28: STUCK WITH YOU

150 17 0
                                    

Pagkasabi ni Aaron doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kampante na rin akong sumakay sa van, nasa back seat kami ni Aaron kaya hindi ko na nakita si Sixth.

"Okay ka lang?" Tanong ni Aaron sa'kin.

"Kanina, hindi talaga. Pero nang sinabi mo yun, kampante na ako." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Ikaw okay ka lang ba? Hindi kaba nagalusan or---

"Praning ka naman masyado." Sabi niya sabay tawa.

"I'm just a concern friend." -Ako

"Ouch! Na-friendzone ako ah," sabi ni Aaron.

"Ewan ko sayo, akala ko ba tahimik ka?"-Ako

"I'm talkative if I'm comfortable with anybody," sabi niya.

"Sino ka naging komportable maliban sa'kin?" Tanong ko.

"Sayo lang."

Dahil sa sinabi niya ay natahimik ako. Medyo kinilig ako dun, hmmm?! Kung sa gayon, wala akong pagseselosan. Ano daw? Okay pa tayo self?

Tumahimik ako at tumingin-tingin sa pinagdadaanan namin hanggang sa nakita ko na ang hide out nila. It's been a while!

Pagbaba namin sa van ay sinalubong kami ng mga Dark Solomons. Tinulungan nila si Lanze na buhatin si Sixth dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay. Sabay naman kami ni Aaron papunta sa loob habang ang kamay niya ay nakatuko sa balikat ko. Ganyan siya katangkad mga bes!

Nang nakapasok kami ay wala muna pinapasok sa kwarto ni Sixth, tanging lamang. Yes, may sariling nurse sila dito kaya dito talaga nila dinadala ang mga kasamahan nila pag nasusugatan. Naghihintay na kami lang kami ng ilang sandali nang lumabas ang nurse, sabi niya ay okay na daw si Sixth. Pagod lamang ito kaya nawalan ng malay.

"Buti nandito kayo?" Biglaang tanong ni Lyster.

Dahil sa sinabi niya ay tumahimik ang buong paligid at kami ni Yana ay nagkatinginan lamang. We don't have any idea of this. Ang gulo-gulo na ha?

"Gusto lang namin kayo tulungan," sagot ni Cidrik.

"Akala ko ba magtropa tayong lahat? Bakit sa isang hindi pagkakaintindihan ay lumayo kayo? Hindi man lang kayo nakinig sa side n-namin." Sabi ni Lyster at tumingin sa'kin.

Sa'kin?! Bakit?

"Kaya kami nandito ay manghingi ng sorry, alam namin na nagkamali kami." Sabi naman ni Rich.

"Kung natuluyan si Aaron kahapon, madadala ba yan sa sorry niyo?" Dire-diretsong tanong ni Lyster.

"Tol!" Pagtawag ni Aaron.

"Hindi tol, akala---

Hindi na pinatapos ni Aaron si Lyster at hinila na niya ako papunta sa kwarto niya. Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Lyster dahil tuluyan na kaming nakapasok sa kwarto. Anong na tuluyan?

"Ano yung sinasabi ni Lyster na na tuluyan?" Tanong ko kay Aaron. Hindi siya sumagot at tinignan niya lang ang mga mata ko.

"Aaron!" -Ako

"Napaaway kami k-kahapon," sabi niya.

"Tapos?!" -Ako

"Tapos... Muntik na akong---

"Jusko naman Aaron," sabi ko tapos sinapak ang balikat niya at napahawak siya doon.

"S-sorry!" Sabi ko at nilapitan siya. "Kunin mo yang jacket mo, ang init-init."

"Wag na, okay lang ako." Sabi niya at hindi niya na ako tinignan sa mga mata.

"Aaron, may tinatago ka ba?" Tanong ko.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now