37: STUCK WITH YOU

121 12 0
                                    

Lumabas si Lanze na may dalang bulaklak, suot ang matamis na ngiti. Dahan-dahang lumapit kay Yana na hindi pa rin nakakapagsalita dahil sa bigla nito. Pagkalapit na pagkalapit ni Lanze ay niyakap siya agad ni Yana. May binulong si Yana kay Lanze at napatawa siya nito.

"Thank you for coming into my hell life. Dahil sayo, na bawas-bawasan ang pagrariot ko dahil sa pangako ko sayo na magbabago ako para sayo. Happy 3rd monthsary my love." Sabi ni Lanze at niyakap ulit ang kaibigan ko.

"Thank you, I love you my love." Sabi rin ni Yana at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap. Napaiyak ito sa saya.

Uuwi na sana kami kaso gusto ni Lanze na samahan sila sa dinner nila, kahit ayaw ko dahil nga maka-distubo kami pero pinilit nila kami kaya no choice. Nagpasalamat din si Lanze sa amin dahil nadala ko si Yana dito, kinuwento namin ni Zaza sa kanya ang nangyari kay Yana nang hindi siya nagpaparamdam kanina. Tawang-tawa si Lanze kaya napikon si Yana at pinagpapalo niya si Lanze.

"A-ahh Lanze, kailan nga pala ililibing si L-Lola Nice?" Tanong ni Zaza dahilan sa pagkatulala ni Yana.

"Two days from now pa, bakit?" Diretso na sagot ni Lanze.

"W-wala naman... Hindi rin ba papasok si Sammuel bukas?" Tanong ni Zaza ulit.

Medyo napataas ng kilay sina Lanze at Yana. Tumingin si akin si Yana, may pinapahiwatig ang kanyang mga tingin. Hindi agad makasagot si Lanze.

"Ahh nevermind nalang." Pagbawi ni Zaza sa tanong niya.

Nagpatuloy na kaming kumain nang tumunog ang cellphone ni Yana. Pinapauwi na siya kaya dali-dali siyang umalis. Takot siguro si Zaza sa mga magulang niya, mga itinuturing niyang magulang!

Nang wala na si Zaza ay naging tahimik si Yana. Malalim ang kanyang iniisip, may gusto siyang sabihin pero magdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya. Mayamaya ay huminga siya ng malalim at tinignan si Lanze, kaya napatingin si Lanze sa kaniya.

Putik! Third wheel ako ngayon! Sigaw ko sa kaloob-looban ko.

"Bakit?" Tanong ni Lanze.

"A-ahh about kay Zaza nga pala!" Pagsisimula ni Yana.

Sh*t!

"Kay Zaza? Bakit? Anong concern mo sa kaibigan niyo?" Kunot noo na tanong ni Lanze.

"No, I mean Zaza, your childhood friend, I g-guess..." -Yana

Nakukutuban na si Yana about sa pagkatao ni Zaza kaya siguro nagtatanong na siya. Please! I just can't:(

"Bakit? Anong meron?" -Lanze

"Nakita niyo ba ang katawan niya nung naaksidente siya?" -Yana

Manang-mana talaga si Yana sa mommy niya. Parang pinagkokonekta niya ang mga nalalaman niya. Sana hanggang dyan lang siya, ayokong mag-iba ang turing niya sa'kin dahil sa pagsisinungaling ko. Sa oras na makita ni Aaron ang journal ko ay baka malaman na nilang lahat. Sana hindi pa!

"H-hindi... Ang sabi lang ni Aling Ina ay patay na ang anak niya dahil sa aksidente at pinagtitripan daw sa mga tambay." Kwento ni Lanze.

"Dahil diyan naniniwala kayo?" -Yana

"Bakit? Anong meron?" Curious na curious na si Lanze.

" Ganito kasi, nakukutuban ko si Zaza na kaibigan namin at si Zaza na kaibigan niyo ay iisa." -Yana

"W-what?!" Nabigla ako sa sinabi niya. Medyo naguluhan pa si Lanze sa sinabi ng girlfriend niya. "Paano mo nasabi?" Naguguluhan na tanong nito.

"Pinilit ko si Mommy na hanapin ang case ni Zaza, but wala na. Ibig sabihin pinatapon na yun at ibinaon sa limot ang case na yun. Baka nga buhay si Zaza, kaya basta-basta nalang na binasura, don't you think?" Sunod-sunod na tugon ni Yana.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now