26: STUCK WITH YOU

150 19 0
                                    

Ritz Samantha Paraiso's P.O.V

Nasa canteen kami ngayon kasama ang mga knights pero wala sina Aaron at Lyster. Akala ko ba okay na kami ni Aaron? Nasaan ba siya? Nagpanggap nalang akong pupunta sa CR para hanapin si Aaron. Sa wakas ay nakita ko na sila, nasa ilalim ng puno kung saan doon kami madalas ni Yana. Dahil okay na ako ay bumalik ako sa table at tahimik sila, si Sixth ay tutok na tutok kay Zaza.

"Eherm!" Pag-agaw ko ng atensyon nilang lahat, "Guys, this is Lyxa." Sabi ko at tumango naman si Lanze.

"Hi!" Bati ni Zaza sa kanila.

Pagkatapos nun ay kumain na kami, dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-imbestiga ay sinilip ko si Sixth at nga tama ang nasa isip kong tinitigan niya si Zaza. Mabilis na kumain si Zaza lalo na sa fries, siguro favorite niya yun. Tama kaya ako?

"You remind me of our princess." Sabi ni Sixth.

Sh*t!

Tama nga siguro ang haka-haka ko. Napatigil kaming lahat dahil sa sinabi ni Sixth, si Zaza naman ay napatigil sa pagkain niya at nakatitig kay Sixth.

"S-sinong Princess?" Tanong ni Zaza.

"N-never mind." Sabi ni Sixth at nagpatuloy nang kumain.

Napaka-moody talaga nitong lalaking 'to. Haytss! Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami bago papasok sa next subject namin. Si Edrian ay gumagamit na ng cellphone, sina Lanze at Yana naman ay alam niyo na, si Zaza ay tahimik lang habang si Sixth ay titig na titig kay Zaza. Ouch!

Mayamaya ay may tumakbo na mga estudyante papunta sa canteen, mga nasa anim ang mga estudyanteng 'yon. Nagulat ako nang sa table namin sila papunta. Hingal na hingal silang humarap sa amin. Kinakabahan ako.

"Sammuel, s-sina Aaron at Lyster---

Hindi na hinintay ni Sixth na matapos ang sinabi nito at tumakbo na siya palabas, sumunod na naman si Edrian at Lanze. Tatakbo sana ako kaso hinawakan ako ng mahigpit ni Zaza kaya napatingin ako sa kanya.

"Bitiwan mo ako Za, kailangan kong puntahan si Aaron." Sabi ko pero hindi niya pa rin ako binitiwan.

"Mapanganib Sam, dito nalang tayo." Sabi ni Zaza kaya nakakunot ang noo ko.

"Please, kaya ko---

"Tama si Zaza, dito nalang tayo Sam. Baka mapahamak ka pa, kaya na nila Lanze yun." Sabi naman ni Yana kaya napatahan ako.

Tinignan ko ang puno kung saan sina Aaron at Lyster kanina kaso wala na sila doon, wala nang tao sa puno na 'yon. Kinuha ko ang phone ko ang nagtipa ng mensahe kay Aaron, nagbabakasakali na magre-reply siya.

Ako:

Saan ka? Nag-aalala na ako sayo!

Naghintay pa ako ng ilang minuto kaso wala pa rin akong natanggap na reply. Tinawagan ko rin siya kaso cannot be reach na. Pinapawisan na ako dahil nag-aalala na talaga ako sa kanya, ano ba kasi ang nangyari? Sino ba may kagagawan nito?

Malamang mga ekis! Sino pa ba?

"Boyfriend mo ba si Aaron?" Tanong ni Zaza na nakaagaw ng atensyon ko.

"H-hindi Zaza, kaibigan ko." Sagot ko pero ngumiti siya.

"Bakit ganyan nalang ang pag-aalala mo sa kanya?" Tanong ulit ni Zaza sa'kin.

"Ano may churva si---

"Stop it Yana," nakakunot noo kong pigil sa kanya. Tumatawa naman si Zaza, she is so cute!

"Okay, gets ko na." Sabi ni Zaza na parang paniwalang-paniwala ni Yana.

Mayamaya pa ay hindi pa rin nakabalik sina Sixth, alalang-alala na ako para kay Aaron. Hindi ko alam pero everytime na may masamang nangyari kay Aaron ay nag-ooverthink ako. Sana okay lang siya. Dahil nag katuwaan na sina Zaza at Yana ay dahan-dahan akong lumabas sa canteen at hinanap ang mga knights.

STUCK WITH YOUजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें