Chapter 3

197K 4.4K 422
                                    

Happy reading
😘

🥀

Zarena

SINUNDAN ko sina Pat sa kung saan kami uupo. Wala ng bakanteng upuan kaya sa gilid ang bagsak namin. Habang naglalakad pa kami papunta roon, may ilang mga estudyanteng nakatingin sa akin. Malamang, hindi na ako nagtataka kung bakit. Ikaw ba naman ang tamaan ng bola sa ulo at bumagsak sa sahig habang maraming tao ang nakatingin dahil nanonood sila ng basketball kaso umekstra ka. Siguradong pinag-uusapan nila ang nangyari kanina at napapatanong kung sino ako. They might be laughing at me right now.

Great. Just great!

Kung tutuusin naman, wala akong pakialam sa kung ano man ang isipin nila. Kaya naman pagod akong naupo sa puwesto ko. "Are you sure you're fine, Za?" Napatingin ako kay Julius nang maupo siya sa tabi ko. Sumilay ang pag-aalala sa mukha niya. "Oo nga. Okay lang ako" Tipid ko siyang nginitian.

Ibinalik ko sa laro ang tingin ko.


Brix Apollo

Ngumisi ako nang mapanood ko si Captain na walang kahirap-hirap mai-shoot ang bola sa ring. Kasabay ng pagtunog ng buzzer ang pag-ingay ng mga nanonood. Lalo na ang mga fans ni Cap.

Lupet ni Cap! Wala talagang makapagpipigil sa kanya kung siya mismo ang nasa court. Laging masarap sa feeling kapag seryoso si Cap sa game. Amoy panalo e!

Bigla akong tinamaan ng inis nang mamataan ang isang Southwestern na nagkukulangot sa gilid. Ito yung guard na nagbantay sa akin kanina a. Tangina, hinawakan pa ako. Fuck!

Itinuon ko ang tingin ko sa kanya kaya nawala ang atensyon ko sa laro. Dahil don, sa ibang direksyon ko naibato ang bola imbes na ma-ipasa kay Axel. Shit! Awtomatikong napamura ako nang tumama ang bola sa ulo ng babaeng naglalakad sa di kalayuan. "Lintek!" Mura ko.

"Vontelardo, hindi ka lang sinipot ng ka-date mo kanina, akala mo na basketball ring yung babae!" Pikon kong binalingan si Seven ng tingin sabay pakita ng gitnang daliri ko.

Nagkatinginan naman sila ni Isaac at parehong ngumisi. Mga gago.

Hindi ko na lang sila pinansin at agad dinaluhan ang babaeng tinamaan ko ng bola. Putangina, mukhang napalakas ang tama kasi napaupo siya sa sahig. Imbes na mag-aksaya ng oras, alisto ko siyang tinulungan na makatayo.

Napakamot ako sa batok ko nang maaninag mabuti ang mukha niya. Matangos ang ilong. Mahaba ang buhok. Natural na mapupula ang mga labi niya. Shit na papel! Ang ganda.

Tumikhim ako.

"I'm sorry, Miss. You okay?" Sinubukan kong tignan kung ayos lang ba ang ulo niya.

Lintek! Ngayon na nga lang ako nakakita ng ganito kagandang babae, pinagpapawisan pa ako sa harap niya. Pagod ako sa laro, magagawa ko ba?

Napailing ako. Basta gwapo ako, yun na yun.

"I'm fine. Medyo napalakas lang ang tama pero okay ako. It's okay" Pansin ko ang pag-ngiwi niya.

Napatitig tuloy ako sa mukha niya. I never saw her in the campus. Sabagay, sa lawak ba naman ng Weston University, malabong makita ko siya lagi. And if ever I saw her, I would remember. "Are you sure?" Ulit kong tanong. Mukha kasi siyang nagsisinungaling.

Ngumisi ako sa isip ko nang tumango siya at nag-thumbs up. May boyfriend na ba siya?

Tinitigan ko pa siya ulit. Mukhang kahit buong araw ko siyang titigan, 'di ako magsasawa. Napangiti ako sa naisip kong iyon. Nababaliw na nga ako. "I'm sorry again, Miss" At least she accepted my apology.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now