Chapter 4

186K 4.2K 230
                                    




🥀

Zarena

MALAWAK ang ngiti ni Patricia nang makalapit ako sa kanila. Kanina, bumalik ako sa gym kasi napansin kong wala yung keychain na nakakabit sa bag ko. Bigay pa naman iyon ni Savi. Baka kapag umuwi ako sa probinsya at napansin ni Sav na wala yung asong keychain na bigay niya, tatanggalan ako nun ng anit. And that girl is seriously brutal.

Napangiti ako sa naisip. Na-miss ko ang bruhang 'yon.

"You got it? Ano? Nakalabas na ba yung Vikings?"

Tumango ako. "I have it with me. If you're asking about the Vikings, may mga myembrong naiwan sa loob" Sagot ko. Nanlalaki ang mga mata niya.

Hindi ko na nabilang kung ilan silang nandoon kasi nagmamadali ako. I actually sneaked inside and didn't bother to look at them for long. I just took one glance. Tapos binilisan ko agad ang paglalakad matapos kong mahanap yung bwisit na keychain na nahulog.

Nagniningning ang mga matang nginitihan ako nila Pat at Catalya. Si Julius, tahimik pa din sa tabi. I gave both of the girls a questioning look. "O bakit ganyan kayo makatingin?"

"Anong bakit?!"

"Bakit?" Balik tanong ko.

"Girl! Mag-kuwento ka kung anong nangyari! Alangan namang pumasok ka lang doon ta kinuha ang keychan mo tsaka ka lumabas. Sa ganda mong iyan, malamang nakuha mo ang atensyon nila!" Garagal na sabi ni Pat.

I actually heard someone shout the word 'miss' pero alangan namang ako yung tinutukoy kaya hindi ko na rin pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako ng lakad palabas. They don't even know me so surely, they wouldn't notice someone like me.

"Hindi nga nila ako nakita"

Parehong ngumuso ang dalawa sa narinig na sagot ko. Natawa ako at inayos ang bag ko.

.

.

.

Bagsak balikat akong naglakad palabas ng ika-apat na shop na napasukan kong hindi ako tinanggap. Nakuha na raw kasi ang mga naiwang slots.

Huminga ako ng malalim. Apat pa lang yan, Zarena. Paalala ko sa sarili ko. Marami pang iba jan na pwedeng pag-applayan. Pero ang hinahanap ko kasi ay yung malapit lang sa school para kapag natapos ang last subject ko sa hapon, lalakarin ko na lang papunta sa workplace ko. Hindi na kailangang magbayad pa ng pasahe sa sasakyan. Para sana makatipid.

Suot ko ang isang matapang na ngiti habang kausap ang manager ng isang coffee shop. Brewed Coffeehouse. "I am sure I can do that. Sakto po ang available time slot sa schedule ko"


Napatango-tango siya sa sinabi ko. "And why do you think we should hire you?"

I gripped my bag. "Lumaki po ako sa probinsya namin sa Bicol at mulat ho ako sa hirap ng buhay. Dapat niyo po akong tanggapin dahil may dedikasyon po ako sa kung ano ang trabahong maibibigay sa akin. Paghihirapan ko ang bawat salapi pero hinding hindi ko kakalimutan na isapuso ang aking mga ginagawa at maging masaya sa pagtatrabaho" Galing talaga sa puso ko ang bawat salitang binitawan ko. Tagos sa spinal cord ko ang mga sinabi ko.

Ang importante sa trabaho ay ine-enjoy mo ang ginagawa mo. Dapat rin pursigido ka. And when you have those two ingredients, hardwork can be just like a hobby. A job won't be that hard.

Maski ako ay napangiti nang masilayan ang pagngiti ng manager. "You're in. Start tomorrow. 6 pm and your end shift is 9 pm" Aniya.

Kahit anong pilit ko, hindi ko masupilpil ang ngiting sumilay sa labi ko. Muntik ko na ngang isayaw ang love shot ng exo sa sobrang kasiyahan.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now