29: STUCK WITH YOU

133 15 0
                                    

Medyo nakahinga ako ng malalim ng makita ko si Aaron. Nawala rin ang dating nakakunot noo ni mommy dahil kay Aaron, thank God. Sana may magandang sasabihin to si Aaron para hindi ako grounded. Hindi ko kayang wala phone ngayon.

"Tita let me explain first," paunang sabi ni Aaron at tumango sina mommy and daddy.

"Samantha saves me. Kung wala siya siguro napahamak na ako, ang laking utang na loob ko sa kanya at sa buong pamilya niyo. Pangalawang beses niyo na po akong niligtas, kaya tita, tito please... Ako nalang po ang pagalitan niyo. " Mahabang paliwanag ni Aaron.

Infairness ang galing niya ha, napaniwala niya si mommy, si daddy naman tumango lang. Tumingin si mommy sa'kin, tumango lang ako sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni daddy.

"Kasi tito, pagkatapos kong mag snack ay pumunta kami ni Lyster sa ilalim ng puno para magpahinga. M-maya-maya bigla nalang akong nawalan ng malay tapos paggising ko nasa malaking ware house na ako. Hindi ko kasama si Lyster dun, buti nalang nandun si Samantha. Tinulungan niya ako---

"My God Samantha! Delikado ang ginawa mo," sigaw ni mommy.

"Pero tita,tignan mo naman siya. Walang masamang nangyari sa kanya, ang galing nga niya." -Aaron

Bulero!

"Kung yan nga, okay Samantha you're not grounded." Sabi ni mommy.

Yessssssss!

Dahil sa saya ko ay niyakap ko si mommy pagkatapos ay si daddy. Nang tinignan ko si Aaron ay tumawa siya, ang pogi niya pag tumawa siya ng ganyan. Nilapitan ko siya sabay bulong ng thank you. Tumango naman siya at ginulo ang buhok ko. Inaya ni daddy si Aaron na kumain muna, at first ay ayaw ni Aaron pero pinilit siya ni daddy kaya tumango nalang si Aaron. Pumasok kami sa bahay, nagpaalam muna ako kay Aaron na magbihis sa itaas.

Pagka-baba ko ay nagtatawanan na sina daddy at Aaron. Ngumiti ako bago ako lumapit sa mesa. Natahimik sila nang umupo na ako.

"A-ahh bakit po?" Tanong ko sa kanila.

"Wala lang. Kumain ka na," sabi ni daddy kaya kumain nalang din ako.

Ang kaninang tawanan nila ay wala na. Binilisan ko nalang ang pagkain ko, nakakainis sila ha? Nang matapos akong kumain ay hindi na ako nagpaalam sa kanila na babalik ako sa kwarto ko. Na-badtrip ako eh, gusto ko pa sana makasama silang nagtatawanan.

Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama, nakatingin lang ako sa ceiling. Kung hindi pa nawala ang journal ko ay nagsusulat na sana ako, marami sana akong planong ilagay sa journal ko. Nasaan ko ba kasi nawala yun, hindi naman ako malilimutin para makalimutan ko iyon kaya sigurado akong may kumuha nun.

KNOCK! KNOCK!

Hindi ako kumibo. Hinintay ko lang na i-open niya, may kamay naman siguro siya diba? Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa si Aaron.

Kala ko ba si mommy? Or nani?

Tinignan ko lang siya, walang emosyon ang kanyang mukha at dahan-dahang lumapit sa akin. Umupo siya sa kama ko at tinignan ang mga mata ko, tinignan ko rin siya. Huminga siya ng malalim.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tumayo pero nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, napaka moody din parang babae lang.

"Look Sam, I'm sorry!" Sabi niya kaya kinabahan ako. "I just d-don't know what to do---

"Ang hindi ko lang alam, bakit ganyan ka?" -Ako

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon