13: STUCK WITH YOU

208 34 0
                                    

Nang nakalapit na ang babae kay Sixth ay hinalikan niya ito. What the f*ck? Kung lalandiin niya si Sixth, wag naman dito ang daming tao. Nakakahiya!

"Miss me Sammy?"

Habang nakatitig ang babae na may pagnanasa kay Sixth, nakatingin naman sa'kin si Sixth. Lubdub!

"Hey!" malambing na saad ng babae sabay kabig ng mukha para maharap siya.

"Ahhm... Excuse lang may kukunin lang ako," sabi ko sabay alis na sa Canteen.

Umalis ako don sa nakakainis na tagpo. Kahit wala naman talaga akong kukunin. Mas mabuti pang hanapin ko nalang si Yana para malibang naman ako.

Papunta ako kung saan at hindi ko alam kung nasan si Yana. Habang naglalakad ako, napa-isip ako kanina sa babaeng humalik kay Sixth. Sino kaya siya? Ba't parang hindi nakaimik si Sixth. Girlfriend niya ba yun? 'Tsaka bakit apektado ako sa ganap na yun? May gusto ba ako kay Sixth? Hindi ko talaga alam. Nagpatuloy ako sa paghahanap ni Yana kahit wala naman akong ideya kung saan siya tatambay. Maya-maya nag-beep ang phone ko. Tama! May phone nga pala ako. Tinignan ko kung sino ang nagtext. Pag open ko, nag beep ulit.

Yana:

Sam? Saan ka ba?

Sixth:

Ba't ang tagal mong bumalik? Saan ka na ba?

Napatitig ako sa text ni Sixth. Umasa talaga siya na may kukunin ako. Ewan ko ba parang nanghihinayang ako kay Sixth:(

Ako: Yana

Ikaw Yana? Saan ka? Ako nalang ang pupunta sayo.

Ako: Sixth

Sorry, hindi na ako makakabalik Sixth kasi papasok na ako baka mahuli pa ako sa klase.

Huminga ako ng malalim matapos magtipa sa kanilang text lalo na kay Sixth.

Yana:

Diretso ka na lang sa first period natin doon ako maghihintay sayo.

Ako:

Okay!

Tinignan ko ang phone ko kung nagtext ba ulit si Sixth pero bigo ako. Kaya nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad patungo P.E ko.

Nang dumating doon, nakita ko agad si Yana na nasa pintuan sa Court. P.E kasi namin. Siguro hinihintay ako.

"Sam, ba't parang tinakluban ng langit at lupa ang mukha mo? May problema ba?" sabi ni Yana sa'kin.

Umiling lang ako nag patuloy sa paglalakad papuntang locker at para magbihis. Ramdam ko na nakasunod pa rin sa'kin si Yana.

"Yana, gusto kong mapag-isa kaya wag ka nang sumunod." Medyo malumanay kong sabi.

Kitang-kita ko ang pagtagbo ng kilay ni Yana sa'kin. Ano naman kaya ang iniisip neto?

"Wow! Para sa impormasyon mo. Locker 'to ng lahat plus hindi pa ako nakapag bihis no? Assuming!" sabi niya sabay irap 'tsaka ako nilagpasan.

Okay. Shut up na ako sa sinabi niya. Ang assuming ko nga masyado. Mayamaya lumabas na ako sa locker room at pumunta na kay Yana.

"Frenn! Ano bang problema mo?" Tanong niya sa akin.

"May kilala ka bang ex ni Sixth?" hininaan ko ang boses ko para paniguradong walang makarinig.

"Wala naman. Pero kung gusto mo talaga malaman pwede kong tanungin kay Lanze. Bakit ba?" Sabi niya.

"May humalik kasi ni Sixth kanina sa Canteen kaya curious ako" sabay iwas ng tingin.

"Sure kang curious ka lang??" pag-uusisa niya.

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon