20: STUCK WITH YOU

165 21 0
                                    

Nabigla ako sa boses ni Allysa, kasama niya ang mga kaibigan niya, sina Joyce, Grizzly at Dian. Alam kong maninira na naman 'to ng araw, mukha pa lang niya ngayon alam kong manggugulo siya. Napabuntong hininga ako.

Umalis na kayo please!

"Anong meron dito? Hindi ba kami invited sa pagtitipon niyo?" Maarteng tanong niya at nakapamewang pa.

"Just go Allysa---

"Why Sammuel?! Are you afraid? Or affected ka pa rin sa presence ko?" Sabi niya at unti-unting lumalapit kay Sixth. "Don't worry, I still love---

"Shut up the f*ck up Allysa, hindi kita mahal! Alam mo yun." Sigaw ni Sixth at lahat ng estudyanteng kumakain sa canteen ay nasa kanila na ang atensyon.

"Iiyak na sana ako kaso... Alam ko naman ang nararamdaman mo sa akin diba?" Maarte niya pa ring tanong.

Ginulo ni Sixth ang buhok niya at frustrated na siya. Ang dali niya palang magalit.

"Umalis na kayo Allysa." Seryosong sabi ni Lanze.

"No! Hindi kami aalis," sabi niya. "Aminin mo kasi sa lahat Sam na inlove ka sa akin noon di---

"P*tang ina mo Allysa, nahulog ako sa patibong mo!" Sigaw pa rin ni Sixth at hinawakan na ni Edrian ang kamay niya.

"What do you mean Sam?" Tanong ni Lyster.

Tumawa ng malakas si Allysa, "Wag mong itago Sam na gusto mo ako talaga diba?" Mapanlarong tanong ni Allysa.

"Oo!" Sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya.

Marami namang nagbubulong-bulungan dahil sa sinabi ni Sixth. Tumawa naman ng parang wagi si Allysa.

"Pero alam niyo bakit?" Tanong ni Sixth. "Kasi nagpanggap siyang siyang si Zaza," patawang sabi ni Sixth.

"Bakit hindi namin alam 'to?" Naguguluhang tanong ni Lyster.

Hindi kami makagalaw ni Yana sa nangyayari ngayon sa aming harapan, hindi ko alam ang pinagsasabi nila pero interesado naman akong malaman ito.

Patuloy pa ring ginugulo ni Sixth ang kanyang buhok, nang tumingin ako kay Allysa ay medyo kinakabahan siya sa posibleng sabihin pa ni Sixth. Huminga siya ng malalim at nagtaray na naman ito.

"Sabi niya siya si Zaza at napaniwala niya ako dahil may pinatunayan siya. Kaya ayun, minahal ko siya bilang si Z-zaza at wala ng iba." Sabi ni Sixth at nakatutok lang kay Allysa.

"This can't be!" Sigaw ni Allysa kay Sixth at umalis na. Sumunod naman ang tatlong alipores niya at sinamaan pa ako ng tingin ni Joyce.

Umupo si Sixth sa upuan at pinikit ang mga mata niya. Dahan-dahan akong lumapit, naaawa ako sa kanya. Bakit ganyan nalang kainis si Sixth pagdating ni Allysa? Dahil ba nagtaksil sila ng half brother ni Sixth? Pero sino ba talaga si Zaza sa buhay ng mga Knights?

Tumikhim muna ako tsaka tumabi sa kanya. Hinimas ko ang likod niya para tumahan siya pero inis niyang tinakwil ang kamay ko, nabigla naman ako.

"Get off of me!" Sigaw ni Sixth sa pagmumukha ko sabay alis.

"Sammuel?!" -Lyster

Tulala kong sinundan ng paningin si Sixth palayo sa amin. I don't know kung ano ang i-r'react ko, magagalit ba ako kay Sixth? Masaktan ba ako dahil sa pagsisigaw niya? Hindi ko talaga alam. Nilapitan ako ni Yana at tinanong kung okay ba ako. Tumango lang ako sa kanya at tumayo na para pumunta sa next subject ko.

Pagpasok ko sa room ay tahimik kong tinignan si Sixth sa sulok dahil magkaklase kami ngayon. Hindi niya ako tinignan at hindi na rin ako nag-aksaya ng panahon para kausapin siya. Sino ba siya sa buhay ko?

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now