39: STUCK WITH YOU

128 16 0
                                    

Ritz Samantha Paraiso's P.O.V

Dumating ako sa school na lutang. Hindi pa ako bumaba ng kotse dahil tinignan ko pa ang mga estudyante sa labas. Sh*t! Ayokong pumasok dahil sigurado akong alam na nila.

6:50 AM

Bumaba na ako sa kotse dahil malapit nang i-close ang gate. Pagkatapak ko palang sa labas ay pumikit ako, mayamaya pagtingin ko sa paligid ay walang reaksyon ang mga estudyante kaya nagmamadali akong pumasok. Pagpasok ko, tinignan ko ang nakapaligid sa akin ngunit ngumiti lang sila at bumati pa.

Hindi ba kinalat ni Aaron ang nalalaman niya?

Pupunta na sana ako sa line formation namin nang narinig ko ang sigaw ni Yana sa malayo. Tinignan ko siya, dahan-dahan siyang lumapit kaya kumalabog ang puso ko. This is it, pancit!

"S-sorry!" Sabi ko habang hindi makatingin sa mukha niya.

"Huh? Bakit ka naman nag sosorry?" Takang tanong ni Yana.

Kasi Yana nagsinungaling ako sayo noon pa! Sabi ko sa isipan ko.

"A-ahhh, nevermind." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi humihinga nang tinawag niya ako.

Hindi rin pala niya alam!

"Teka, teka lang..." Paghabol sa akin ni Yana. "Magkasama tayo sa tour trip!" Masayang sabi ni Yana at kumalabit ito sa braso ko.

"Talaga?!" Panigurado na tanong ko sa kanya at tumango lang ito.

Nang nakita namin si Zaza na palapit ay masaya rin siya. Hindi ko alam pero parang lahat ng taong nakikita ko ay masaya, ako lang siguro ang kinakabahan. Ano ba kasi ang iniisip ko.

"Guess what?" Masayang salubong nito sa akin.

"Magkasama tayong tatlo sa tour trip?!" Hindi ko siguradong tanong.

"Yes... And kasama rin natin si Sammuel!" Sigaw ni Zaza at pinagtinginan siya ng estudyante sa paligid. Si Zaza naman ay nakakunot ang noo.

"Ano naman ngayon?" Tanong ni Yana.

"A-ahh, wala naman!" Sagot ni Zaza. Pero iba ang kutob ko sa mga ngiti niya.

Nasa classroom na kami at wala pa si Sir Slowly para sa Probability namin. At dahil wala akong magawa, binuklat ko ang notes ko at tinignan kung saan pa lang ang nakopya ko. Ano ba naman ako, ang tamad ko na talaga! Sa loob-loob ko.

Hindi nagtagal ay dumating na si Sir at walang dalang libro, ganyan naman siya parati eh. Parang memorize na niya lahat ang nasa book niya. May sinulat siya at laking gulat ko malayo na ako sa topic namin ngayon. Ganito na ba ako ka pabaya? Nagsulat nalang ako ng notes para naman makahabol ako. Tumingin ako sa pintuan dahil may kumatok, babae, familiar siya sakin. Saan ko na kaya 'to nakita? Hmmm!

Eunice!

Ayy Oo nga pala, siya yung nagpaalam sa akin na wala si Ms. Fernandez sa time ng Arts. May sinabi siya kay sir Slowly at tumango naman si sir kaya pumunta siya sa gitna. Ngumiti rin ito gaya ng mga estudyante kanina, ang saya naman nila.

"Good morning everyone, praise be Jesus and Mary! So as you can see at the bulletin board, the list of the students per batch are posted. Supposedly, next week pa ang tour trip but our dean said the first batch of students will start tomorrow. So the students who listed in first batch, you can go home now and prepare." Masayang anunsyo ni Eunice.

Lahat ng kaklase ko ay nasisiyahan, at dahil 2nd batch kaming tatlo ay maiiwan kami ngayon. Half of our classmates left at dahil na rin sa anunsyo ni Eunice ay pinatawag si Sir Slowly kaya hindi natuloy ang klase namin. Nagpasya kaming kumain, kain na naman! Lumabas kami sa classroom at kapansin-pansin ang katahimakan ni Yana, na naman!

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now