25: STUCK WITH YOU

169 18 0
                                    

Aaron Chess' P.O.V

Pagkatapos kong ihatid si Sam sa building niya ay dumiretso na ako sa classroom namin, I know marami na namang tanong ang hinayupak na si Lyster. Sa lahat ng miyembro sa knights, si Lyster lang ang kinakausap ko. Pagdating ko dun ay walang teacher kaya dumiretso ako sa last chair which is tapat sa bintana. Ngumiti ng nakakaloka si Lyster sa'kin pero hindi ko siya binigyan ng emosyon. Sina Sammuel at Edrian ay naglalaro ng cellphone nila, si Lanze naman ay busy sa kakatext. Hindi nila napansin ang presensya ko at wala rin akong pakialam.

Pagkatapos ng away namin ni Sammuel sa nakaraang araw ay kahapon pa lang ako nakabalik sa hideout. Hindi na rin ako pumunta kagabi kina Sam dahil pinagdududahan na nila ako. Na pagdudahan na nga ako kina Edrian at Sammuel kahapon kaya umiwas nalang ako, ayoko nang madagdagan pa ang away namin ni Sixth.

F.L.A.S.H.B.A.C.K

"Bakit ngayon ka lang nakabalik dito?" Bungad na tanong ni Sammuel sa'kin.

"I need a break, nagpahinga lang ako sa bahay." Sagot ko at tinignan ang mga mata niya.

"Sa bahay niyo? Bakit sabi ni tita na wala ka naman sa bahay kapag gabi?" Tanong niya ulit sa'kin.

"It's none of your business!" Sabi ko sabay alis sa harap niya.

"Baka pumupunta ka sa bahay nila Sam ha? Halata ko sa mga nagdaang araw, naging close na kayo." Sabi ni Edrian at may mapanlarong ngiti.

E.N.D O.F F.L.A.S.H.B.A.C.K

"Hoy!" Tawag sa akin ni Lyster.

Tinignan ko lang siya konti at binalik ulit sa bintana ang atensyon. I don't have time for him, iniinis niya lang naman ako parati. Nung wala ako sa nakaraang araw, kinuwento niya ang lahat ng nangyari kay Sam. Nalulungkot ako Oo, pero hindi ko pipilitin si Sam. Maghihintay lang ako, kung kaya ko pang maghintay. Hanggat wala siya sasabihin ay mananatili ako sa tabi niya, martyr ba tawag diyan? Yung tipong, alam mong iba ang gusto niya pero nandyan ka pa rin sa kanya sa oras na nasaktan siya. Ano ba tawag dun? Tanga? Martyr?

Hindi ko kayang umalis sa tabi ni Samantha, yung one day na pag-absent ko narealize kong susulitin ko ang panahon na kasama pa siya. Alam ko kasi dadating ang araw na mawawala siya sa'kin. Sinubukan ko namang hindi siya pansinin o dinedeadma siya pero mga tol, hindi ko talaga kaya.

"Aaron naman eh, hindi nakikinig." Inis na bulaslas ni Lyster sa tabi ko.

"Ano ba kasi?" Seryosong tanong ko.

"Okay na kayo?" Tanong niya.

"Walang kami tol, pero okay na. Hindi matiis eh," sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Naks naman o, tamang-tama ka kay girl ah!" Sabi niya.

Pag nasa campus at hide out kami ni Lyster, tatawagin namin si Samantha as Girl, kung kaming dalawa lang ay tatawagin namin siya sa tunay na pangalan niya. Ayaw ko nang gulo kaya umiiwas lang ako, alam ko kung paano magalit si Sammuel kaya bilang may pag-iisip, ako ang mag-aadjust. Utak immature si Sammuel, alam nilang lahat yun.

"Noon pa man ay natamaan na ako sa kanya," sabi ko sa kanya at tumawa naman siya.

Way back when I'm was 10 years old and Samantha was 9, may christmas party ang isang company noon which is pag-aari ng mommy ni Samantha. Business partner ng parents ko ang mommy ni Sam kaya nasama ako sa party na iyon, nandun din si tita Emmanuel ang mommy ni Sammuel na ka-business partner din ng parents ni Samantha. Pagbaba pa lang ng stairs ni Sam, I really like her. The way she smile with the people surrounds her, it's very genuine. I can't believe na sa ROU din pala siya nag-aaral, kaya noon pa man tinitignan ko na siya sa malayo. I even dance her that night, but I think she don't know me. Tahimik rin ako sa panahong iyon, pati rin naman ngayon.

