47: STUCK WITH YOU

115 13 0
                                    

Natapos ang activity namin kanina. Amazing race raw ang tawag nun. Hinati kami sa apat na teams, hindi kami magkasama tatlo. Ang kasama ko lang ay si Edrian na hindi naman ako kinakausap, syempre kami ang nanalo dahil sa'kin. Lol! Joke lang.

Nasa labas kami ngayon ng cottage namin ni Yana, si Zaza, Sixth, Lyster, Edrian at Lanze. Tahimik pa rin ako dahil kay Aaron, ano na naman ba ang iniisip niya? Ano ang ibig sabihin niya sa mga sinasabi niya sa'kin? Wala akong maintindihan. Sinubukan kong wag isipin si Aaron at magsaya nalang pero nainis naman ako sa nakikita ko. Ang sweet nila Sixth at Zaza, nasa buhangin sila naka-upo. Simula nung nandito kami sa Casa ay hindi pa rin kami magkasama nang kami lang.

Saan na ba ang sinasabi mong maging masaya tayo? Bulaslas ko sa isip ko.

Napairap nalang ako sa kanilang dalawa, naisipan kong umalis muna sa cottage at maglakad-lakad sa tabi ng dagat. Mas mabuti pang wag nalang silang isipin at magpakasaya kung anong meron ako. Nakarating ako sa medyo madilim na bahagi ay may narinig akong mga bote. Yung parang nagchi-cheer na mga bote?

Pinuntahan ko sila at laking gulat ko mga kasama namin sa tour trip. Bawal ang bagay na 'to pero ginagawa nila. Tatlo silang nag-iinuman at parang tinamaan na sila ng alak. Babalik na sana ako nang may nabangga akong katawan, sh*t!

"At saan ka namang balak pupunta?" Tanong sa akin ng lalaki. Isa ito sa mga adik na nanggalaw sakin sa campus.

"Aalis na," natatakot na sabi ko.

"Halika muna dito, dear!" Sabi niya at dinala ako sa mga kasama niya.

"Look who's here," sabi ng lalaking malaki ang mata. Yung kasama rin nilang adik.

Makakatikim kayo ngayon!

"Bitiwan niyo ako, ano ba?" Sinubukan kong kumalas sa lalaki.

"Patikim muna, dear!"

Sinipa ko ang gitna ng lalaki at napa-upo siya. Tatakbo na sana ako kaso hinatak ako sa isa pang kasama nila, hinawakan niya ang mga paa ko kaya natumba ako.

"Tulong!" Sigaw ko sa kawalan.

"Sinong makakarinig sayo dito? Ang layo na natin sa kanila."

"Ako!" Malamig na tugon ng lalaki. Pamilyar ang boses niya kaya excited akong tignan siya.

Siya nga!

"I told you once pero hindi niyo pa rin siya nilulubayan." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig namin.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin kaya binitiwan na ng lalaki ang mga paa ko. Inabot ng lalaki ang kamay niya para alalayan akong makatayo, kinuha ko iyon. Sa lakas ng pagkahatak niya sa akin ay napayakap ako sa kanya. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na yakapin siya, kaya niyakap ko siya at naamoy ko ang pabango niya na mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

I missed you!

"Diba sinabi ko na sa inyo dati? Wag na wag niyo siyang gagalawin."

"Eh ano naman ngayon?" Parang nanghahamong ng lalaking malaki ang tiyan.

Nilayo niya sa'kin ang sarili niya at sinugod ang lalaking malaki ang tiyan, pinag suntok niya ang sikmura nito kaya nawala agad ang malay.

"Aaron, tama na!" Sigaw ko sa kanya at napatingin siya sa akin.

Nilapitan ko siya at hinila paalis sa kanila pero kumawala siya sa akin at pinag susuntok ang mga lalaki.

"Wag na wag mo siya sasaktan ulit, naiintindihan mo?"

"Anong nangyayari dito?!" Sigaw ng babae sa likod namin.

Nakita ko si Ms. Akisha na nakapamewang sa amin. Natigil si Aaron at tumayo pero masama pa rin ang tingin ni Aaron sa mga adik. Pinasunod kami ni Ms. Akisha sa main building para linawin ang nangyari, sumunod kami ni Aaron at pati na rin ang mga adik. Mayamaya hinawakan ni Aaron ang mga kamay ko, ano kasing meron? Malapit na at mapupuno na ako.

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon