10: STUCK WITH YOU

244 36 0
                                    


"I.... ne-need... y-you.." hirap niyang utal nang nakapikit
.
.
.
.
.

WHAT? Seryoso ba siya? Baka nanaginip lang siya,

Bumukas ang pinto at nakita kong may dalang pagkain si Aaron at kasunod naman niya ay sina Edrian at Lyster.

Nang tinignan ko ulit si Sixth, hindi na naman siya gumagalaw. Nakatingin ang tatlo sa akin na may pagtataka kaya,

"Ahh... Nakita ko kasing gumalaw ang kamay ni S-sam kanina." Sabi ko.

"Gutom lang siguro yan Sam, kumain kana," aya ni Aaron sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. Kumuha nalang ako ng toasted bread kahit hindi ako gutom.

"Si Aaron ang gumawa niyan, masarap ba?" sabi ni Lyster.

"Wehhh?!" Sabi ko.

"Siya nga!" Sabi naman ni Lyster.

"Ang sarap nito Aar!" Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Dahil sa kababuyan ko ay medyo nabulunan ako kaya kinuhaan ako ni Aaron ng Juice.

"S-salamat" sabi ko.

"E-eherm!" tikhim ni Edrian.

Tinignan ko naman siya, "Kuya, Gusto mo?"

"Maka-kuya naman 'to. Sina Aaron at Lyster nga hindi mo kinuya... Ako pa kaya!" ani Edrian.

Tumawa lang ako.

"Ang tanda kasi ng mukha mo Ian," sabi ni Lyster sabay tawa.

"Grabe ka naman Lyster, ang bata rin ng mukha mo no?" napipikong sabi ni Edrian.

"Tumahimik nga kayo, para kayong Grade 7. Kumain nalang kayo---" hindi natapos na sabi ni Aaron.

"Ang ingay-ingay niyo mga mokong!" Bulaslas ni Sixth sa kama.

Gising na siya? Kanina pa? Narinig niya usapan namin?

"Pare? Pareee!" Sabay nilang tatlo.

Parang mga bata 'tong tatlo. Ang saya nilang tignan.

"Sixth?" nabigla kong sabi.

Galak parin ang tatlo.

"Welcome back to earth pre? Kumusta dun sa imperno, Nakita mo ba si Uncle Lucifer?" sabi Edrian sabay tawa.

Tumawa kami dahil sa sinabi ni Edrian, ngumiti lang si Sixth. Agad na nagtagpo ang mga mata namin kaya parang hindi ako mapakali.

"Okay ka lang ba, saan ang masakit sayo?" natarantang sabi ko.

"Okay lang ako." cool niyang sabi.

"Gusto mong kumain? Anong gusto mo?" taranta pa rin ako.

Hindi ko kasi mapigilan mag-alala. Kaya ganito nalamg ang reaksyon ko.

"Ehermm, Concern girlfriend mo naman Sam" sabi ni Lyster.

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi niya? Girlfriend agad? Diba pwedeng nag-alala lang bilang kaibigan. Tinignan ko si Aaron at tumahimik siya bigla.

"Pang girlfriend material," sabi naman ni Edrian.

"Akin ka nalang" patawang sabi ni Sixth.

"Suss mga ulol!" Nasabi ko sa kanila.

Mga gagong to, kung ano nang pinagsasabi. Magkaibigan nga sila. Biglang may kumalabog na pinto at napatingin ako don. Nagmamadaling lumabas si Aaron. Anong nangyari don?

"Laka Samm!" -Lyster

"Galit si Aaron, Laka!" -Edrian

"Tapos? Ba't ako sinisisi niyo? Natatae lang yun kaya ganun ang exit niya." Sabi ko.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now