42: STUCK WITH YOU

130 14 0
                                    

Nakarating kami sa Mall. Maraming tao dahil nga sabado. Plano namin bumili ng mga damit para dalhin sa tour trip, alam niyo na. Lol!

Habang pumipili ako sa mga damit, naalala ko ang nangyari kanina. Nakita kaya ako ni Aaron kanina? Alam na ba niya talaga? Nawala na lang ang pag-iisip ko nang kinausap ako ni Zaza.

"Sam, what do you think? Bagay ba?" Tanong niya. Pinakita niya sa akin ang isang turtle neck na damit na long sleeve, color army green ito.

"Maghanap ka ng ibang kulay, hindi bagay sayo yan!" Komento ko at napawingi siya.

"Gusto ko ang kulay na 'to!" Sabi niya.

"No, ang gusto na mga kulay niya ay mga kulay na light, like yellow, pink, mga ganyan." Sabi ko naman at binalik niya naman iyon.

Natapos kami sa pamimili, nakabili ako ng tatlong tops at dalawang pants. I'm into shorts and skirts talaga, but pinipigilan ko. Nagpasya si Zaza na kumain dahil gutom na raw siya, medyo gutom na naman ako kaya sumunod nalang ako sa kanya.

"Sour cream fries and Sundae please," sabi ko kay Zaza at napatingin siya sa akin.

"Ano ako waiter? Duhh!" Sabi niya sabay rolled eyes. Lol!

"Isama mo na ang sakin please, mag-cr lang ako." Sabi ko at tumayo na.

Pumunta ako sa CR para tingnan ang sarili ko, pumasok din ako sa cubicle. Mayamaya may pumasok na mga tao, mga tatlo siguro sila. Hindi ako umimik dahil parang may pinag-usapan sila.

"Girls, alam niyo na ba ang balita?" Tanong ng isang babae.

They are familiar!

"Ano namang balita yan, Joyce?"

I know it!

"Buhay si Zaza!" Sabi ni Joyce.

"Talaga?! S-sino? Nasa ROU ba?" Tanong ni Dian.

Alam ko na kasi ang mga boses nila.

"Yes girl... And this will be our secret, iba na ang mukha niya. Nagparetoke dahil nga sa aksidente noon." Kwento ni Joyce.

"What?! Maganda pa rin ba?" Tanong naman ni Grizzly.

"Maybe yes, maybe no... Guess what--- Ay wait tumawag ang daddy ko." -Joyce

Natahimik sila at alam kong naiwan sina Grizzly at Dian dito. Hindi rin ako umimik.

"Duhhh! Joyce is disgusting," tawang sabi ni Dian.

Anong ibig nilang sabihin?

"Wow Dian ha? Nice acting," papuri ni Grizzly kay Dian.

"Ako pa?" Sabi ni Dian at tumawa pa.

Hmm!

Nang bumalik si Joyce ay tumahimik silang dalawa. Pinatuloy ni Joyce ang kwento niya. Tama akong si Zaza ang tinutukoy nilang buhay na Zaza. Naghintay pa ako ng ilang minuto para makalabas dito. Nang may ibang tinig ng mga babae akong naririnig ay naghanda ako para lumabas agad ng hindi mahalata ng tatlo.

Tumakbo ako. Para akong hinabol ng aso sa bilis ng takbo ko, patingin-tingin ako sa likod baka nakita nila ako and luckily wala. But ang malas ko ng bumagsak ako sa sahig dahil may nabangga akong isang babae. Tumayo ako agad para humingi ng dispensa.

"Naku po, sorry po ma'am." Ipagpaumanhin ko.

"No it's ok--- Samantha?"

Napatingin ako sa babae nang banggitin niya ang pangalan ko. Ngumiti ako sa kanya nang nakilala ko siya, si Tita Emmanuelle, Mommy ni Sixth.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now