When I'm was 12 and she was 11, may party na naman. Nasayaw ko rin siya sa panahong iyon, but I'm shock she calls me Sammuel. I'm Aaron, not Sammuel. But hindi ko na inisip yun, ang nasa isip ko sa panahong iyon ay makita ko siyang nakangiti ay okay na ako.

When I'm was 16 and she was 15, nabigla ako sa narinig ko kay Sammuel na gusto niya si Samantha. Kaya sinikap kong maunahan siya, Samantha is very special girl in my life, even if ako lang ang nakakaalam na childhood crush ko siya. Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya, kaya masaya akong nakakausap ko na siya.

Back to reality, nasa canteen na kami ngayon. Two hours ko palang binabalikan ang nakaraan. Asual, tahimik akong katabi si Lyster. Hinihintay pa siguro nila sina Yana at Sam dahil hindi pa sila kumakain, pero kami ni Lyster ay kumain na. Napatigil kami nang silang tatlo ay nakatitig na sa amin.

"Hindi niyo ba hihintayin sina Yana at Sam?" Tanong ni Sammuel.

Tama nga ako!

"We have things to do kaya nagmamadali kami." Sagot ni Lyster.

Dahil sa sinabi ni Lyster ay sumabay nalang din ako sa kanya. Honestly, ayokong makita sina Sam at Sammuel na magkasama. Nagseselos ako nun, kaya para maiwasan ang selos ko ay ako nalang ang iiwas at maghahanap din ako ng paraan para masolo ko siya. Ganyan ako pagdating kay Sam!

"Ano?" Tanong naman ni Edrian.

"P-pinapunta kami ni Ms. Fourth," wala na akong ibang maisip kaya yan ang nasabi ko.

Tumahimik na ang paligid kaya kumain na kami ni Lyster, nang matapos kami ay nagpaalam kami sa kanila. Tuluyan na kaming nakaalis sa canteen at lumakad saan-saan.

"So saan tayo pupunta?" Tanong ni Lyster.

"Ewan ko, ikaw kasi eh" sagot ko.

"Ginusto mo naman, ayaw mo kasing makita ang 'Ritz, you want somethig?' ulol!" Pag gaya ni Lyster sa boses ni Sammuel.

Baka inakala niyo ayaw namin kay Sammuel, nagkakamali kayo. Okay naman si Sammuel maging kaibigan; mabait at napaka-concern, hindi lang talaga maiiwasan sa magkakaibigan ang magkainisan.

"Dun nalang tayo sa punong yun," turo ni Lyster sa malaking puno.

Tumango lang ako sa kanya at pumunta na doon. Dito sila Sam at Yana madalas nagpapalipas ng oras. Nang nakarating na kami doon ay naalala ko si Sam dito, sinasabihan niya ako ng masasamang salita dito. Napangiti lang ako at hindi ko na iyon pinansin pa, mahal ko eh!

"Tol, anong plano mo?" Seryosong tanong ni Lyster.

"Alam mo Tol, wala akong pag-asa ni Sam talaga. Si Sammuel ang gusto niya, alam ko yun." Sabi ko sa kanya at medyo nabigla siya.

"Pa'no mo nasabi?" Tanong niya ulit.

"Basta, alam na alam ko. Darating ang araw na sasabihin niya rin ito," sabi ko at hindi siya mapakali.

"Pero hindi ka naman seryoso sa sinabi mo noong nakaraang araw diba?" -Lyster

"Seryoso ako dun tol, aalis talaga ako." Sabi ko.

"Wag mo akong iwan tol," baklang tono ni Lyster kaya napatawa ako.

"Tanga! Sasabihin ko rin naman sa iyo kung saan ako pupunta eh." -Ako

"Teka, bakit parang kabisado mo si Sam? Napapansin ko sa mga nakaraang araw." Sabi ni Lyster na nakakunot ang noo.

"Secret yun tol," sabi ko sabay tawa.

Pagkatapos ng aming tawanan ay hindi ko na alam ang nangyari at dumidilim na ang paningin ko. Anong nangyari?

Please Vote and Comment below👇
READ AND BE A FUN.

XOXO, BisayangAuthor!

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now