45: STUCK WITH YOU

124 13 0
                                    

Diana Paraiso Alegre P.O.V

Kapansin-pansin si Samantha ngayon na tahimik na nakaupo katabi ni Zaza. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya lalo na't napansin ko rin si Aaron sa malayo na nakatitig lang kay Sam. Wala pa ang boyfriend ko pati na rin ang lider ng Knights of Night. Ngayon ang araw para sa tour trip namin.

Gusto ko man tanungin si Sam kung anong nangyari sa kanya ay hindi ko kaya, siguro hahayaan ko lang muna siyang mag-isip. Magsasabi naman yan kapag kaya na niyang pag-usapan ang problema niya. Mag-isa akong umupo sa isa pang bench, medyo malayo-layo sa bench na inupuan nina Sam at Zaza.

To be honest, simula nung umalis kami sa Pilipinas at lumipat sa Singapore, parang napapansin ko ang pagbabago ni Sam. Tita Jo told me that she's been suffering a mild phobia. Naaksidente raw siya pero hindi naman grabe. Kaya iniintindi ko si Sam noon, seven months akong nawala but I know there is something wrong with her and I don't have any idea.

"Hoy!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang ginulat ako kay Lanze. Ngumiti siya at inirapan ko lang siya. Ang ganda ng gising ko tapos gugulatin lang ako, magugulatin kasi ako eh. Lol!

"Kanina ka pa?" Tanong niya sakin at tumango lang ako.

"Love, may itatanong ako..." Sabi ko at tinignan ko muna si Aaron. "May kinuwento ba si Aaron sayo about kay Sam?" Tanong ko at bahagya siyang natigil sa ginagawa niya.

"A-ahh, like what?" Tanong niya.

"That he like Sam or whatever," sabi ko at parang nag-iisip siya.

"Meron!" Diretsong sagot nito.

Natahimik ako na parang kinakabahan sa posibleng sasabihin niya, naghintay lang akong sabihin niya ito at hindi na nagsalita.

"We know that Aaron likes Samantha a lot, and I know Sammuel too." Sabi ni Lanze at napahawak ako sa bibig ko.

"What happened next? Bakit parang lumalayo si Aaron?" Tanong ko at tinuro si Aaron sa malayo.

"I don't know the exact detail but nung nag-inuman kami sa hide out may nasabi si Lyster sakin. Sabi niya may nalaman si Aaron about Sam at parang sinuko na niya si Sam kay Sammuel." Mahinang saad ni Lanze.

"What?! Bakit?" Tanong ko naman.

"Ganyan si Aaron, at hindi talaga maiiwasan na kung anong gusto ni Aaron na babae ay gusto rin ni Sammuel. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Sammuel yun. Kaya parating nagpaparaya si Aaron, ganyan siya sa mga kaibigan niya." Sagot ni Lanze.

"Ano kaya ang nalaman ni Aaron tungkol kay Sam." Sabi ko sa kawalan habang tinitignan si Sam.

"Itanong mo kaya sa bestfriend mo," sabi naman ni Lanze sa tabi ko.

"Alam mo, there is something wrong with them na tinatago nila. And I need to find out, ayokong makita si Sam na malungkot." Hinarap ko si Lanze at kinindatan.

Magpapatulong ako sa kanya na alamin ang sekreto ni Sam. I know meron talagang nangyayari pero hindi niya lang sinasabi sa akin.

Hindi kita maging bestfriend Sam nang hindi ka matutulungan.


STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now