53: STUCK WITH YOU

131 14 0
                                    

Ritz Samantha Paraiso's P.O.V

Dali-dali akong lumabas sa kwarto dahil dumating na sina Mommy at Daddy. Pagkakita ko sa kanila ay niyakap ko sila agad, nagbeso naman kami ni Mommy.

"Bakit parang good mood ang anak namin? Manang anong pinakain mo dito?" Sabi ni mommy at tumatawa pa.

"Wala lang po... M-mom!" Pa-sweet ko sabay kuha sa bag niya.

"Alam ko na yang mga ganyan mo, Samantha!" Sabi ni Mommy.

Kahit alam na ng mga tao ang totoo, Samantha pa rin ang tawag nila sa'kin. And I am prefer to call me that name, ako pa rin naman to. Ako pa rin si Sam, pero okay lang din na tawagin akong Zaza.

"Mom, pagbigyan mo na ako..." Paglalambing ko.

"Sam, masyadong delikado mag-isa!"

"Mom, naman eh! Mag-iingat naman ako at uuwi rin ako agad." Pangungulit ko.

Tumahimik si Mommy at parang nag-iisip. Si Daddy ay kinindatan ako at parang sang-ayon siya sa akin. Si Mommy nalang talaga ang problema ko. Gusto kong mapag-isa, gusto kong gumala kahit saan, may pupuntahan akong lugar kung saan natatandaan ko at alam kong maging masaya ako sa lugar na iyon. Isang taon akong walang malay, one week palang akong nagigising at nasa bahay lang ako kaya gusto kong gumala.

"Okay lang basta kasama mo si Yana," sabi ni Mommy.

"Nasa Amsterdam nga si Yana ngayon, kaya ko na ang sarili. I'm almost 19." Bulaslas ko at nakapamewang pa.

"Okay fine!" Sabi ni Mommy at niyakap ko siya.

"Thank you, Mom! I love you," sabi ko.

"Kailan ka ba aalis?" Tanong ni Dad.

"Bukas na bukas na po, my things is ready." Bulaslas ko.

Tumawa silang dalawa at hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila. Pinuntahan ko ang mama ko at nagpaalam rin sa kanya, sumang-ayon naman siya kaya mas lalo akong naging masaya. First time ko 'tong gawin, yung ako lang mag-isa.

Maaga akong nagpahinga para maaga akong gigising bukas. I'm going to find Aaron, pero bago iyon ay pupunta muna ako sa huling lugar na napuntahan ko.

Casa de Daminar!

Nagising ako sa alarm ko. 5 AM palang pero gising na ako, ganito ako ka-excited. Nag-check lang ako sa mga gamit ko at naligo na. At exactly 7 AM ay lumabas na ako sa kwarto ko. Nasa table pa si Daddy at nakaalis na si Mommy.

"Saan mo bang balak pumunta, nak?" Tanong sa akin ni Daddy habang hawak ang tasa na may kape.

"Dad, honestly, I'm going to find Aaron." Sabi ko at nagpaalam na sa kanya.

Rinig ko pa ang tawa ni Daddy sa labas. At last, nasa labas na rin ako sa bahay. Pangalawang beses lang akong nakalabas simula nung naka-check out ako. Nung unang umalis ako sa bahay ay pinuntahan ko ang mommy ni Aaron para itanong kung nasaan ang anak niya. At first, hindi niya ako kinakausap pero paalis na ako nang sabihin niyang hindi niya rin alam at mas sumakit ang puso ko nang sabihin niya na engage na si Aaron at ikakasal na siya kapag nakikita nila ito. Siguro sinisisi niya ako sa pagkawala ni Aaron at pinapahirapan nila ako ng ganito, hindi ko naman alam na iiwan ako ni Aaron ulit.

Saan kaya kita mahahanap?

Naglakad na ako hanggang sa makapunta sa bus terminal. Gusto kong sulitin ang bawat oras kaya mas pinili ko ang maglakad nalang. I'm wearing black leggings, white sando at may denim na blazers tapos white shoes. Para akong mag-adventure dahil sa suot ko, mag-adventure naman talaga ako!

STUCK WITH YOUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora