41: STUCK WITH YOU

125 16 0
                                    

Aaron Chess' P.O.V

Umalis sa harap ko si Samantha matapos ko iyon sabihin. Alam kong nasasaktan siya pero ginawa ko iyon. Ayaw ko lang ng gulo, pinaubaya ko na siya kay Sammuel pero sa oras na sasaktan niya si Samantha ay kukunin ko siya sa kanya. Nagpa-iwan ako sa menteryo mag-isa, gusto kong sulitin si Lola Nice. Sinabi ko rin ang hinanakit ko sa kanya kahit hindi na niya ako masasagot at mabigyan ng advice.

6:00 PM

Umuwi na ako sa amin, wala akong dalang phone dahil kay Lola Nice lang ang buong atensyon ko kanina. Pag-uwi ko ay wala nang mga bisita, ang pamilya nalang namin ang natira. Dumiretso ako sa kwarto para i-check ang phone ko. Kinabahan ako nang makita ang message ni Samantha sa'kin.

Seryoso ba talaga siya?

Mas pinili kong hindi siya replyan. Naguguluhan lang siguro siya sa nararamdaman niya. Dahil alam ko simula noon si Sammuel ang gusto niya, nung kasama namin siya ay si Sammuel talaga ang gusto niya. Kaya nirerespeto ko ang desisyon niya ngayong itago ang sekreto niya dahil alam kong sasabihin niya ito nang handa na siya. Ayaw ko siyang pangunahan.

Mali ako sa part na mahalin siya, sana inalam ko muna siya bago ako mahulog nang tuluyan sa kanya.

Tinignan ko ang social media niya, ang matatamis niyang ngiti ay sana ako ang dahilan. Pero parang malabo, ngumiti ako ng mapait nang makita ang picture naming dalawa. Kami lang dalawa ang makakita nito, nasa bahay nila ako nagluluto.

Nagising ako sa sikat ng araw. Nakatulog na pala ako kagabi, tinignan ko ang cellphone ko at may message na naman si Samantha sa akin.

Samantha:

Remember those day na magkasama tayo? Totoo ba ang pinapakita mo? O palabas lang lahat yun para ikainis ni Sixth? Gusto mo ba talaga ako nun? Kung kailan pa na nagugustuhan na kita, ikaw na pala ang umalis.

Napangiti ako sa text ni Sam, ibig sabihin gusto na niya ako. Pero totoo kaya? Naguguluhan din ako, akala ko ba?

Ritz Samantha Paraiso's P.O.V

Naiinis ako kay Aaron dahil naka pangalawang message na ako hindi man lang nag-reply. Walang load? Eh kung gusto niya talaga akong replyan pwede siyang magpaload. Tinapon ko ang phone ko sa bed dahil sa inis.

"Kainis kang hangin ka!" Bulaslas ko mag-isa.

Nagpasya na lang akong maligo na muna para mahimasmasan ang pakiramdam ko. Sabado ngayon at may dadalawin kami ni Zaza, kaming dalawa lang. Insakto rin dahil lalabas sina Yana at Lanze ngayon, kapag nalaman ni Yana na lumabas kami na hindi namin sinabi sa  kanya ay may excuse ako.

Nag text sa akin si Zaza na ready na siya kaya binilisan ko ang kilos ko. I am wearing pants and white crop top na garterized with white shoes, naglagay ako ng konting blush on at lip tint and ready na ako. Nag pahatid ako kay Manong Kolas sa bahay ni Zaza at magta-tricycle lang kami papuntang cemetery.

Nakita ko si Zaza na nasa labas ng bahay nila at patingin-tingin sa karsada, siguro tinignan niya ang sasakyan namin. Ngumiti siya nang sa wakas nakita ang kotse namin, pagbaba ko ay nag beso kami.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

"Tara na?" Aya niya sa'kin.

Ang ganda at klaro ang kurba ni Zaza sa suot niya. She's wearing sexy skirt and off- shoulder na bralette with white shoes. Nakasakay na kami sa tricycle, hindi kalayuan ang cemetery sa bahay nila kaya madali lang kaming nakarating.

"Sam, baka may makakita sa atin dito." Sabi ni Zaza.

"Tatago lang tayo kung ganun." Sabi ko naman.

"What if may nakakilala natin? Ano ang sasabihin natin?" -Zaza

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now