag CR muna ako at tumango naman sila.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now