7: STUCK WITH YOU

230 39 0
                                    

Pagdating namin sa bahay nila ay napaka pamilyar. Parang napuntahan ko na ito dati pa, pero hindi ko maalala. Hindi ko na hinintay si Sammuel para pag buksan ako, bumaba ako agad sa kotse. Wow! Feeler ko talaga. Ako? Pagbubuksan? HAHAHAHA

Medyo nahihiya pa akong pumasok kasi di naman kami close masyado ni Sammuel at sumama pa ako dito, Crush lang siguro. Literal na maganda ang bahay nila, hindi ko ma explain basta ang ganda lang. May nabasa akong mga pangalan malapit sa pinto at talagang pamilyar din ang mga pangalan na ito. Pagpasok namin sa bahay nila ay dumiretso si Sammuel sa itaas kaya nagdalawang isip pa akong sumunod sa kanya, baka magalit pa siya dahil sunod ako ng sunod sa kanya.

"Ritz, bilisan mo ang paglalakad mo!" Sabi niya kaya binilisan ko ang lakad ko.

"A-akala ko kasi---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Dun ka muna sa kwarto ko, dun nalang ako maliligo sa guest room." Sabi niya tsaka umalis.

"Hoyy Sammuel, t-teka!" Habol ko sa kanya. "Saan yung kwarto mo?!" Tanong ko sa kanya.

"P-pink door!" Sabi niya tsaka pumasok sa may black door.

WHAT?! PINK DOOR? IS HE SERIOUS?

Kahit hindi ako naniniwala sa sinabi ni Sammuel ay hinanap ko nalang ang room na may pink door. Naglakad lang ako nang may nakita akong nakadamit kasambahay kaya nagtanong nalang ako sa kanya.

"A-ahh Excuse Me!" Panimulang sabi ko. "Saan yung kwarto ni Sammuel?!" Tanong ko.

"Nasa pinakadulo, yung p-pink door" sabi niya sabay turo kaya lumaki ang mata ko.

SERYOSO TALAGA SIYA?!

"Ahh bakit iha? Girlfriend ka ba ni Sammuel?" Tanong niya. Para siyang mayordoma sa bahay na ito dahil naiiba ang kasuotan niya sa ibang kasambahay na nakita ko kanina.

"A-ahh!" Hindi niya ako pinatapos dahil nagsalita na siya.

"Alam mo iha, first time kong nakita na nagdala ng babae si Sammuel dito. Napakamapili ni Sammuel pagdating sa mga babae, naku ang swerte mo iha." Sabi niya at napangiti lang ako sa sinabi niya. "O siya sige, pumunta kana doon!"

Hindi na ako nakapagtanong dahil umalis siya agad. Naku-curious na talaga ako bakit ako dinala ni Sammuel dito. We're not even that close para dalhin niya ako dito, tsaka first time niyang nagdala ng babae dito? Tama nga talaga ang sinabi sa akin ni Yana nung nakaraang araw. Nang nakita ko na ang pink door ay pumasok na ako dun. Hindi naman kulay pink ang loob, kulay blue ito. Pwede ko kayang itanong sa kanya kung bakit pink ang door pero blue itong loob? Curious lang ako.

May nakita akong picture frame, may isang babae at lalaki sa litrato. Sigurado akong si Sammuel 'tong lalaki pero itong babae ay hindi pamilyar sa akin. Ito ba ang gustong babae ni Sammuel? Saan na siya? Ang saya nila sa litrato, siguro itong babae lang ang minahal ni Sammuel.

"Kakambal ko yan!" Sabi ni Sammuel sa likod.

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya kaya napahawak ako sa puso ko. Tinignan ko siya at nakabihis na siya, medyo basa pa ang buhok niya.

Ang bilis maligo ah?

"Ang cute namin no?!" Tanong ni Sammuel.

"A-ahh, Nasaan na siya Sammuel?" Tanong ko.

"Just call me Sixth," sabi niya. "She's now in heaven." Diretsong sabi niya at nilapitan ako. Kinabahan pa ako pero kinuha niya lang pala ang picture frame.

"So-sorry!" Sabi ko sabay yuko.

"No it's okay... Her name is Samantha Agustina, 8 years old kami nung nawala siya. She has heart disease, sayang nga eh!" Sabi niya habang tinitignan ang picture frame.

STUCK WITH YOUOnde histórias criam vida. Descubra agora